You are on page 1of 13

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

PAMAGAT . i

KASULATAN NG PAGPAPATIBAY .ii

PASASALAMAT ...iii

PAGHAHANDOG ..iv

ABSTRAK

TALAAN NG NILALAMAN .

KABANATA I

SULIRANIN AT KALAGAYAN NITO

KALIGIRAN NG PAG-AARAL .

PAGLALAHAD NG MGA SULIRANIN

BALANGKAS NG PAKSANG PINAGAARALAN

PARADIMA NG PAGAARAL ...

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL ..

SAKLAW AT LIMITASYON

KATUTURAN NA GINAMIT SA PAG-AARAL

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA ..

KABANATA III

METODOLOHIYA AT PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK .

LOKASYON NG PANANALIKSIK

TAGATUGON O RESPONDANTE ..

DISENYO NG SAMPLING ...


INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK ..

PARAAN NG PAGKUHA NG MGA DATOS

PAMAMARAANG ESTADISTIKA ..

KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

KABANATA V

PAGLALAGOM, KINALABASAN,KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

APENDIKS

BIBLIOGRAPIYA

ABSTRAK
Sa bahaging ito ng pananaliksik na pinamagatang PANANALIKSIK TUNGKOL SA

EPEKTO NG LAGALAG FALLS SA KAPALIGIRAN AT SA MGA MAMAMAYAN

NABIBILANG SA BARANGAY KALYAAT SAKALING GAWING RESORT ITOay

ang pagbubuod ng pananaliksik na ito.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag aaral na ito ay naglalayong tuklasin o alamin ang magiging epekto ng

pagsasagawa ng resort sa mga mamamayan at sa kapaligiran.

Ang pag aaral na ito ay sumasagot sa mga sumusunod na katanungan:

1.Sino sino ang mga mamamayang sumasang ayon at di- sumasangayon kung

sakaling gawing resort ang Lagalag Falls?

2.Ano ano ang mga dahilan kung sakaling gawing resort ang Lagalag Falls?

3.Ano ano ang mga mabuti at masamang epekto ng Lagalag Falls sa kapaligiran at

mamamayan sakaling gawing resort ?

KINALABASAN

Mula sa limampung tagasagot 47 o (94%) ang sumasang ayon na gawing resort ang

Lagalag falls at 3 o (6%) naman ang hindi sumasang ayon. Ang karaniwang edad na

sumang ayon na kababaihan ay may gulang na 30 80 at 22-79 naman ang

karaniwang edad sa mga kalalakihan.Tatlo o 3 ang hindi sumasang ayon ,isa ay

nabibilang sa kababaihan at dalawa naman sa kalalakihan.


Sa pananaliksik na isinagawa ng mananaliksik ang dahilan ng mga mamamayan

sakaling gawing resort ang Lagalag Falls,masamang epekto sa kapaligiran at

mamamayan kung sakaling gawing resort ang Lagalag Falls at positibong epekto

epekto sa kapaligiran at mamamayan kung sakaling gawing resort ang Lagalag Falls ay

halos nagkakapareho. Ang pinakamataas na porsyento sa bawat bilang ay halos

sumasang ayon ,may pa ilang ilang hindi sumasang ayon at di sumasang ayon subalit

sa kabuuan ang may pinakamalaking porsyento na naisagot sa bawat bilang ay

sumasang ayon.

PAGLALAGOM

Sa patuloy na modernisasyon ng kapaligiran hindi maiiwasan ang dating natural na

lugar na gawing pagkakakitaan gaya ng Lagalag Falls kung sakaling itoy gagawing

Resort. Sa pangangalap ng mga impornasyon at mga datos natuklasan at napagtanto

ng mananalksik na halos sumasangayon ang mga taga Barangay Kalyaat sa planong

gawing Resort ang falls sa pananaliksik na ito .Hindi maiiwasan ang mga epekto ng

gawaing ito gaya ng maaari itong makaapekto sa mga natural na naninirahan sa

bahaging ito.Maiipon din ang mga basura dito dahil sa mga iniwang kalat ng mga

turista.Lingid ito sa kaalaman ng karamihan kung kayat hindi maiiwasan ang mabuting

dulot nito sa mga mamamayan sa Barangay Kalyaat gaya ng makakatulong ito upang

magkaroon ng malaking kita ang lipunan at marami ring mahihikayat na turismo.Halos

lahat rin ng mga edad na sumasang ayon ay 22-80 mababae o malalaki man.

KONKLUSYON
Upang mas maunawaan pa ang pananaliksik na ito.Nabuo ng mananaliksik ang mga

sumusunod na konklusyon .

1.Napagtanto ng mananaliksik na mahalaga ang pag aaral na ito sa mga mambabasa

lalo na sa mga mag aaral ng susunod pang henerasyon.

2.Nalaman din ng mananaliksik na karamihan sa mga tao ngayon ang nasisilaw sa

karangyaan ng kapaligiran.

