You are on page 1of 51

REASONS WHY YOU SHOULDNT FALL IN LOVE WITH ME

Don't fall in love with me, because I'll change your definition of love..

"Chemistry.."

Humigop ako ng hangin mula sa straw para umakyat yung iced tea na laman ng baso ko.

"Chemistry?" Medyo may pagkasarkastiko kong balik sayo.

Tumango-tango ka. "Chemistry.."

Nagsimula nanamang maglakbay yung mga mata mo na nakakakita ng mga bagay na


hindi ko nakikita.

Na para bang nananaginip ka ng gising kahit medyo imposible.

"..Yun bang hindi mo namamalayan yung oras kapag magka-usap kayo.

..Yung willing siyang makinig sayo if you tell him about your day.

..You have the same taste sa lahat ng bagay.

..You finish each other's sentence.

..You..

..You just click." Ini-snap mo yung thumb and middle finger mo. "..Like peanut butter and
jelly."

Napangiwi ako.

Sa lahat ng taon na nagkasama tayo sa iisang kwarto, hindi ko pa rin ba nasabi sayo na
nawi-weirduhan ako sa paborito mong palaman?

Well, anyways. "Gwapo?"

Tiningnan mo ko na para bang kakatanong ko lang kung nag-eexist ba si Santa Claus.

"Seul.." You scoffed. "Anong work ni Troy?"

Eto nanaman tayo sa mga ex mo.

"Model ng Bench." Sagot ko.

"How about si Liam?"

Napabuntong-hininga ako. "Model ng Onesimus.."


"Si Keifer?"

Tumaas kilay ko. "Hey! Hindi porket basketbolista, gwapo na!"

Kumibit-balikat ka. "Meh. Tinitilian pa rin naman e. Point is," Hinalo-halo mo yung inumin
mo gamit yung straw. "..Did you see me with someone who's not that good-looking?"

"Si Keif--"

"..I mean with someone who's not being drooled upon by other girls?" Putol mo sakin.

Hindi naman talaga ako mananalo sayo e.

Pero nakakatawa lang kasi yung mga reaksyon mo sa tuwing alam mong may tama rin
ako kahit paminsan-minsan.

"Okay.." Kumuha ako ng tissue at pinunasan yung spoon and fork na gagamitin mo kahit
pa kinuha ko na yun na babad na sa mainit na tubig. "You have chemistry. He's good-
looking. Ano pa?"

Inabot ko sayo yung utensils mo at saktong sinerve na din yung order natin.

"I kind of--"

"Is this all of it, Ma'am?" Tanong ng waiter.

"Yes, thank you." Sagot mo, then eventually, itinuloy mo din lang yung pagku-kwento mo
sa bago mong magiging jowa since tinawag mo ako for dinner para lang humingi ng
second opinion.

Kahit ginagawa mo naman kung anong gusto mo despite ng warnings ko sayo.

"..Andun yung feeling na he might be the one."

Tinabi ko yung plate ko and then kinuha ko yung plate mo. Hiniwa ko na into bite-size
yung steak mo habang dada ka pa rin ng dada.

Mmm, sinabi mo na din yan nuon kay Troy at kay Liam.

Kaya naman tango na lang ako ng tango.

Di mo nasabi yan nung bago maging kayo ni Keifer kase jinowa mo lang naman si Keifer
para inisin si Liam. Dahil alam ng buong university na mortal enemies silang dalawa.

"..You know Seul, he's a geek. But he never bores me. Lagi siyang nagbibigay ng trivia
about sa stars and constellations, and *sigh* he sounds so romantic each time
kinukwento niya yung stories behind bakit yun yung name ng constellation na yun.. Kaya
naman pati ako, napapabasa na rin ng greek mythology.."

Natapos ko ng hiwain yung steak mo at ibinalik ko na yun sa placemat mo.

"He's a good influence then.. No one ever got to persuade you to read a book.."

Ibinalik ko naman sa placemat ko yung plato ko and sinimulang hiwain din yung portion
ko. "..Naalala ko nga yung mga books na ginagawan mo ng reaction papers nung 1st
year college pa tayo. Cinderella. Snow White. Three Little Pigs." Napailing nalang ako.

"Yeah.."

You beamed at me with that smile.

"..I think he's the one."

If you think it's love Irene, then who am I to stop you?

---

Ni-run ko yung fingers ko sa buhok ko, at bahagyang sinabunutan yun para lang
magising ako.

Tatlong problems nalang, ready na ako para sa departmentals bukas.

Biglang gumewang yung double-rule ko nung nagulat ako sa biglaan mong pagbubukas
ng pintuan.

Napaikot ako nung nakarinig ako ng hikbi.

Pagkaharap ko, para ka nanamang batang kinukusot yung mga mata mo.

Oh di ba?

Kako sayo walang Santa Claus e.

Bumuntong-hininga nalang ako bago ko tinanggal yung pagkaka-indian seat ko sa upuan


ko sa study table ko, sinuot yung indoor slippers ko, at tsaka hinila ka para yakapin.

"S-Sabi niya, m-madaldal daw ako.."

Kusang lumabas yung ngipin ko sa pagluwang ng ngiti ko.

"..That I-I kept on talking and talking a-about random stuffs na sobrang nakakasawa na
daw.."
Tinapik-tapik ko yung likod mo.

"..I-I was just telling him about m-my day! J-Just like the usual!"

"Mmm.." kako lang.

"H-How.." Sinok mo. "H-How dare him insult my fashion sense?!"

Napabitaw ako sa yakap ko sayo.

"No way?" Pinanlakihan kita ng mata. "He did that?"

Nag-pout ka. At tumango.

"He says I wear too much pink!"

Napalingon ako sa shared cabinet natin.

Kalahati nung mga naka-hang na damit, iba't-ibang shades ng pink.

"Is he color-blind?" Pigil ko sa ngiti ko. Niyakap kita uli nung feeling ko di ko na
mapipigilan uli yung pag-ngisi ko. "Fuschia is not pink. It's red."

"I-I.." Singhot mo. "I-I even have the names of our children ready!"

Hala ka. Hanggang saan na inabot ng hallucinations mo?

Naramdaman ko yung pagtatapon mo ng light jabs sa likod ko habang nanunuot na sa


sleeves ng t-shirt ko yung uhog at luha mo.

Pinilit ko nalang wag isipin yun kahit na alam mong clean-freak ako.

"I-I thought he l-loved me too.. We have e-everything!"

Humiwalay ka ng yakap sakin tsaka nag-count gamit yung fingers mo.

"..We have chemistry! I find him attractive! I see a future with him! He even motivates
me to better! If that wasn't love Seul, then what the hell was that?!" Yugyog mo sa
balikat ko.

Nanatili lang akong minamasdan ka habang umiiyak.

Di pa rin ako sanay. Kahit ilang beses ka ng dina-dump ng mga stupid ex-boyfriends mo, I
won't ever get used with your face that's filled with stains of tears.

Unti-unti akong nagfo-formulate kung anong sasabihin.


Sana lang this time, makikinig ka na.

"Maybe it's time that you change your definition of love, Joohyun."

Naningkit yung mga mata mo tsaka nag-pout ka.

"What is love then?" Panghahamon mo. "What is love to you, Seulgi?"

Napaisip ako saglit at tumingin sa hangin.

"Well.." Napakamot ako sa kilay ko. "L-Love is.."

I returned my gaze to your beautiful face.

"..undescribable and undefinable. I guess?"

Napalunok pa ako nung nakita kong nagsalubong yung kilay mo at lumala lang yung
pag-pout mo.

"I-If you're in love..

..you just know it."

Don't fall in love with me, because I'll always be loyal to you..

Inabutan kitang nakatayo sa harapan ng kama mo. Your index finger scratching your
wrinkled chin.

What should I wear? Dinig kong sabi mo pagkatapos mo akong lingunin.

Isinandal ko yung isang kamay ko sa pader saka ako yumuko para tanggalin sa buhol
yung shoelaces ko. May lakad ka?

Tumango ka.

This weekend pa naman..

This week Napakunot noo ko.

Parang kakasabi mo lang kasi nung last weekend na I should spend my birthday with you
since hindi naman ako uuwi sa probinsya.

This Sunday yung birthday ko.


Mukhang nakalimutan mo yata.

Pinakalma ko yung sarili ko, saka ako humingang malalim. ..Buong weekend?

Kilala na kita e.

Bakit ba hindi ko to nakitang parating?

Sunday lang..

Nakamaang pa rin ako sayo.

Youre unbelievable.

Is it important? I played nonchalant, kahit pa gustong-gusto kong ipamukha sayo na


ikaw ang gumawa ng plano sa birthday ko.

Nah.. Just meeting with some high school friends..

High school friends.

That means you spent 4 years with them.

Ilang taon na nga ba tayong mag-roommate dito sa dorm?

Aah, 2 years palang.

Okay.. tipid ko lang na sabi.

