You are on page 1of 2

Chua, Sherleen Oktubre 25, 2016

WIKAKUL A58 Bb. Alunen


Ang Pagkain Kapampangan sa Kulturang Filipino
1. Ayon kay Emerita S. Quito, ito ay mayroong tatlong kadahilanan. Una, ang
pinakamalaking bisyo raw ng mga Kapampangan ay ang kumain kung kayat mas pipiliin
pa nilang maghandat magluto ng magdamag para lamang makakain ng mga sariling-
gawang putahe. Maliban pa rito, mayroon silang pamantayang sinusunod sa bawat
pagkain kung kayat masasabing maseselan ang kani-kanilang mga panlasa. Pangalawa,
itoy bunga na rin ng kaugalian ng lalakit babae. Dahil kilala ang mga lalaking
Kapampangan sa pagiging maseselan pagdating sa pagkain, inaasahang marurunong
magluto ang mga kababaihang naroroon kung kayat napakalaki ng tungkulin ng isang
ina bilang ilaw ng tahanan sapagkat siya ang nagtuturo sa kanyang mga anak na babae
kung papaano maglutot gumawa ng mga gawaing bahay. Hindi tulad ng iba,
ipinagmamalaki ng mga Kapampangan ang mga kamay ng nagtatrabaho. At ang
pangatlo, para sa kanila, isang arte ang kumain. Tuwing mayroong idaraos na kapistahan,
naghahanda na sila ng sari-saring mga pagkain dalawang linggo pa lamang bago ang
itinakdang petsa ng pista. Hindi tulad ng mga Amerikano at Aleman, hindi uso sa kanila
ang pagbu-buffet at hindi rin sila nagmamadaling kumain sa halip ay matiyaga nilang
sinusunod ang buong proseso ng paggawa ng pagkain. Kahit na pangkaraniwan lamang
ang kanilang lulutuin, sinisigurado nila na tamang-tama ito sa kanilang panlasa at
kumpleto rin dapat ang lahat ng mga rekado at iba pang mga kasangkapan.
2. Ayon kay Emerita S. Quito, ito ay mayroon ring tatlong kasagutan. Una, dapat tama ang
ginagamit na mga kasangkapan at hindi rin dapat tinitipid ang paggamit sa mga ito. Imbis
na gumamit ng mantikang Purico, margarine, at evap tulad ng nakasanayan na ng iba,
silay gumagamit ng katas ng taba ng baboy, Bruun, at gatas na galing pa mismo sa mga
kalabaw. Pangalawa, sinusunod ng mga Kapampangan ang bawat hakbang at panutong
nakatalaga sa recipe. Hindi nila pinapaiklian ang proseso ng pagluluto kahit na gaano
man ito kahirap o kay tagal gawin. At ang pangatlo, nahasa na ang kanilang panlasa sa
paglipas ng panahon. Hindi lamang dila kundi pati na rin ang kanilang mga mata at ilong
ay ginagamit din nila sa pagluluto kung kayat sinasabing mapamintas o mapanuri sila
pagdating sa mga pagkain.
3. Ayon kay Emerita S. Quito, magkaugnay ang pagkain at kultura sapagkat kung nasa isang
tao na ang lahat ng kanyang mga pangangailangan sa buhay kabilang na ang kumain ng
tatlong bese sa isang araw, maaari na niyang gugulin ang lahat ng kanyang oras sa pag-
aaral ng ibat ibang mga bagay, tulad na lamang ng sining, literatura, at pilosopiya.
Bukod pa roon, sinasalamin ng pagkain ang kultura ng isang bayan sapagkat mayroong
sari-sariling paraan ng pagluluto ang bawat pook kung kayat hindi lahat ng lugar sa
mundo ay maroon pare-parehas na uri ng pagkain. Tulad na lamang ng escargot sa
Pranses at igat sa China, marami ring mga kakaibang putaheng itinatago ang mga
Kapampangan kabilang na rito ang Camaro, itlog ng bayawak o ng hito o ng balo-balo,
burung isda, betute at tapa ng kalabaw. Buhat na rin ng kanilang pag-uugali, naging
tradisyon na nila ang paggawa ng ibat ibang pagkain kung kayat masasabing
magkaugnay ang kulturat tradisyon.

You might also like