3.Natuklasan din ng mananaliksik na mas pinapaboran ng mga taga Kalyaat nag awing

resort ang Lagalag Falls.

REKOMENDASYON

Batay sa kinalabasan at buong konklusyon sa pag aaral na ito.Ang mga sumusunod ay

ang mga rekomendasyon at mungkahi ng mananaliksik.

1.Para sa mga mag aaral

Gawing batayan ito sa pag aaral upang makakalap o makakuha ng sapat na

impormasyon na may kaugnayan sa pag aaral na ito.

2.Para sa mga mamamayan

Maging malawak ang pagunawa at kaisipan sa pagbabagong nangyayari sa

kapaligiran dahil sa epekto ng pagsasagawa ng mga resort.

3.para sa iba pang mananaliksik


Pakaingatan ang kalikasan upang mapagyabong pa at mapaunlad pa ang kaalaman ng

bawat isa at sa iba pang mananaliksik.


KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALAGAYAN NITO

SANLIGAN NG PAGAARAL

Hindi maitatanggi na ang mga Pilipino ay napakapalad sa bansang Pilipinas

sapagkat napakaraming mga magagandang tanawin at lugar na maaaring pasyalan

rito. Napapaloob sa mga pasyalang ito ang mga anyong tubig at anyong lupa na siyang

bumubuo dito. Karamihan rin sa mga naninirahan rito ay kinabubuhay ang pangingisda

at pagsasaka. Ang ilang mga pangisdaan naman ay ginagawang resort o ecotourism

lalo na kung itoy kaakit akit at maganda.Marahil isa na sa maituturing na mapalad ang

bayan ng Lucban lalawigan ng Quezon .

Ang talon ay mga daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa mababang

bahagi ng isang pook. Nabubuo ang mga ito kapag dumadaloy ang tubig mula sa isang

lugar na may matitigas na mga batuhan patungo sa mas mabubuwag o mahihinang uri

ng lupa, yelo o bato.

(http://renzcarlomarcelino.blogspot.com/)

Ito ay maituturing na likas na yaman ng bansang Pilipinas. Ang kapaligiran o ang

kalikasan ay nagtataglay ng mga bagay na may malaking halaga. Ito ang mga

itinuturing na likas o natural na yaman ng bansa. Halimbawa rito ay ang mga

kabundukan, karagatan, kagubatan, mga lawa, ilog ,look,golpo at pati na yaong mga

mineral na mahuhukay sa ilalim ng mga lupa. Maituturing na ang mga likas na yaman

ay ang mga bagay na bigay o likha ng Diyos bilang pamana sa tao.


(http://homeworks-edsci.blogspot.com/2011/10/likas-na-yaman-sa-pilipinas-mga-

uri.html)

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag aaral na ito ay naglalayong tuklasin o alamin ang magiging epekto ng

pagsasagawa ng resort sa mga mamamayan at sa kapaligiran.

Ang pag aaral na ito ay sumasagot sa mga sumusunod na katanungan:

1.Sino sino ang mga mamamayang sumasang ayon at di- sumasangayon kung

sakaling gawing resort ang Lagalag Falls?

1.1 Edad

2.2 Kasarian

2.3 Mga mamamayang sumang ayon at di sumasang ayon sa pagpapatayo ng resort sa

Lagalag.

2.Ano ano ang mga dahilan kung sakaling gawing resort ang Lagalag Falls?

2.1 Makapang akit ng mga turista.

2.2 Magkaroon ng karagdagang pagkukunan ng kita ang barangay.

2.3 Makatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng paligid ng Lagalag Falls.

2.4 Magiging panibagong pook pasyalan.


2.5 Makakatulong upang lalong mapaunlad ang lugar.

3.Ano ano ang mga mabuting epekto ng Lagalag Falls sa kapaligiran at mamamayan

sakaling gawing resort ?

3.1 Magkakaroon ng turismo sa Baranggay Kalyaat.

3.2 Makadaragdag ng kita o income ng Baranggay.

3.3 Mapapanatiling malinis na ang kapaligiran ng Lagalag Falls.

3.4 Magkakaroon ng bagong ipagmamalaking lugar ng Barangay.

3.5 Mas magiging maganda ang paligid ng Lagalag Falls.

4. Ano ano ang mga mabuting epekto ng Lagalag Falls sa kapaligiran at mamamayan

sakaling gawing resort ?

4.1 Magdudulot ng maraming basura at kalat sa paligid ng Lagalag Falls.

4.2 Magiging dahilan upang masira ang kagandahan ng lugar

4.3 Makakabulabog sa mga hayop na naninirahan sa lugar.

4.4 Hindi makakatulong sa pagkakaroon ng karagdagang pagkukunan ng income.

4.5 Walang maidudulot na pag unlad sa mga mamamayang nakatira sa Barangay

Kalyaat.