Araw-araw kitang kasama at kausap.

Siguro mas fair nga na sakanila ka pumunta since matagal-tagal na kayong hindi
nagkaka-kitaan.

Hindi naman ako ganun ka-selfish.

Birthday lang naman.

Meron pa next year.

---

5:12PM Wan: Baby bear! Ano plans mo this weekend?


5:12PM Me: Errrr? Tatapusin yung Prison Break? Hahahaahah.. y?

5:13PM Wan: Seriously? =.= In your birthday??

5:14PM Me: Oo.. Na-cancel yung reservation namin ni Irene sa Vikings.


Biglaang may lakad siya e. >.<

5:16PM Wan: WHUT?! MAS IMPORTANTE BA YANG LAKAD NIYA KESA SA


BIRTHDAY MO??

5:17PM Me: Kalma. Lol..

5:17PM Wan: *shakes head* tsk tsk tsk..

5:21PM Wan: Then maybe we can celebrate our birthdays together!

5:21PM Me: Oo nga noh? Sige sige.. Chat mo nalang sila Joy..

5:22PM Wan: *two thumbs up* kk!

---

Happy birthday to me,

Happy birthday to me,

Happy birthday, happy birthday~

Happy birthday Seulgi..


Ini-strech ko yung mga braso ko na magdamag mong ginawang unan.

Pagkalabas mo ng CR, bihis ka na.

Dumecho ka sa harapan ng salamin at nagsimulang mag-apply ng light make-up.

Gmorning.. bati mo habang sumasayaw na sa makinis mong balat yung make-up


brush. Dont wait up, kay? Baka madaling-araw na ako makabalik..

So seryoso ka?

Nakalimutan mo nga?

Tinulak ko yung sarili ko para makaupo. Nag-indian sit ako tsaka nilaro ko yung mga
daliri sa paa ko.

Sasabihin ko ba?

Ipapa-alala ko ba sayo?

Wag kang magkukulong buong weekend dito! Threaten mo sakin habang nakaturo
sakin yung lipstick mo. And eat properly! I will eventually know since wala naman laman
ang ref at alam ko ilan pa yang natitirang ramen sa cabinet.

Iniangat ko yung ulo ko, bilang pagtango ng minsan. Mmm, may lakad kami nila
Seungwan mamaya..

Bigla akong nakahanap ng pwede kong ibigay na hint sayo.

..Ise-celebrate namin birthday niya.

Tinalasan ko yung paningin ko para hulihin yung magiging reaksyon mo.

Sumaya ako nung unti-unti kong nakita yung pag-widen ng mga mata mo na para bang
may bigla kang na-realize.

Sh*t! Oo nga! May gift ka na sakanya?

Err? Oo?

Ill pay for half of it..

Tumunog yung Iphone mo na nasa tabi ng unan mo at tsaka mo sinagot.

Okay.

I give up.
Yeah.. Yeah, Im on my way na..

Dinampot mo yung bag mo na nasa upuan sa may study table saka ka gumapang sa
may kama at hinalikan ako sa pisngi.

..Ingat kayo.

Saka ka nag-rush palabas ng pintuan.

Mga five minutes ka nang nakalabas mula duon sa pinto, pero eto pa rin ako, nakatingin
duon at silently na hinihiling na sana maalala mo.

Kahit bati lang, okay na ko.

Lumipas pa ang ilang minuto.

Napabuntong-hininga nalang ako.

---

Hoy Seulgi! Mag-ihaw ka naman! Kanina ka pa kain ng kain!

Tch, akala ko ba birthday ko? Dapat ako pinagsisilbihan niyo e..

Inabot ko yung chopstick ko at nagsimulang maglagay ng karne sa built-in stove ng


table.

Di pa rin ako makapaniwala sayo.

Imbis na ako ang malilibre dahil yun naman talaga dapat at sabi mo libre mo talaga,
ako tuloy ang mapapagastos sa tatlong bugok na ito.

Kaasar ka. Bottomless pa naman si Joy at Yeri.

Buti nalang at least kahit papano, eat-all-you-can naman, at libre kami ni Wendy dahil
pasok pa sa one week advance yung birthday niya.

Table 6?

Napaangat yung ulo ko at nakita kong tumango si Wendy dun sa crew.

Walang anu-anong, HAPPY BIRTHDAY~! Happy birthday to you~! Happy birthday to


you~!

Napa-face palm nalang ako sa pagkanta ng ubod ng lakas nung mga crew na puro lalaki.
In fairness, may choreo din sila.
Pinagtitinginan kami dahil so far, yung batch ng crews na yun ang pinaka-energetic tapos
sinabayan pa ng tawa ni Joy at Yeri dahil nagulat din sila sa biglaang pasok nung kanta.

Happy birthday, happy birthday~! Happy birthday to you!!! Isa pa! Maligayang bati~!
Wooh!

Ayoko nang iangat yung ulo ko.

Paano nalang kaya kung andito ka?

Malamang kasama ka na ring sumasayaw nung mga crew dahil ganung klase ka.

Naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko sa bulsa ko.

Kinuha ko yung bilang distraction sa kahiya-hiyang mga takbo ng pangyayari sa harapan


ko.

3:48PM TheGirl: Seul, asan ka?

Napakunot-noo nalang ako.

Ikaw din kasi yung tipo ng tao na kapag nag-eenjoy sa kasama niya, hindi na
makakaalala.

3:50PM Me: Yakimix.. Bakit?

Either di ka nag-eenjoy sa mga kasama mo, or di kayo natuloy.

And base sa tagal mong magreply, malakas ang pakiramdam kong inatake ka na ng
kabadtripan.

3:55PM Me: San ka? Patapos na kami nila Wendy dito..

3:58PM TheGirl: Taft. Sa may McDo.


Di ko din alam.

Naka-program na yata talaga sakin na maging knight-and-shining-armor mo sa twing


damsel-in-distress ang peg mo.

Kinuha ko yung supplementary credit card ko at inabot kay Wendy.

Minulagatan lang ako ni Wendy. Oi, bakit to?

Sinukbit ko na sa katawan ko yung body bag ko. Si Irene..

Unnie, di ba kamo di niya naalala na birthday mo ngayon? Hila ni Yeri sa hem ng shirt
ko para pigilin ako.

Walang pride yan e. Basta si Ate Irene.. side comment ni Joy bago sumubo ng karne.

Bakit nga ba?

Eto na ngat may kasalanan ka sakin, pero bakit kaya pa rin kitang patawarin ng ganun-
ganun nalang?

Pakawalan mo na yan, Yerim.. dinig ko na sabi ni Seungwan. Sige na Seul. Puntahan


mo na.. Kami na bahala dito. 20k limit nito noh? Kindat niya sakin habang wine-wave
yung credit card sa harap ko.

---

Patawid na ako ng pedestrian nung nahuli kitang nakaupo sa may tabi ng glass pane ng
McDo.

Ikaw lang. Walang kasama.

Nilalaro mo yung malamang tunaw na McFlurry mo habang nakatulala ka lang.

Nung okay na tumawid, tumakbo na agad ako papunta sayo.

Nag-exhale muna ako tsaka nagpunas ng pawis sa noo ko, bago kita kinatok sa may
glass pane.

Nakasimangot kang lumingon sakin na kabaliktaran naman ang epekto sakin, dahil
napangiti mo ako.

Tumayo ka na sa kinauupuan mo at naglakad pa-exit.

Sinalubong naman na din kita sa labas.

Nakikita ko na ang sintomas ng nalalapit mong pagta-tantrum.


Kaya naman bago ka pa maka-buwelo, tinanggal ko na yung mga kamay kong
nakapamulsa at inabot ko na ang sling bag mo para isabit sa balikat ko.

Naglakas-loob na akong i-fit yung mga daliri ko sa gitna ng mga iyo.

Patay-malisya ko nalang pinara ko na yung taxi sa di kalayuan.

Don't fall in love with me, because your parents will love me.

"You're free tonight, di ba?"

Inabot ko yung libro mong kapag ihahampas natin sa lahat ng ex mo e siguradong maa-
amnesia na sila dahil sa sobrang kapal.

"Depende." Kako. "Ano bang meron?"

Nagsimula nang bumigat at dumami ang patak ng ulan na dinig na dinig sa bawat
bangga nun sa payong na sinusukuban nating dalawa.

Sa ating dalawa, mas matangkad ako, kaya naman inagaw ko na sayo yung payong.

Pagkakuha ko nun, agad ka nang lumingkis sa braso ko habang sabay tayong naglalakad
at iniiwasan ang bawat parteng malulunod ang ating mga rubber shoes.

"May dinner tayo with Mom and Dad.."

Kasabay ng malakas na buga ng hangin na halos bumaliktad na ang payong natin,


napatulala nalang ako sayo.

Tama ba ang dinig ko?

Tayo? Kelan pa nagkaron ng tayo?

