You are on page 1of 2

Since NMAT season na, I present to youuu...

*drum roll*

Davenn's (Un)reliable and (In)complete NMAT Guide:

1. Wag bumili ng MSA, walang similar na lumabas like wtf.

2. Download yung pdf na binibigay ng NMAT na sample exam. I-print at sagutan. Rationalize why yun
ang sagot. Karamihan ng itatanong kukunin dito. Like same concepts, different questions.

3. Yung sa figures, wag imemorize yung mga examples, jusko walang kukunin dun. Practice lang ng
practice.

4. Yung math e basic lang. Aralin basic concepts ng lahat ng math na included. Important yung rules
of exponents tho. At pag-read ng graph (na hindi ko nasagutan kasi kulang time for me ahaha).

5. Physics, ito yung aralin niyo sa libro. Pero chill lang ahaha. Like chapter summaries lang ganun.
Basta may basic knowledge lang. Ang important ma kabisado niyo is OHM'S LAW. Usually, halos
lahat ng lalabas sa Physics is about kuryente especially Ohm's law. Equally distributed na yung sa
mechanics, optics, acoustics, thermodynamics ganon.

6. Sa chem, basic inorg and org chem lang. May isang naming ng hydrocarbon. Imemorize structure
ng Benzene, Toluene at Aniline. Biochem siguro 1 or 2 questions lang ahaha pakshet. Aralin din
radioactivity. Alpha, beta, gamma particles G na.

7. Mga Pharma ang premed, wag na mag-aral ng chem. Alam na alam niyo na yun jusko. Physics
nalang okay? Ahaha. Sa ibang premed naman, magbasa ng chem. Okay, good.

8. Psychology at Sociology, download kayo ng GLOSSARY nung dalawang yun. Yun lang ireview
niyo enough na jusko tapos halos lahat common sense na.

9. OHM'S LAW talaga. Yung formula. Ay lumabas din yung Parallel at Series na circuits. Keri lang
yun. Basta aralin flow ng current at yung symbols sa circuits.

10. Biology naman e basic lang. Aral onti. Hanggang genetics at heredity. Manood nalang kayo
videos sa YouTube. (Biology crash course)

11. Physics ang edge niyo sa iba kasi yung iba tatamarin mag-aral ng Physics at di nila alam na
Ohm's Law ang mahalaga ahahahaha.

12. Magdala ng food kasi puta puno lahat ng kainan sa UST promise. (Di ako nakapag-lunch hayzt.)
Water at jacket din.

13. Wag masyado kabahan easy lang NMAT. Dala kayo relo kasi oras lang kalaban. (Nasira relo ko
nung umaga pakshet kaya di ko natapos quantitative. Di ko napansin oras ahaha.)

14. Quantitative/Math e bilisan niyo. At ito ang ginawa ko. Time na kasi nun e 16 items pa di ko
nasagot. B lahat ng shinade ko. (Pero na-half shade ko lang!!!) Feel ko mahilig ang NMAT sa B
ahahaha trust me. And yung B-C theorem kasi. Accdg to it, kapag computation questions daw,
tendency ng examiners na ilagay sa gitna ang answers, hence B or C. Pero B talaga sa NMAT ahaha
(not reliable pero trust me). Pag manghuhula lang yang B-C theorem ha?! Pag pinangsagot niyo yan
agad agad mababatukan ko kayo.

15. Pag di niyo talaga alam sagot, mag-eliminate kayo ng choices na parang impossibleng yun ang
sagot. Wag basta bastang manghula. Pero kung wala kayo ma-eliminate, B na yan ahahaha
(ipaglalaban ko to).

16. Matulog ng maaga the night before NMAT. Wag kabahan masyado madali lang yung exam
ahaha. And eat breakfast before going to the testing center. Magbanyo narin ahaha.

17. Diretso na sa building na assigned sayo sa umaga. Pumasok sa testing room ng maaga para
maka-chill pa before the exam. Positive vibes lang chill lang ganon.

18. Halos lahat ng ka-room mo sa NMAT magre-review pa right before the exam. Wag ka na gumaya!
Kakabahan ka lang kasi nagmamadali ka magbasa.

19. Dasal lang talaga. Mula bago NMAT exam hanggang labasan ng results ahaha. Pagdasal niyo
99+!!!

20. CHILL LANG. Just keep my tips in mind (or not). Copy + paste niyo sa phone niyo pwede rin.

With love, Davenn Bacud

Update: Walang NMAT percentile rank na 99+++. Hanggang 99+ lang, and 99 lang nakuha ko. Inedit
ko lang yung +++ into the photo (halata naman why do I even have to say this). May emoji pa nga na
tumatawa e ahahaha. It wasn't meant to deceive people. Bawal ba mangarap ng 99+++, kahit
impossible?

You might also like