You are on page 1of 1

Aljon P.

Agustin
BSMT 2-1

Oras: Pahalagahan

Sa isang malayong paglalakbay


Sa makabuluhang laban ng buhay
Gaano ka man katagumpay
Ang mahalagay marunong kang sumabay

Isang komplikadong bagay na mahirap ipaliwanag


Kayat nangangailangan ng masusing pagsusukat
At sa mga pagtatangka ng tao
Nais ipaliwanag ang mundo, mga bagay na nakasisira dito

Kung aarukin sa mundong ginagalawan


Ang oras ay tila lason, punyal na kikitil sa ilan
Isa lamang salita, ngunit humuhubog ng tadhana
Anghel na kaibigan, diyablo kung kaaway

Kayat kung ikaw man ay may alam


Huwag ipagmalaki o ipagmayabang
Dahil ang regalong bigay ay limitado
At sa mga nangyayari sa mundo, hindi mo alam
kung bilang na ang oras mo

You might also like