You are on page 1of 1

Ayon sa pag-aaral nina Requimin, E., Manzanares, A., et al.

(2014) na pinamagatang

Ang Kakayahan ng Filipino Medyor sa Paggamit ng Pamamaraan sa Pagsasaling wika sa

Soutern Christian College Taong Panuruan 2013- 2014 nais nilang malaman ang kakayahan sa

pagsasaling wika ng mga Filipino meydor sa Southern Christian College. Bumuo sila ng isang

grupo ng mga mag-aaral na kumukuha ng Filipino meydor. Tatlongput walo ang kanilang

kinuhang kalahok kung saan 74% ay mga kababaihan at 26% ay mga kalalakihan. Ang kanilang

pag-aaral ay ginamitan ng deskriptibong disenyo upang malaman at masiyasat ng maigi ang

kanilang mga nakalap na datos. Base sa kanilang pag-aaral, natuklasan nila na ang mga kalahok

ay kapwa mahina sa pagsasaling wika kapag ito ay ipapangkat sa literal na salin, idyomatikong

salin, malayang salin, at diwa sa diwa na pagsalin. Natuklasan din nila na ang kakayahan ng mga

Filipino medyor sa pagsasaling wika batay sa antas ng pag-aaral sa kolehiyo ay walang

pinagkaiba.

Requimin, E., Manzanares, A., et al. (2014). Ang Kakayahan ng Filipino Medyor sa Paggamit ng

Pamamaraan sa Pagsasaling wika sa Soutern Christian College. Ikinuha sa

http://sccresearchcenter.southernchristiancollege.edu.ph/2017/01/23/ang-

kakayahan-ng-filipino-medyor-sa-paggamit-ng-pamamaraan-sa-pagsasaling-

wika-sa-southern-christian-college-taong-panuruan-2013-2014/

You might also like