You are on page 1of 1

Dati

Hindi ko na ikukwento kung paano kami nagkakilala


Kung anong nangyari sa kwento namin
Sa kwento ko, sa kwento nya, sa kwento naming dalawa
Basta ang alam ko, may dati.
Malinaw sa akin, na mayroon kaming nasimulan
Ang mga yakap, mga halik at mga tawa
Mga damdaming bumubugso kapag natatama ang aming mga mata
Dati.
Ginugunita ng aking damdamin ang masasayang alala
Habang lumilingon sa kahapong pinuno natin ng pangarap
Ang mga Dati.
Ang mga dating kamay na magkahawak,
Ang mga dating niluma ng panahon
Ang mga dati na puro sana,
Ang mga dati, na ngayon ay wala na.

You might also like