PARADIMA NG PAKSANG PINAGAARALAN


Sa pananaliksik na isinasagawa, ang balangkas ng paksang pinagaaralan ay nasa

anyo ng pangangalap ng mga datos at pagaanalisa ng mga nakalap na impormasyon

sa mga piling mamamayan ng Barangay Kalyaat. Ito ay sa patnubay ng output o mga

talatanungan na pinasagutan sa mga respondente na sasagutan batay sa kanilang

saloobin at paniniwala.Matapos ang pagsasagot titipunin ito ng mananaliksik at

ipoproseso ito gamit ang pamamaraang estadistika.Susunod ang pagiinterpreta nito at

lalabas na ang output o ang kinalabasan ng pananaliksik na ito.

INPUT PROSESO OUTPUT


Talatanungan na Pag-iinterpreta ng Ang mga positibong
layuning mapagtanto mga nakalap na epekto gaya ng
ang kaniya kaniyang kasagutan gamit ang makadaragdag kita sa
pananaw sa pamamaraang pook,magiging tourist
pagsasagawa ng estadistika. spot din ito at
resort ,dahilan
dadayuhin ngunit sa
sakaling gawing resort
kabila ng mga
ang Lagalag Falls at
magagandang epekto
ang mga positibo at
nariyan ang mga
negatibong epekto
negatibong dulot nito
nito di lamang sa mga
gaya ng maraming
mamamayan kundi
basura ang nakakalat
pati na rin sa
sa paligid at
kapaligiran nito
makakabulabog rin ito
sa mga hayop na
nainirahan rito .

Larawan 1.Ang Input-Proseso-Output (IPO) Modelo

Ang input ay ang kwestionare ng mananaliksik na ginamit upang mananaliksik.

Nilalaman nito ang mga tanong na layuning mapagtanto ang kaniya kaniyang pananaw
sa pagsasagawa ng resort ,dahilan sakaling gawing resort ang Lagalag Falls at ang

mga positibo at negatibong epekto nito di lamang sa mga mamamayan kundi pati na rin

sa kapaligiran nito.

Ang prosesong ginamit ay ang pamamaraang estadistika na kung saan ang P ay

porsyento, F ay frikwensi o bilang ng mga kasagutan,N ay kabuuang bilang ng mga

tagasagot at ang pormula na P=Fx100%/N.

Ang output o ang kinalabasan ng pananaliksik na ito gamit ang mga

talatanungan.Napagtanto at nakita ng mananaliksik ang mga mga positibong epekto

gaya ng makadaragdag kita sa pook,magiging tourist spot din ito at dadayuhin ngunit sa

kabila ng mga magagandang epekto nariyan ang mga negatibong dulot nito gaya ng

maraming basura ang nakakalat sa paligid at makakabulabog rin ito sa mga hayop na

nainirahan rito .

KAHALAGAHAN NG PAGAARAL

Ang pag aaral na ito ay makakatulong sa pagbibigay ng mga kaalaman ukol sa mga

epekto at dahilan ng mga mamamayan kung sakaling maipatayo ang Lagalag Falls na

makakatulong sa mga mambabasa, kapwa mananaliksik,kaguruan at ang mga

mamamayan.

Sa mga mambabasa,upang makapagbigay impormasyon ukol sa mga pagbabago sa

kapaligiran na gawa ng mga tao.

Sa kapwa mananaliksik,upang magbigay ideya para sa iba pang pag aaral.


Sa mga kaguruan,upang mas lalong mabigyang importansya ang kalikasan at

mapalawig pa ang kaalaman ukol sa kapiligiran at kung paano ito mas lalo

pangalagaan.

Sa mga mamamayan, upang ipahiwatig ang kahalagahan at pangangalaga at

paggalang sa kalikasan.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag aaral na ito ay sumasaklaw sa mga piling mamamayan na nakatira sa

Barangay Kalyaat na may limampung bilang lamang .Ang mga mamamayang hinirang

ay magmumula sa ibat ibang Sitio ng barangay Kalyaat na sumasaklaw sa lugar o pook

ng talon ng Lagalag.

KATUTURAN NA GINAMIT SA PAGAARAL

Para mas maunawaan pa ang pananaliksik na ito at upang maliwanagan pa ang mga

mambabasa :

FALLS anyong tubig na nagmumula sa itaas ng mga malalaking bato. Ito ay

tinatawag sa Tagalog na talon sapagkat itoy tila tumatalon mula sa mataas at matatarik

na lugar patungo sa ibabang bahagi ng anyong tubig.

LAGALAG FALLS anyong tubig nahitik sa mitolohiya. Isang yamang tubig na nasa

Barangay Kalyaat.

RESORT-isang lugar kung saan pumupunta ang mga tao para magbakasyon.

EPEKTO-isang pagbabago resulta ng isang pangyayari o pagsasagawa.


EKOTURISMO-isang gawain kung saan naglalakbay sa isang natural na anyo ng lugar

sa pamamaraang hindi nasisira o naapektuhan ang kapaligiran.

TURISMO-isang aktibidadng paglalakbay sa isang lugar para sa kasiyahan.

You might also like