Nung naabsorb na ng utak ko yung sinabi mo - mga 3 seconds siguro, kunwari nalang di
ako nagulat.

"Bat kasama ako?" I played safe.

"Eh di ba nga sabi ko babawi ako sayo for your past birthday?"

"By having dinner with your parents??"

Geugae mari dwae?


Este, does that even make sense?

Yung totoo Irene?

---

Wala pa rin akong kawala.

Ngalay na ang gilid ng mga labi ko, di ko pa rin alam kung paano babatiin ang parents
mo.

"Seul, ano ka ba?! Kanina ka pa jan sa banyo ah?! Naiihi nako!"

Napa-tch nalang ako bago ko iniwan yung repleksyon kong muntanga sa salamin.

Pumasok ka naman agad at isinara ang pinto ng CR pagkalabas ko.

Kinuha ko na ang shoulder bag ko at ibinody bag yun.

Nagsuot ng medyas at sapatos na mamasa-masa pa dahil sa ulan kanina sa may


doorsteps.

"Nacheck mo na lahat ng sockets?"

Narinig kong nag-jingle yung set of keys mo.

Pag-angat ko ng ulo ko nagsusuot ka na rin ng sapatos mo.

Umusog ako papunta sayo at itinali ang shoelaces mo.

Pareho lang tayo ng porma. Tshirt at jeans lang, pero bakit mukha kang Miss Earth?

Napa-iling nalang ako.

Unfair talaga ang mundo.

Malabo ka na rin lang na maging akin, bakit kailangang ganyan ka pa kaganda?

"Oo." Bumuwelo yung mga kamay ko sa tuhod ko at itinulak yung sarili ko patayo.

Di ko alam kung saan nanaman patungo ito.

Pero lagi akong naglu-look forward sa kung gaano ka-spotaneous sa lahat ng bagay dahil
dun ko din nalalaman na kaya ko naman palang gumawa ng mga bagay na akala ko hindi
ko magagawa.

Naningkit yung mga mata mo na para bang ini-scrutunize mo kung anong iniisip ko.
"Are you nervous?" Tanong mo.

Siguro dead giveaway nanaman yung nakita mong antics ko kapag kinakabahan ako.

Bakit nga ba ako kinakabahan?

Kasi siguro natatakot akong baka di ako magustuhan ng parents mo.

Baka bukas palipatin ka na nila ng ibang room.

"Chill, okay?" Tinapik mo yung pisngi ko. "..Think of them as your own. Lagi naman
kitang ikinukwento sakanila. That's why I've organized this dinner with them because
they've been dying to meet you.."

O-kay.

Bat parang mas lalo lang akong kinabahan dahil jan sa sinabi mo?

---

Epic fail.

Natigilan tayong apat pagkatapos kong masira ang 1st impression sa akin ng mom mo.

Sa sobrang kaba, nung inilahad nila yung kamay nila para pala ihandshake ako at
magbeso, habang ako naman e ang iniisip ko ay magmano, I ended up mixing my
thoughts and totally kissed your mom's hand.

Shit lang.

Sana lamunin nalang ako ng lupa.

Tumingin ako sayo.

Gulat pa rin yung expression mo.

Pati si Dad mo.

Aissshhhh.. Kang Seulgi!!!!

"How sweet of you, dear.."

Bigla akong natameme sa Mom mo.

Eh?

"..Hyun was not kidding when she said you're chivalrous.."


Chi.. chi.. ano daw?

"Yep.." Ngumiti ka na rin. "Mom, Dad, meet my Seulgi.." Kumapit ka sa braso ko.

Tangina.

Kinikilig ako sa inaakto mo.

Di rin nagtagal at iniwan na ako ng feeling na yun nung tumayo si Dad mo para kamayan
ako.

"Seulgi.." Firm na pagbati niya sakin.

Ni di ko pa nga alam kung anong itatawag ko sakanila.

"S-Sir.." kako naman tsaka kinamayan ang dad mo.

Hinampas mo naman ako sa braso.

"Para kang sira.."

Tinignan kita sa mga mata mo.

Ano bang gusto mong gawin ko?

---

"So, Seulgi.." Panay ang paggawa ng matitinis na ingay ng mga kubyertos. "..what does
your parents do?"

Nilunok ko muna yung nginunguya ko bago ako nakasagot.

"Ah eh, serviceman po si Papa.. Public school teacher po si Mama.."

Pinagsalikop ng Dad mo yung kamay niya tsaka isinandal yung baba niya duon. "Any
sibling?"

"Isa po. MassCom student."

Anong susunod na itatanong?

TIN number ko?

Tumango-tango silang mag-asawa.

"Good, good.." sabi ng Dad mo.


"How's school, hija?" Tanong naman ng mom mo.

Luh.

Ito na yung sinasabi ko.

"Er--"

"She's retaking a major subject this short term.." subo mo pa sa kutsara mo.

Wow ka.

Akala ko ba dapat kakampi kita?

Di na ako makatingin sa parents mo.

Kung tutuusin naman talaga, di ako gaanong kagalingan sa academics. Well, at least di
katulad mo na consistent dean's lister.

"Hey.." Di-nrum ng Dad mo yung fingers niya sa table, na nagpa-angat ng ulo ko. "..it
happens, alright?"

"Mm.." Sumunod naman si Mom mo. "..it's completely normal, Seul."

Ako lang ba? Or komportable na sila sa akin?

"N-Nahiya lang po kasi ako sa parents ko.." Di ko na rin napigilang ilabas kung anuman
ang iniisip ko. "..dahil po kasi dun mukhang male-late akong ga-graduate."

"Walang kaso sakanila yun. The important thing is you do know how to make it right the
second time around. It doesn't even matter to us parents whether it's third, fourth, of
tenth. Basta matapos mo, we'll be happy for you."

"Waaahh~~ why am I not hearing these things from you guys?" Nag-pout ka.

Bumaling sayo si Dad mo. "Cause you never even failed a subject, princess.."

Nakakatawa kayong magpamilya.

Parang matagal na atang kinikimkim ng Mom at Dad mo yung mga advice na yun. Pero
imbis na sayo nila magamit, sa akin lang nila nai-apply.

Samantalang ikaw naman, gusto mong makarinig sakanila ng ganun na advice. Pero eto
ka, candidate for Magna.

"Don't take it to heart, okay?" Bumaling sa akin si Tita. "Ganito lang talaga kami. Si
Joohyun kasi nagta-tantrum na yan kapag nanenermon na kami."
Nangiti ako.

"Kung sermon po yun, I'd like to hear more.."

Napangiti na rin silang mag-asawa.

---

"How did you do it?"

Lumipat sayo atensyon ko.

"Ang alin?"

"Yung makinig sa sermon ng parents ko.."

"Psh. Di naman sermon yun. More of words of wisdom. Wait 'til you my parents do the
same pag binisita nila ako.."

Binulsa ko yung kamay ko sa back pocket ng jeans ko.

Kumapit ka naman sa siwang nun.

"So ipapakilala mo din ako kina Tito?"

Iba ka.

Tito na tawag mo sakanila, e di pa nga kayo nagmi-meet. Habang ako, kung di pa sinabi
ng parents mo na tawagin ko silang Tito at Tita.. Ay ewan.

Kumibit-balikat ako. "Bakit hindi?"

Sumandal ka kahabaan ng braso ko habang tuloy pa rin tayong naglalakad.

"They totally loved you.."

"Sino?"

"My parents."

Eh ikaw ba? Kelan mo ba din ako magugustuhan?

"..I never thought na kaya pala nilang mag-advise ng ganun. Since I'm an only child, I try
not to disappoint them. Pero narealize ko, nadisappoint ko din sila in some ways na
parang hindi nila masabi sa akin yung mga bagay na sinabi nila sayo.."
"Mmm.." I pursed my lips and nodded. "Oo nga. Baka naman kailangan mo ng kapatid."
Joke ko.

Tumahimik ng ilang segundo.

"Bakit pa.." Binunggo mo ko playfully.

"..anjan ka naman." Ngumiti ka sakin.

Don't fall in love with me, because I will never hurt you.

Pinapanuod lang kitang nagpe-pace back and forth sa harapan ng study table natin.

Nakakarinig na din ako ng mga katok sa pintuan natin, dahilan na rin ng paglakas ng
boses mo every now and then.

Inabutan na kitang may sinisigawan sa telepono.

Sa mga pagkakataong ganito, ang gusto ko lang gawin ay manahimik at ifit together
lahat ng pieces of information na makakalap ko usapan ninyo ng kung sinumang nasa
kabilang linya.

"Did you even ask for my damn permission?! I told you to wait, didn't I?!"

...

...

...

"I make the call! Kaya nga nagkaroon tayo ng elections for officers di ba?!"

Patay na.

Alam ko kung gaano kaimportante sa'yo ang extracurricular mo.

And mukhang sa nalalapit na university foundation event ang kinaiinitan ng ulo mo.

