You are on page 1of 8

PAGSISIYASAT SA RAMpage: ISANG PAGSUSURI SA PAHAYAGAN NG ASIA

PACIFIC COLLEGE

IPINASA NILA:
KYLE ALEXANDRIA MAHRY M. MIRANO
RONAN CYRONE F. BAAY
PATRICIA VICTORIA R. FALLARME
RANIELLE BRIAR O. SEVILLA
PATRICK ALLEN J. CO
NIEL BRANDON YAP SENG
I. OBERBYU
II. LAYUNIN
III. KAHALAGAHAN NG PAGAARAL
IV. SAKLAW AT LIMITASYON
V. DEPINISYON NG MGA TERMINO

I. OBERBYU
Ang pamamahayag ay isang paraan o bapor ng pagsusulat at pagbahagi ng balita sa mga

napapanahon na mga isyu sa ating lipunan. Ang layunin ng pamamahayag ay para maiabot sa

mga mamamayan ang balita at isyu na dapat nilang malaman sa tamang oras. Ang mga

pagkolekta ng mga datos para makabuo ng isang balita ay nasa kamay ng mga mamamahayag

nakasalalay sa kanila kung paano nila ibabahagi ang partikular na isyu. Ang isang magaling at

propesyonal na mamamahayag ay hindi dapat binabase ang mga impormasyon sa sariling

opinyon kung hindi sa mga katotohanan na datos lamang. Bagaman, hindi sinasabi ng mga

mananaliksik na dapat hindi pwede na mag lagay ng sariling opinyon, dapat lang ay ang

nararapat lang para sa isang partikular na balita o isyu. Kaya mas mainam na maging

katotohanan lamang ang mga balita kasi may gawi na baka maging pahalang ang mga balita na

binabahigi. At para maging isang kapani-paniwala na mamamahayag ay dapat walang bahid ng

pahalang ang mga ito. Ang pagsusuri ng aral na ito ay ukol sa opisyal na magasin ng Asia Pacific

College na RAMpage. Ang RAMpage ay nagsimula mula noong taong 2010 at patuloy parin

hanggang ngayon, nagbibigay ng impormasyon sa mga pangyayari sa paaralan at ang mga

natatamong mga parangal ng mga estudyante nito. Dito rin pinapahayag ng mga kontribyutor ang

mga kanilang mga pampanitikan na mga sulatin kagaya ng mga tula tungkol sa mga ibat ibang

bagay. Ang kagustuhan ng mga tagapagsaliksik na suriin ang opisyal na magasin ng Asia Pacific

College na RAMpage ay para mas malaman pa ang nilalaman nito ng mas mainam at malalim.

Ito rin ay paraan para masusing suriin ng mga mananaliksik ang magasin para mas mapabuti ito

kung sakali mang mayroong mga bahid na dapat ayusin o palitan. Sa dulo ng pagsusuri, ang

layunin ng mga mananaliksik ay ay mas mapapaayos at mapabuti pa ang RAMpage at mas

marami pang mga estudyante ang mahikayat na magbasa nito.

II. LAYUNIN
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang suriin ang istilo ng mga artikulo ng mga

piling edisyon ng RAMpage. Layon din nito na siyasatin ang tema ng mga disenyo

ng naturang pahayagan. Layunin ng pag-aaral na ito na magsilbing gabay sa mga

susunod na manunulat at editor ng pahayagan tungo sa pagpapabuti ng RAMpage.

Ang mga sumusunod ay ang mga nais na malaman ng mga mananaliksik:

1.) Kung saan nagmumula ang disensyo at ano ang basehan ng bawat isyu ng

pahayagan nito.
2.) Ang kabuluhan ng ibat ibang disenyo sa ibat ibang isyu ng RAMpage.
3.) Paghahambing ng ibat ibang isyu ng pahayagan

Ang mga sumusunod ay ang mga nais na makamit ng mga mananaliksik:

1.) Mapabuti ang disenyo at nilalaman ng pahayagan


2.) Magbigay ng pagsusuri tungkol sa disenyo at nilalaman ng pahayagan

III. KAHALAGAHAN NG PAGAARAL

Hindi maipagkakailang malaki ang importansiya ng pagkakaroon ng isang mabuting

organisasiyong pampahayagan sa isang institusiyon ng edukasiyon. Ang pagkakaroon ng


ganitong klase ng organisasiyon sa isang paaralan ay katumbas na ng pamimigay ng susi ng

kalayaan sa mga estudyanteng parte rito. Natuturuan sila kung papaano maging responsable sa

kanilang mga sinasabi tungkol sa mga isyu na bumabagabag sa lipunan, at dito rin nila nakukuha

ang pagpapahalaga sa katarungan at katapatan pagdating sa pamamahayag. Sa kabilang banda,

hindi rin natin masasabing perpekto na ang sistema ng pampahayagang organisasiyon. Marami

pa rin itong mga butas at salik na maaari pang pagtuunan ng pansin, halimbawa na lamang ay

ang istilo ng pagsusulat ng mga awtor at kontributor. Sa gayon ay inaasahan ng mga

mananaliksik na sa pagbasa ng tesis na ito ay matugunan at mabigyang pansin ng

pampahayagang RAMpage ang mga isyu na nakapaloob sa kanilang organisasiyon.

