Tagalog

You might also like

You are on page 1of 1

PAG INOM NG ALAK

May mga dapat na iwasan sa pag dalo sa mga pang kumpanyang aktibidad partikular na sa pag inom ng
nakalalasing na inumin kasama ang mga kapwa empleyado. Upang magkaroon ng maayos at masayang
Company Outing, ang lahat ay inaasahang kumonsumo ng alak nang maayos upang maiwasan ang mga
kaguluhan.

Ano ang mga dapat at hindi dapat gawin?

Sa kahit na anong pang kumpanyang aktibidad, dapat na iwasan ang malasing. Kapag nasobrahan sa
alak, maari kang makapagsalita ng direkta o mailabas ang itinatago mong nararamdaman o saloobin sa
ibang tao na maaring makasakit sa kanilang damdamin na maaring maging dahilan ng gulo. Dapat na
tandaan na huwag sumobra sa pag inom ng alak upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari.

Maari ring mamili ng angkop na nakakalasing na inumin upang magsaya. Masayang inumin ang mga
hard na inumin, ngunit dapat na limitahan ang pag inom nito. Ang mga light na inumin naman
tulad ng wine at light beer ay nakatutulong sa pag lamig ng ulo.

Ang lahat ay inaasahang maging responsable sa pag konsumo ng mga nakalalasing na inumin. Mag isip
muna bago uminom at magpakalasing.

Laging isipin na ang iyong dinadala sa outing na ito ay ang pangalan ng kumpanya, kaya dapat lamang
na laging magkaroon ng positibong pag-uugali sa lahat ng kaganapang pang kumpanya.

PUNTA DE UIAN RESORT & SPA


HOUSE RULES & REGULATIONS

1. Iwasan gumamit ng mga kagamitang umiinit sa loob ng mga kuwarto upang maiwasan ang
sunog.
2. Iwasang gumawa ng anumang kaguluhan sa loob ng kuwarto at daanan na maaring kainisan ng
ibang tao.
3. Panatilihin ang kalinisan. Anumang pinsala sa mga kagamitan sa loob at labas ng resort na ikaw
ang responsable ay maaring ipabayad sa kumpanya.
4. Itago ang mahahalagang kagamitan at pera. Ang hotel ay hindi responsable sa mga
mawawalang salapi at masisirang gamit na iyong dala.
5. Kapag may nangyaring insidente, tumawag sa front office para sa tulong.
6. Huwag tumakbo sa paligid ng pool.
7. Dapat na magsuot ng angkop na kasuotan sa pag ligo sa pool.
8. Hindi papayagang maligo sa pool ang mga taong nas impluwensya ng alak.
9. Hindi maaring magdala ng pagkain sa paligid ng pool. Ipinagbabawal din ang pag sisigarilyo,
pag nguya ng bubble gum, at pagdala ng babasaging bagay sa paligid ng pool.
10. Magshower muna bago pumasok at maligo sa pool. Hindi pahihintulutang maligo sa pool ang
mga taong may sugat, bandages, sipon, ubo, o may impeksyon sa mata.
11. Ipinagbabawal ang pag dive sa pool.
12. Ipinagbabawal ang pag-dura, pag-singa, at pag-ihi sa pool.

You might also like