"Let's see kung saan kayo dadalhin niyang majority rule ninyo! If you don't need me,
then I quit, dammit!"

Napaiktad nalang ako ng ihampas mo yung kabago-bago mong Iphone7 sa study table.
Pinag-cross mo yung arms mo sa chest mo habang sobrang bigat ng paghinga mo.
Pakiramdam ko makakapatay na yung aura mo.

May kumatok nanaman sa pintuan na walang anu-anong sinigawan mo.

"Fuck off!"

"H-Hyun.." alangan kong pigil sayo.

Ibinaling mo sakin yung nanggagalaiti mong tingin, and kung totoo nga na nakakamatay
ang pagtingin, malamang kanina pa ako nilibing.

Iniwas ko yung mga mata ko sayo at ibinaling ko na lamang sa magkasalikop kong palad
na nakapatong sa mga hita ko.

Kahit magdikit yung bed natin, mukhang magsasarili ka sa kama mo.

---

"Seulgi.."

Kakasukbit ko lang ng strap ng shoulder bag ko saka ako umikot para harapin yung
tumawag sakin.

"Uy, Sujeong.." bati ko.

Kung di ako nagkakamali, after magstep down sa kanya-kanyang positions nila yung mga
seniors sa club ninyo at nung nagkaroon kayo ng election, ikaw ang president at bise mo
si Sujeong.

"Anong balita kay Irene?"

Napakamot ako sa ulo ko. "Wala e. Galit pa rin."

Alam kong hindi na rin mapakali itong bise mo.

Grabe ka kasi e.

Yung tipong binibigay mo lahat ng effort mo sa mga bagay-bagay, kaya naman kapag
nawala ka sa team, paralyzed ang galaw nila.

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko kay Sujeong.

Yun nga.

Kaya naman pala.


Gusto mo palang ang event ninyo e para sa mga bata dun sa orphanage na itinayo ng
university.

Pero majority ng members ninyo, ang gusto mag-enjoy sa foundation day at


pinagkaisahang itago sayo na magpetition ng mas maaga yung club ninyo for another
event.

Which is a club caf.

"Bat di mo man lang sila pinigilan?" Di ko maiwasan na mainis din kay Sujeong.

Pero dahil sa sobrang cute ng batang ito, nagsubside din kaagad yung pagkapikon ko.

In fairness naman kay Sujeong, may plano siya para makabawi sayo.

At mukhang damay ako sa plano na yun.

---

"San ka galing, Seul?"

Di ko pa natatanggal yung rubber shoes ko, sinalubong mo na ako ng hindi magandang


tono ng boses mo.

"Er.. May pinuntahan lang kami sa may BF Homes."

"I told you to be home at 7, didn't I?"

Di sinasadya.

Umakyat sa utak ko ang pagod at nagpatalo na duon.

"Kelan pa akong nagkaroon ng curfew sa kwartong 'to?" Sarkastiko kong sagot.

Di ko na tinanggal sa buhol yung shoelaces ko at pilit ko nalang tinanggal sa mga paa ko


yung sapatos at nilampasan ka.

"Sabi ko sayong may dinner tayo di ba?" Dinig kitang nakasunod sa likuran ko.

"I texted you, di ba?" Rason ko naman. "Sabi ko may gagawin ako kaya mauna ka ng
kumain.."

"Mas importante ba yang ginawa mo kaysa sa samahan ako sa hapag?! You know how I
hate eating alone--"

"Stop!" Nilingon kita. Alam ko ding di na maganda yung ipinapakita kong pagkairita sayo.
"..just, please Hyun. Stop it." Buong pagod kong sinabi.

Ayokong makipag-away sayo.

Not now, when I'm doing everything to make you happy in matter of days.

"Are you hiding something from me?"

I've never seen you this suspicious of me. Or anyone.

Seems like matindi ang tama ng ginawa sayo ng club members mo na pagtira sayo
habang nakatalikod ka.

"Wala akong ginagawang masama, if that's what you're insinuating.."

I heard a scoff from you.

"You're not a good liar, Seul.."

Nung dumaan ka naman sa gilid ko, narinig ko yung binulong mo..

"..Pare-pareho kayo."

---

Malala pa sa ice castle ni Elsa ang temperatura sa kwarto natin nitong nagdaang mga
araw.

Bukod sa galit ka sa aircon na sinasadya mong i-full blast sa tapat ko, talagang ang
inoccupy mo lang for the past three nights e yung kama mo.

"Hhaabbbrrrwwww~~!!" Saka ako suminghot.

"Uy, okay ka lang?" Tinapik ni Sujeong yung balikat ko.

"Bengeng nissue.." Itinuro ko yung box ng tissue sa di kalayuan na inabot naman ni


Sujeong.

Suminga ako duon kahit na ayaw lumabas ng sipon ko at nagpupumilit nalang na


mamahay sa sinus ko.

Naramdaman ko yung malamig na palad ni Sujeong sa noo ko, na lumipat naman sa leeg
ko.

"May lagnat ka a?"

Minsan pa akong bumahing.


Himala nalang kung normal pa ako ngayon pagkatapos kong maulanan kahapon galing
ng mall para kumuha ng supplies, at natulog ng nakatapat yung aircon sa ulo ko.

"Wag ka na kaya pumunta bukas? Kaya na namin to."

Sa totoo lang, di ko na rin talaga kaya.

Hinati ni Sujeong yung club ninyo sa dalawa.

Yung majority, sila yung magtutuloy nung event sa university. Habang yung minority, sila
naman sa orphanage.

Malaki ang club ninyo, given na halos bente pa naman sila na pumunta dito para sa
preparation.

"Singurado ka?" Di ko namalayang ipinasok ko na yung tissue sa ilong ko.

Natawa nalang si Sujeong.

---

Masakit yung buong katawan ko.

Pero nangibabaw pa rin yung bigat ng hampas mo sa braso ko habang pinipilit kong
matulog at makalimutang may iniinda akong karamdaman.

"Aray~ ano ba Irene.." ingot ko.

"Umayos ka!" Hampas mo nanaman sa braso ko.

Idinilat ko yung isang mata ko para silipin ka na nakapuwesto sa likod ko, dahil
nakatagilid ako facing yung wall.

Tumihaya naman ako at nagpadala nalang sa hila mo.

Agad akong nakaramdam ng malamig na tuwalya sa nag-iinit kong noo.

Perks of having a pre-med student as a roommate.

"Bakit naman ngayon ka pa nagkasakit?" Dinig kong sabi mo habang pinupunasan ng


binasang tuwalya sa malamig na tubig yung braso hanggang mga daliri ko. "..Foundation
na bukas."

"Kasalanan mo.." kako nalang habang nakapikit pa rin mga mata ko.

Di nagtagal, sumuko na ulit ang ulirat ko.


Huli kong naramdaman yung palad mo na nakapaloob sa tshirt ko, sa may likod ko.

Namiss ko bigla si Mama.

---

*tto wae, neo mangseorini?


Dont U Wait No More
tto wae, neo mangseorini?
Dont U Wait No More
tto wae, neo mangseorini?
Dont U Wait No More
tto wae, neo mangseorini?
Dont U Wait No More
Dont U Wait No More Dont~*

"Hello?" Irita kong sagot sa cellphone kong nasa bedside table.

Sawakas, gumagaan na yung pakiramdam ko at masarap na ulit matulog.

"Don't you dare move an inch away from your bed Kang Seulgi!"

Tinanggal ko yung pagkakadikit ng cellphone ko sa tenga ko para tingnan kung sino yung
tumawag.

Di kita nabosesan sa sobrang antok.

Baka nga nananaginip lang ako.

Kaya natulog nalang ulit ako.

---

"Ack~!"

Nagulat ako nung may naramdaman akong nag-tackle sa akin mula sa likod ko.

"Ano ba, Irene??" Inis kong reklamo sayo, since ikaw lang naman ang alam kong
pwedeng makapasok sa kwarto natin.

"S-Stupid.."

Nakarinig ako ng hikbi.

"Y-You, stupid bear.."

Humigpit yung yakap mo sa bewang ko.


Napangiti nalang ako.

Hindi ito yung gusto kong kalalabasan ng mga pangyayari, pero okay na rin to.

Pero mas masaya sana kung nakita ko mismo yung reaksyon mo nung andun ka na sa
orphanage.

Hindi yung nadidinig nalang kitang umiiyak sa likod ko.

Sorry na.

Mahina kasi resistensya ko.

"I-I'm sorry.. I'm sorry that I thought you b-betrayed me too.."

Kinuha ko yung kamay mong nasa waist ko at tsaka ako umikot para harapin ka.

"Silly.." Ibinangga ko yung ilong ko sa ilong mo.

Namiss kita nitong mga nagdaang gabi.

"..Just know that I won't ever, ever, hurt you."

Mahal na mahal kita.

Kahit minsan ang sakit-sakit na.

Don't fall in love with me, your friends will like me.. (Part 1)

Naalimpungatan ako sa ingay na narinig ko na galing sa inyong magkaka-barkada.