Ang layunin ng pagsusuring ito ay magbigay ng mga datos at impormasiyong maaaring

gamitin ng pampahayagang RAMpage ng Asia Pacific College para sa kanilang paglago at

pagbubuti sa kanilang mga nakasanayan nang istilo ng pagsusulat, pamamahala, at maging ang

kanilang pag disenyo ng kanilang mga magasin. Una, inaasahan ng mga mananaliksik sa pagbasa

ng tesis na ito ay maunawaan ng mga manunulat sa RAMpage na hindi lahat ng estudyante sa

ating kolehiyo ay mahilig magbasa, lalo na kapag malalaki at mahahaba ang tekstong naka

presenta sa kanila. Sa aming pagsusuri ay batid na mas naaakit ang mga mambabasa sa mga

disenyo ng magasin kaysa sa mismong nilalaman nito. Kumbaga ay mas mahilig sila sa biswal

na anyo ng mga impormasiyon kaysa sa kapilas nitong tradisyonal na paraan ng pagsusulat.

Kaugnay nito ang isa pang punto ng aming pagsusuri na naglalagay ng malaking importansiya sa

kalidad ng kanilang pagpili at paggawa ng disenyo ng kanilang mga magasin. Dahil mas

tinatangkilik ng mga estudyante ang mga magasin na may magagandang disenyo, kailangang

maunawaan ng RAMpage kung gaano kabigat ang kanilang responsibilidad na gumawa ng mga
disenyong hindi lamang nakakaakit, kundi pati na rin ay impormatibo at nakabagay sa tema ng

kolehiyo. Sa unang tingin ay madali lang gampanan ang responsibilidad na ito, at naggawa

naman na rin nila ito sa mga nakaraang taon. Ngunit importante ring hindi nila makalimutan

kung gaano ito kahalaga sa pamamahagi ng magasin sa mga estudyante. Sa ibang anggulo ay

makatutulong na rin ang tesis na ito sa pamamahagi ng RAMpage ng mga magasin sa mga

mambabasa. Sa madaling salita, nais ng mga mananaliksik na bigyang diin ang importansiya ng

pagkakaroon nila ng mabuting disenyo ng kanilang mga magasin, dahil doon nakasalalay ang

kapalaran ng kanilang buong isyu.

Kung titingnang mabuti ay mahalaga rin ang pagsusuring ito para sa RAMpage dahil

maaari nilang makita ang kanilang pampahayagan mula sa perspektibo ng kanilang mga

mambabasa. Batid ng mga mananakiksik na mahirap husgahan at bigyan ng kritikal na opinion

ang kanilang mga sarili dahil sa mga personal na pananaw at mga inklinasiyon nila sa iba pang

mga manunulat, kaya mahalagang makita rin nila ang kanilang mga gawa sa mga mata ng

kanilang mga tagabasa. Sa paraang ito ay mabibigyang pansin nila ang mga isyu na hindi nila

inakalang nakakaabala na pala sa kanilang mga mambabasa. Malalaman din nila kung gaano ba

kasikat sa mga estudyante ng Asia Pacific College ang kanilang mga istilo at stratehiya ng

pagsulat at paggawa ng disenyo.

Maiisip na hindi importanteng magbasa ng mga pagsusuri ukol sa sarili mo, ngunit para sa

mga mananaliksik ay may kabuluhan pa rin ang pagbasa ng RAMpage sa tesis dahil maaari

silang mabigyan ng oportunidad na mas pagbutihin ang kanilang mga sarili at muling suriin kung

ano nga ba ang importansiya ng mabuting periyodismo para sa kanila.


IV. SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pagsusuring ito ay isinagawa upang malamang kung ano ang estado ng

RAMpage at kung ano ang naisagawa nilang transisyon gamit ang mga napiling

edisyong na inilabas ng naturang pahayagan. Kabilang sa mga salik ay ang mga

sumusunod: estilo ng mga ilustrador, pagkokonstrakt ng mga artikulo ng mga

manunulat, pagkukuha ng larawan, at ang mga ideya at konsepto ng kabuuang

awtput. Saklaw ng pagsisiyasat na ito ay napapalibot sa mga miyembro ng naturang

pahayagan sa kasalukuyan at mga nakalipas na taon. Binibigyang pokus ng

pananaliksik na ito ay RAMpage lamang. Ibang pahayagan na may kaugnay sa Asia

Pacific College ay hindi na umano bibigyang halaga ng mga mananaliksik ngunit

bibigyang pansin pa rin para sa paghahambing na gagawin.

V. DEPINISYON NG MGA TERMINO

Para makatulong na bigyang linaw ang mga terminong ginamit sa pananaliksik na

ito, bibigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita na nabanggit:


RAMpage. Ang opisyal na pahayagan ng Asia Pacific College na naglalaman ng

mga balita at mahalagang pangyayari sa mga nakalipas na buwan.

Pahayagan. Ito ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon

at patalastas, kadalasang na imprenta sa mababang halaga.

Pamamahayag. Ito ay isang estilo ng pagsusulat ng tuwirang paguulat ng mga

kaganapan.

You might also like