Tinanggal ko yung panyo kong nakatakip sa mga mata ko at pinilit gawing panangga
yung hood ng jacket ko para hindi mo ako mapansin. Kahit na malamang sa malamang,
hindi mo naman talaga ako mapapansin dahil sa duluhan ng bus ako nakaupo, habang
kayo ng mga kaibigan mo, nasa bandang gitna.

After ma-cancel yung pagkikita niyo ng mga high school friends mo nung birthday ko,
nag-level up trip ninyo at naisipan ninyong umakyat ng Baguio.

Alam ko first time niyo sa hometown ko, kaya alangan ako kung kakayanin niyo ba.

Mabait naman mga tao sa amin.


Yun nga lang, sa visuals ninyong magkakaibigan, baka may mawala sa sarili nila at hindi
niyo magustuhan yung mga mangyayari sa inyo.

Nung sinabi mo sa akin yung plano ninyo, inaantay kong kuyugin mo ako.

Pero siguro ang inisip mo aayaw ako, dahil never akong naging komportableng
makipagsalamuha sa mga bagong tao.

Di mo lang alam, gagawin ko lahat para lang magustustuhan ako ng mga kaibigan mo.

Kahit pa ma-out of place ako.

Grabe kayo.

Pinagtitinginan na kayo ng ilang pasahero, pero di pa rin kayo natitinag sa kaingayan


ninyo.

Mukhang ayaw din kayong pagsabihan nung kundoktor dahil nabulag na siya ng pag-
ibig.

Di ko lang alam kung sino sa inyo.

Sana, Mina, Momo, Lisa, Jennie. At ikaw.

Para kayong girl group ng kpop na puro visuals.

Pero pare-pareho kayong walang pakundangan tumawa.

Lalo ka na.

HAHAHAHAHAAHA!!

Di ko na rin napigilan mapangiti nung narinig uli kitang tumawa.

Ano na uli nakita ko sayo?

---

Lampas alas-sais ng umaga nakarating yung bus sa PNR.

At dahil nakisabay na rin kayo sa anod ng tao palabas ng bus, naitago ko nanaman yung
sarili ko.

*bzzzt.. bzzzzzt..*

Sinigurado kong hindi kayo mawawala sa paningin ko pagkasagot ko sa tawag.


Hello, Seul? Ito ka na? 1065?

Lumingon ako sa labas ng bintana at dun ko nakita yung kaibigan ko ng high school.

Oo tol.. Palabas na ko.. Wait lang.. Kinawayan ko siya mula sa loob.

Nauna kayong nakababa.

Buti nalang wala kayong kaplano-plano. Sabi mo kasi mas maganda pag hindi planado.

But I beg to differ.

Seul-

Shhh!! Agad kong tinakpan yung bibig ni Jackson pagkasalubong ko sakanya. Wag ka
maingay! Pabulong ko siyang pinagalitan.

Sila yun? turo niya sa barkada ninyo.

Tumango ako.

Kitnas, penge ako isa..

Gagu.. Sinilip ko kayo sa peripheral vision ko. San ka nakahanap?

Binigay sakin ni Jackson yung fake brochures na pinaprint ko sakanya. Pinakamalapit na


sa may likod ng Burnham..

Okay nato.. Brinowse ko yung mga yun. Magkano?

300 per night..

Magkano share ko?

Kamo kalahati..

1800?

Yep..

Dinalian ko yung pagkuha ko ng wallet ko sa backpack ko para kumuha ng dalawang libo.

Oh, may pang-date kayo ni Youngji.. asar ko sakanya.

Gago.. Agad naman niyang binulsa yun at sinuot yung cap niya, para magmukha
talaga siyang agent ng transient.
Ikaw na bahala.. kako sakanya, saka naman niya kayo nilapitan.

Sinuot ko nanaman yung hood ng jacket ko at pumuwesto dun sa waiting area kung saan
may mga upuan.

Mga magandang binibini, transient?

Halos mabilaukan na ko sa hangin na kaka-inhale ko lang sa pagkasabi ni Jackson.

---

8:36 AM Jackson: Naka-settle na sila..

8:37 AM Me: Sige. Salamat.

8:37 AM Jackson: Number man ni Lisa..

8:38 AM Me: 0995*******

8:39 AM Jackson: wtf! Number ni Youngji to e!

---

Dumerecho na ako sa bahay ng grandparents ko na wala ng nakatira.

Yung caretaker lang kasi ang sinabihan ko na uuwi ako.

---

Turista kung turista.

Jacket kung jacket.

Porma kung porma.

Buti nalang hindi niyo ako kasama.

Ako kase ang nahihiya sa mga suot ninyo.

Di naman hiking sa Everest tong pinuntahan ninyo. O baka naligaw lang talaga kayo.

Sumasaludo ako sa kung sinomang nagplano na mag-umpisa kayo sa SM Baguio, pababa


ng Session Road, at antayin ang Night Market sa Session Road.

Mabilis kumalat ang balitang may artista na umiikot sa mall, at mabilis din kayong
natunton ng mga fans ninyo.
Apparently, nafeature ka pala sa isang website na WhenInManila na patok na patok sa
mga kolehiyo.

Salamat nalang sakanila, nakapag-camouflage akong maigi habang feel na feel mo


naman ang pag-ignore sa mga sumusunod sa inyong nakatutok ang camera phones sa
inyo.

"Ate?"

Pinawisan ako ng malamig bigla.

"U-Uy.." Alangan kong ngiti sa kapatid ko.

Naramdaman ko agad yung paghila niya sa hood ng jacket ko.

"Anong ginagawa mo dito??"

Napalunok ako.

Di naman sa takot ako, but, osige na nga, takot talaga ako sakanya.

"Err.. P-Pumapasyal?"

"Pumapasyal?? Eh taga-dito ka kaya." Naningkit mga mata niya. "Did you skip school??"

"D-Di ah!!"

Patay na.

Alam kong nagi-stutter ako kapag nagsisinungaling ako.

Pero nagulat nalang ako nung ngumiti yung kapatid ko at tinapik-tapik ang likod ko.

"Don't worry. Di ko sasabihin kina Mama.."

Turn ko naman ng maningkit ang mga mata, kahit singkit naman talaga ako.

"What's the catch?" Kako.

"Grabe siya! Di ba pwedeng dahil kapatid mo lang ako at sawang-sawa na akong


makitang opo ka lang ng opo kina Papa?"

Di pa rin ako natitinag sa smoulder ko.

"Walang catch! Pramis!" Nangako siya gamit yung right hand niya.

Kumibit-balikat ako. "Okay.."


Pero anong klaseng ate ako kung di ako ang magbabayad ng supplies na bibilhan niya sa
National Bookstore?

Geez, wala pa ring takas ang kawawa kong allowance.

After naming maghiwalay ng kapatid ko sa exit ng mall, agad agad ko kayong hinanap.

Panay ang dasal ko na sana di kayo nawala sa jurisdiction ko habang nagpapaliwanag


ako sa kapatid ko tungkol sa kalokohang ikinukwento ko sakanya sa tuwing tatawag ako
para matauhan.

Di ko din sinabi na andito ka, despite the fact na gustong-gusto ka na niyang makilala.

Bakit pa? Eh, wala namang "tayo".

Nakahinga ang lungs ko, ngunit hindi ang pantog ko, nung naabutan ko kayong
magbabarkada sa terrace ng mall na tumatambay.

Punta agad ako ng CR na malapit sa terrace para gawin ng business ko.

Pagkatapos kong isara yung zipper ng jeans ko, in-unlock ko na yung door sa cubicle ko.

Gulat ko nalang na ang sumalubong sa akin e yung gulat mo ding expression.

Na nagturn din eventually sa slight na pagiging galit.

Napahawak nalang ako sa batok ko, at tsaka napangisi nalang.

"Heh.." Lumabas yung awkward na sound ng hangin mula sa bibig ko kasabay ng pag-
ngiti ko ng alangan.

Itinaas mo yung right hand mo, na dumapo sa pisngi ko..

Tsaka mo ko kinurot ng ubod ng sakit.

Don't fall in love with me, your friends will like me.. (Part 2)

"Guys, si Seulgi.."

I was still nursing my cheek na namumula ng sobra, bago ko binati yung mga kaibigan
mo.
"Seulgi, as in your roommate?"

"Kang Seulgi?"

"As in, THE Kang Seulgi??"

Di ko alam kung ano bang pinagsasabi mo dito sa mga kaibigan mo at ganun nalang nila
inemphasize ang pangalan ko.

"The one and only.." Kamo pa, bago mo ko hinila sa kuwelyo para makiupo na din sa
circle niyo.

Nag-lean forward sakin si Sana, "Kahapon pa kita nakita sa bus a.."

Iniwas ko nalang yung tingin ko sakanya. Saka naman humigpit yung pangunguwelyo mo
sakin.

"Sana sinabi mo nalang na gusto mong sumama.." bulong mo sakin.

Napayuko nalang ako. Walang nagawa kundi tumango.

Bakit ka ba nagagalit?

Di naman yata kasalanan yung pagsunod ko sa inyo dito e.

At inatake ka nanaman ng pagiging bipolar mo nung bumaba tayo ng SM at naglakad


tayo pababa ng Session Road.

"Seulgi, saan masarap kumain dito? Yung mura lang?" Tanong ni Lisa.

"Pero yung nakakabusog ha.." dagdag ni Jennie.

"Yung wala sa Manila.." sabi naman ni Mina.

"Yung bang may touch ng highlanders.." pahabol ni Momo.

Ngumiti ako.

"Tara. Jan lang yun sa tabi. I know just the place."

---

Hinampas mo braso ko nung asa may crossing na tayo ng Harrison.

After nating kumain, tinanong mo ko kung anong meron at ganun nalang kasarap yung
kinain natin.
Sinunod ko lang naman yung sinabi ni Momo. Touch of highlanders.

"Kinamay nila yun.." Biro ko sayo.

Mukhang yung lima naman e nagets na joke lang yun. Pero ikaw, alam ko kung gaano ka
kaarte sa pagkain mo.

"Di nga?" Pagmamaktol mo na para bang ready ka na ngang isuka yung mga kinain mo
kanina.

"Joke lang. To naman."

At dahil wala pang alas-nuwebe, dinala ko muna kayo sa Melvin Jones Grandstand para
dun tumambay habang hinihintay ang night market.

"Waw! Gusto ko nun!" Turo ni Sana dun sa pailaw na pinapaltik sa langit tapos baba ng
kusa.

"Ading!" Tawag ko dun sa bata.

Agad naman siyang lumapit.

"Sagmamano ti daytoy?" Turo ko dun sa hawak niyang laruan na gusto ni Sana.

"Singkwenta, Manang.."

Pagdukot ko sa bulsa ko, saktong may papel na 3 tigbebente yung andun kaya binigay ko
na lahat.

"Keep the change.." kako tsaka inabot yung laruan at ginulo bahagya yung buhok niya.

Bumalik ako sa linya ninyong magkakagrupo na nakaupo sa may stage tsaka inabot ko
kay Sana yung laruan.

Parang bata sila nila Momo at Mina na pinapanuod kung paano pa paganahin yun.

Expert na ko sa paggamit nun kaya naman bago ko pinakawalan yung rubber band,
sinigurado ko na yun na ang limit nun.

Tumalsik sa itaas yung laruan, at animoy parachute na umikot-ikot para makababa na


hinabol naman nung dalawa.

Binigay ko kay Momo yung slinger tsaka ako bumalik sa inyo nila Jennie at Lisa.

"Seul, CR.." Salubong sa akin ni Jennie yung kamay niya na gusto kong abutin para
alalayan siyang makababa mula dun sa kinauupuan niya.
"Ah, sige.." Inabot ko naman yun tsaka umalalay na din sa waist niya pagkababa.

"Sama ako.." sabi din ni Lisa.

"Ikaw?" Baling ko sayo.

Umiling ka saka ka nag-gesture na umalis na kami.

Sarado na yung sa gilid ng grandstand kaya naglakad pa kami to the other side since
dun yung meron.

"May barya kayo?" Kako, since may bayad.

Natawa nalang ako sa sarili ko.

Mukha ba silang nagdadala ng barya?

Napahugot nalang uli ako sa bulsa ko at binigyan silang 2 ng sampung piso.

Ano ba tong ginagawa ko?

Patawa.

Nung pabalik na kami, napagpasyahan din ni Jennie at Lisa na makisutil dun sa lumilipad
na laruan nung tatlo.

Ako naman, bumalik na sayo.

"Okay ka lang?" Tanong ko sayo nung naabutan kitang sinusundan ng tingin yung mga
kaibigan mo.

Tinaasan mo ko ng kilay, at ibinalik sa akin yung tanong ko. "Okay ka lang? Di ka pa


pagod?"

Napabuntong hininga ako, sabay lumabas yung fog na hininga ko. Sinandal ko yung
kamay ko sa concrete tsaka nag-lean back ng bahagya.

Pero kinabig mo yung ulo ko, and sa isang iglap, nakahiga na yung ulo ko sa lap mo.

Di siya gaanong kakomportableng posisyon. Pero sa di ko na din napansin yun dahil mas
fatal sa akin yung nararamdaman kong bilis ng tibok ng puso ko.

May nag-squeak na sound mula sa di kalayuang speaker sa grandstand na hudyat na ng


pagsasara ng Harrison Road para magbigay daan sa mga taong parte ng Night Market.

Nagsimula na silang magpatugtog.


Mas lalo lang akong kinilig nung narecognize ko kung ano yung unang kantang nag-play.

Asdfghjklasdfghjl~!

Theme song natin 'to.

I mean.. yeah.. kung may pag-asa ako sayo, araw-araw kitang kakantahan ng kantang
yan.

Nangiti ako nung narinig kitang nagha-hum dun sa melody.

Umayos ako ng higa at hinarap kita.

God, ang ganda ganda mo.

Di ko alam kung anong klaseng self-control ang meron ako sa sarili ko. Baka built-in na
rin sa tagal nating magkasama.

Pinagcross ko yung mga braso ko sa dibdib ko tsaka pasimple lang na nagnanakaw ng


tingin sayo.

Nung nag-approach na sa chorus, I decided na makisabay dun sa kanta.

Nagbabaka-sakali lang.

Since di mo naman mapansin sa mga inaakto ko, kakantahin ko nalang.

Sabi mo maganda boses ko, kaya eto na..

You set it again, my heart's in motion


Every word feels like a shooting star..

Nanginig ako nung narinig kong sumabay ka sakin, saka ka yumuko para salubungin
yung mga mata ko.

I'm at the edge of my emotions


Watching the shadows burning in the dark,
And I'm in love and I'm terrified.
For the first time and the last time
In my only life~
Gusto kitang halikan.

Shit, gusto kitang halikan.

Kusang kumalas yung isang kamay ko sa braso ko. Unti-unting dadapo sa pisngi mo.

Inaantay kong makakita ng kahit anong rejection sa mga mata mo..

Pero wala akong nakita..

Kundi takot..

Natauhan ako bigla.

Magsisinungaling ako pag sinabi kong di ito yung first time na nakita ko yan sa mga mata
mo.

Ilang beses na.

Kadalasan, sa mga moment na ganito.

Irene, alam mo ba?

Di kita pinipilit.

At di kita pipilitin.

Kasi kung takot ka,

Mas takot ako.

Don't fall in love with me, because I'll set the bar high.

---

I'm drowning.

But I don't want to shout for help.

Because, laging ikaw ang sumasalba sa akin.


And this moment, you're the last person na gusto kong tatakbo para iahon ako mula dito
sa sitwasyon na ito.

Seul, something's happening inside of me.

I think,

I'm falling for you..

---

I felt your palm on my cheeks.

"Hyun?" Tinapik-tapik mo pisngi ko. "..Hyun, wake up.. 7 na. Di ba kamo may org activity
kayo ng 8:30?"

Gosh, have I told you yet na gustong-gusto ko yang voice mo na malumanay tuwing tina-
try mo akong gisingin?

"Hmm.." I hovered my hand on top of yours, and I rubbed the back of your hand with my
fingers.

I heard you laugh at my action.

Who would've thought na yung batang pumasok sa dorm room ko nung 2nd year ako,
can make me feel this way?

"Hi.."

After kong maglagay ng bed sheet sa futon ko, nakita kitang nakasilip sa siwang pintuan
ng dorm room natin.

"H-Hello.."

"Ikaw si Seulgi?"

You nodded.

Nilapitan kita sa may doorsteps at niluwagan yung bukas ng pintuan.

You're on your back pack and a trolley bag, looking like a total baby na walang muwang
sa mundo at ipinadala ng parents mo sa isang lugar na babago sa buong buhay mo.

"Freshman?"
You avoided my stare and you just nodded again.

I striked the senior pose, para lang biruin ka.

"Hey, look at me when you're answering.."

Napangiti na ako sa loob-loob ko nung pinilit mong makipagtitigan sa akin the next
moment.

"S-Sorry.."

Tumawa na ako ng tuluyan at di napigilang tapikin yung mga shoulders mo na tensed na


tensed na.

"I was kidding! Come in.."

Inakbayan kita papasok ng kwarto.

"I'm Bae Joohyun, or Irene. Sophomore, MedTech."

"K-Kang Seulgi po. Freshman, Accounting.."

---

"You're up early.." Nag-inat ako pagkatayo ko sa kama and that's when I saw you
wearing na your rubber shoes.

"Err.. 8:30 po ang first class ko."

I looked at the wall clock.

"7:30 palang?"

"Err.. Di ko po kasi kabisado yung campus.."

"Ahh.."

Tinantsa ko yung natitira pang oras.

15 minutes sa pagligo, ang 15 minutes na pagbibihis ang pag-aayos.

Pwede pa.

"Hintayin mo ko. Ihahatid kita. This campus is wider than you expected."

"Ay, di na po--"
"I insist.." Putol ko sayo. "..nagbreakfast ka na ba?"

Umiling ka.

"Then we'll grab a sandwich on our way to your class.."

First thing you should know, I hate eating alone.

I grabbed my towel and proceeded to the shower.

---

Inabot ko sayo yung isang sandwich and isang yakult after kong magbayad sa counter.

Time check, 8:10.

"Thank you po.." You smiled at me.

"Drop the honorifics, you can call me Irene nalang.."

"S-Sige po.."

I clicked my tongue nung narinig kita ulit na nag-po.

"I-Irene.." tawag mo sa name ko.

I smiled at you.

"Good.."

Tuloy-tuloy tayong naglakad with a steady pace papunta ng building ninyo.

Sa likod lang kasi ng building namin ang school of accountancy that's why confident ako
na hindi ka male-late sa klase mo.

"So, accounting huh?" I threw a curious look at you.

You smile shyly.

"Bakit?" Kumagat ako sa sandwich ko.

"Baka tawanan mo 'ko.."

"Huh?"

"Yun kasi yung unang course sa roster ng pamphlet ng University.."


I nearly choked.

I thought di ka basta-basta. Yung tipong malalim mag-isip, ganun.

"Wow ha.. Nakakahiya naman sayo.." I nudged you playfully.

And I'm really finding that grin of yours, cute.

---

Nailabas ko na lahat ng notes na dala ko, pero I can't find pa rin yung notes na sinulat ko
for reporting sa next class.

I nearly cursed nung maalala kong hindi ko pala nailagay yun sa bag ko.

5 minutes lang ang allowance ko para bumalik ng dorm. I have to run for it.

Pagkasound ng bell, agad agad kong binuksan yung doorknob at lumabas ng room.

Napatili na din ako nung may narinig akong kalabog pagka-open ko nung door, and may
narinig akong malakas ng nag-ouch.

Narecognize ko yung half ng face mo, since nakatakip yung kamay mo sa right part ng
face mo.

"Seulgi?? Shit.."

Sino kasing gumawa ng door na palabas ang bukas na parang walang tatamaan sa
corridor kapag rush hour na?

Pagkatanggal ko sa kamay mo na nakatakip sa face mo, may nakita akong bukol na


nagsisimula ng mamula sa noo mo.

"Notes mo.."

Napanganga nalang ako sayo habang pinapanuod kitang pinipilit ngumiti.

---

"Hhhhhhuuuuhhhhh~~!! Shit siya!! How could he dump me over the phone?!!!


Wwwwaaaahhhh~~!!"

"Tama na yan.."

Pero tuloy ka pa rin sa pagruruler mo sa columnar mo.

"Di m-mo ko pinapansin.. waaaaaahhhh~!!" Mas lalo lang akong naiyak.


Pagkatayo mo sa study table mo, bumunot ka ng tissue sa tissue box, then you sat
beside me.

"Hmm.." You placed the tissue near my nose. "..blow.."

I did, then I continued crying all night..

---

It's inevitable.

Sa lahat ng ginagawa mo para sakin, I couldn't help na i-compare ka sa mga manliligaw


sa akin.

That's why after that stupid fake relationship with the basketball dude, di uli ako nag-
entertain ng mga suitors.

Until I realized, one year na akong single. And it's a record.

---

Parang kapatid na.

That's what I told myself na turing ko sayo.

Kahit kasi mas bata ka sa akin, you never made me feel na mas matanda ako sayo.

And siguro dahil di ko alam kung pang-kapatid pa nga ba itong nararamdaman ko for
you, since di ko naman alam dahil only child nga lang ako.

But sneakily, you've managed to make a way out of that zone.

And that night, nung nasa Baguio tayo..

I've never been so terrified na amining I might be really starting to like you,

More than a best friend could..

Don't fall in love with me, because I'll ruin you..

---
"Irene!"

I halted my steps. When I turned, nakita ko si Sujeong na tumatakbo palapit sakin.

"S-Si.. S-Si Seulgi.." utal-utal niyang sabi.

I creased my forehead. "Oh, bakit siya?"

"T-Tinakbo sa clinic!!"

Reflex na lang na napahawak ako sa kamay ni Sujeong para tumakbo sa papuntang


school clinic.

---

Pagka-hawi ko ng curtain, I saw your left arm, covered by bandage.

"What the hell happened??" I nearly ran out of breath, nung makita kitang nakangiti
habang may kausap.

====================================================

Ang alam ko may shortcut talaga dito e.

Lol.

Eto nanaman ako.

After kong mapanuod yung Fantastic Beasts and Where to Find Them, nagmala-Harry
Potter nanaman ang curiosity ko.

Nakakita ako ng no entry sign sa harapan ko. But sa kabilang dulo, tanaw ko na yung
building namin.

Kaya binalewala ko nalang yung signage at pasimpleng tumawid dun sa shortcut na


plano kong pangalanan ng name ko since ako naman ang nakadiscover.

Nasa may gitna na ako, nung may narinig akong..


"HEADS UP!!!!!"

Di ko naramdaman.

Until nung nagsitakbuhan papunta sa akin yung members ng archery club.

Lahat sila nagsitalunan sa fence at tinignan ako na kung napano na ako.

Nakarinig pa ako ng isa pang kalampag na ingay na gawa nung fence, bago tumabi sa
gilid yung mga members para padaanin yung may-ari ng boses na nagsabing,

"Shucks, did it hit her?"

Ang alin? Tanong ko sa isip ko.

"Daplis lang.." sabi ng isang member.

Naalala kong classmate ko pala sa History ang ace ng archery club.

Gold medalist sa ASEAN Games, anak ng dean ng School of Medicine.

Chou Tzuyu.

====================================================

Ang sarap siguro ng buhay mo noh?

Ilang weeks ka ng hatid-sundo ni Tzuyu mula sa dorm, papunta ng bawat class mo.

Di ako nagseselos.

Bakit ako magseselos?

Bahala ka nga sa buhay mo.


====================================================

Gaaawddd, hiyang-hiya na ako kay Tzuyu.

"So, mamaya uli?"

"Tzuyu, I--"

"Seulgi, please. We've talked about this.. At least, kahit ito lang. I feel bad, really.."

Alam ko din naman kung anong feeling yung tinutukoy ni Tzuyu. Kaya naman
pumapayag ako sa bawat pag-alalay niya sa akin.

Kahit pa hiyang-hiya na din ako boyfriend niya na nagdadala pa ng mga gamit ko since di
ako basta-basta makakilos.

"JB, thank you ha.." Nginitian ko na rin yung boyfriend ni Tzuyu after niyang ilapag yung
gamit ko sa table ko.

---

It ended with a dinner sa house nila.

Si Dr. Chou pa mismo ang nagtanggal at nagdisinfect after tanggalin yung tahi ng sugat
ko.

Lampas 11pm na nung naihatid nila ako pabalik ng dorm.

Curfew na but thankfully, natantsa yun si Dr. Chou at ipinaalam yun sa dorm head, kaya
nakapasok pa rin ako ng walang aberya.

Pigil yung ngiti ko since excited akong ipatikim sayo yung pinatake-home na siomai na
specialty ng Mom ni Tzuyu.

Alam kong magugustuhan mo kasi yun.

Pagkabukas ko ng pinto, nakita kitang nakaupo sa may dulo ng bed natin.

"San ka galing.."

Oo. Hindi mali yung dinig ko.

Hindi patanong yung pagkasabi mo. But pagalit.


"Err? Kina Tzuyu?"

Hindi ako nabrief na matagal na palang puno ang balde ng pagtitimpi mo.

====================================================

"Nag-enjoy ka ba? Ha?"

God, Joohyun! Why are you even acting like this?

"Err? Oo?"

Wow ka..

"Don't you think I deserve to know about this, Seul?" Tumayo ako. "About you, dating
Tzuyu?"

Kalat na sa buong campus.

Kung hindi ko pa narinig ang usap-usapan ng mga classmates ko na our Dean decided to
speak with you personally para ayain ka sa isang family dinner, magmumukha akong
tanga na naghihintay sayo kada uwi mo na maririnig kong naggu-goodnight ka kay
Tzuyu, over the phone.

Nakakunot pa rin ang noo mo sa akin, na para bang di mo alam ang pinagsasabi ko.

Wow ha, nag-iimprove ang acting skills mo. Malapit na kasi akong maniwala na wala ka
talagang alam.

"Lahat-lahat sinasabi ko sayo!"

It's over. Here it comes.

The green-eyed monster hiding beneath all the games I play.

"I'm f*cking confiding to you every piece of me! Don't you think I deserve to receive an
equivalent of it?!"

You just stood still, like the stupid insensitive bear that you are.
I heavied my footsteps towards you.

"Don't you think I deserve to know everyth--"

Warm breath took over my rage.

One second, and there I was.

Lost, the moment you kissed me.

====================================================

Binitawan kita.

Tama ka.

"You deserve to know everything.."

Gulat pa rin ang expression mo.

"..You deserve to know, that I'm not dating Tzuyu."

Hinalikan uli kita.

"..You, deserve, to, know.." I said between our kisses.

"..That, I'm in love with you."

---

Ang awkward.

Hinalikan kita ng may bitbit akong siomai.

How romantic naman po.

Napa-face palm nalang ako nung maalala ko.

Pasimple ko nalang tinabi sa gilid yung paper bag, habang hinihintay kitang magrespond.
"Irene?"

Naistatwa ka na sa kinatatayuan mo.

Di pa ba nagsi-sink in?

"Irene.." Kinaway ko yung palad ko sa harapan ng face mo.

"O-Oh.. Oh??"

Haaaay, so kailangan kong ulitin?

"Sabi ko--"

"Yeah, I know. You said you love me.."

Blangko ka pa rin?

Akala ko takot akong aminin sayo 'to.

Pero rather than abangan and katakutan kung ano bang magiging sagot mo, mas
nakaramdam ako ng relief.

Relieved na at least, nalaman mo.

Kase alam ko naman, kahit anong isagot mo sakin, matatanggap ko pa rin.

Siempre, bonus nalang kung mahal mo din--

"Me too.."

Parang nakacatch-up ka na.

"A-Ano?" Kako.

"I.." Nagmeet ang mga mata natin. "I love you, too.."

I scoffed.

Can you blame me?

Paano ako maniniwala sa sinabi mo kung nakikita kong parang pati ikaw, di
makapaniwala sa sinabi mo? Na para bang ngayon mo lang narealize?
====================================================

"I.." Shit ka. I was planning on telling you, but not this way. "..I love you, too."

I, at least, expected a kiss after that. Because that's what usually happens after a
confession, right? Lalo na't mutual ang feelings.

Pero may talent ka din kasi talagang mangpikon e.

"Come again?" You answered with an insensitive scoff.

"Excuse me?" Pinagtaasan kita ng kilay. "Are you questioning me?"

Looks like that got you.

"You don't get to ask me to repeat myself, understand?"

And it starts now. Now that there's an us.

"Wow, not even an hour to this, and meron ka na agad rule number 1.."

"Rule number 2.." I locked my arms around your nape and tiptoed.

"..Shut up, and just kiss me."

Don't fall in love with me, I will change the way you see the world.

---

Sabi nila, sa isang araw, dalawang beses mo lang mapapatunayan kung talagang
maganda ba ang isang babae or hindi.

Una, pagkagising niya.

Pangalawa, pag bagong ligo siya.

Iniangat ko agad yung tuwalyang hawak ko para takpan ang mga mata ko after mong
lumabas ng CR ng nakatapis lang.

"Hyun! Ano ba, di ba kako wag kang lalabas ng cr ng di ka pa bihis?!"


Nag-iinit na ang mga tenga ko. Yung mukha ko, alam ko pula na din.

"Don't even pretend that you don't like what I'm doing, Kang.. Kabisadong-kabisado na
kita.."

Napaupo ako sa kama at inantay kang matapos magbihis.

Dinig ko bawat kalabog ng mga drawers na pinagkukuhanan mo ng mga damit mo.

Yung totoo Irene, tao din lang ako. Marupok, nadadarang, at natutukso rin.

After a few minutes, ikaw na mismo ang nagtanggal nung tuwalyang nakapulupot sa ulo
tsaka ka pumatong sa lap ko.

Umalalay naman ang mga kamay ko sa waist mo.

"Wanna do it?" You threw a teasing smile at me.

Napamura ako sa loob-loob ko.

"H-H-Huh??"

Shet. Nafi-feel kong nagbabanggaan yung mga ngipin ko kasabay ng utal-utal kong
sagot.

Parang awa mo na.

Konting-konti nalang ang natitirang self control ko!

Dahan-dahan mong inilinya yung index finger mo sa jawline ko, pababa.. pababa..

Agad ko nang pinigil yung kamay mo.

Binuhat kita and I dropped you sa ibabaw ng kama.

"Stop teasing.. I don't what I'll do to you.."

Tiningnan kitang maigi sa mga mata mo.

Seryoso ako.

It's not that you're not attractive, because damn, grabe lang talaga ang self-control ko
pagdating sayo.

Your slightly damped messy hair.

Your bared freaking close to perfection face.


The way you smile.

The way you look into my eyes.

Naloko na.

Unti-unting dumapo ang mga labi ko sayo, and I gave you the lightest kiss I could ever
give, considering that my weight was threatening to give in to your body any minute
now.

I am trembling.

Oh. My. Goodness.

And you, being the experienced one, just know what to do.

"You kiss like a baby, Seul." Then a giggle.

Napatigil ako.

"Di ba pwedeng warm-up muna?" Kako.

Kumapit ka sa leeg ko, then in one swift motion, nagkapalitan na tayo ng position.

Isa sa mga gusto ko sayo, marunong kang magbasa ng mga sitwasyon. Alam mo kung
paano ka aakto. Alam mo ang sasabihin. Most of all, you just know how to get me.

You were drawing circles with your index finger near my chest, and I playfully attempted
to bite that finger, but then iniwas mo din lang.

"What's after this.." This time, you touched my chin. "..Seul?"

Right.

One week nalang, last semester ko na.

Ganun kadamot ang oras.

Kung kailan kumpleto ka na, saka mo siya di mamamalayang paubos na.

Napag-isipan ko na'to.

"Nung una, sabi ko pwede tayong umalis dito sa dorm at maghanap ng sarili nating unit
or apartment.."

Kinuha ko yung daliri mo na nakapatong sa chin ko, then eventually, pinagsalikop ko na


ang mga kamay natin.
"..But then, I realized, di tayo ready sa ganung set-up."

"Why not?"

"Babe, I'm just 20.. You're 22.. Fresh grad ako. Wala akong mapapala kung hindi ako
magbo-board exam. Sa tingin mo ba masusuportahan kita ng dahil sa pagmamahal lang?
Reality check Hyun.." Tiningnan kita. "..di natin kaya."

Napa-isip ka rin.

Sumandal ka sa ilalim ng chin ko after ng ilang segundo.

"We have options, but then, we can't be that selfish to our family.. To your family.." I
heard you say.

Mayaman kayo.

Kung sasabihin mo lang sa parents mo, nakakakita ako ng pag-asang baka nga pwede.

But I wouldn't allow so.

It's not pride.

It's how I respect your parents.

As much as we both want this,

"Let's just pretend that this is a prequel, huh?" I laughed.

Natawa ka rin.

"Parang movie?"

I hummed in agreement. "Later na ang sequel.."

Idinantay ko ang free hand ko sa likod mo and I waited for you to fall asleep on top of
me.

---

Five years.

Tumigil ang mundo ko for five years.

Umaandar ang lahat.

Ang career ko, ang mga responsibilidad ko, ang mga tao sa paligid ko.
Pero hindi ang memory ko sayo.

Kung paano kita huling nakita sa likod ng pintuan ng kwartong kung saan tumakbo ang
kwento nating dalawa, sa isip ko, ganun ka naka-marka.

Buti nalang nadiscover ni Newton ang gravity.

Kase kung hindi, wala akong explanation kung bakit sa halos lahat ng inabot ko, sayo pa
rin ako uuwi.

Sa industriyang ginagalawan ko, marami akong nakitang hihigit sayo, pero ikaw pa rin
ang gusto ko. Paulit-ulit, parang sirang plaka.

Sabi ko sa sarili ko, bago uli kita makita, I have to work hard.

Bukod sa high maintenance ka dahil doktora ka na, kailangan makatayo din ako ng tuwid
sa harapan ng parents mo.

Every day, sobrang gasgas na ang linyang "Konting antay pa.. Malapit na.."

Pag sumasagi sa isip ko na darating yung araw na makikita na kita, di ko mapigilang


mapangiti.

I'll rehearse how I'll say your name every now and then para lang di ko makalimutan
kung para saan ba ako nagpupursige ng ganito.

Irene.

JooHyun.

Hyun.

Long time no see.

Humigpit ang grip ko sa boquet na hawak ko, habang hinihintay ang pagbukas ng
pintuan ng hall.

Para akong baliw na hindi mapakali.

How have you been?

You've waited too long.

I won't go anywhere this time, don't worry.

Long time no see, I've longed for you too.


The door opened.

It wasn't that easy para mahanap agad kita.

It took me a few more glances and squints before I saw you wearing a white dres, with
that very familiar university maroon sash around your body. Wearing that same smile I've
fallen in love with.

Long time no see, Hyun.

You've gotten more beautiful.

You might also like