You are on page 1of 1

Hihiga na at iiwan ang mundo

Langhap mo, tamis mo, pait mo inaasam ko


Sa pagtulog, minsa'y sa gitna ng araw
Nais lang ng pampagising
Suntok at init sa baga

Sa isa o dalawang tasa


Masaya na, buhay na ang diwa
Hihintayin kita sa tanghali
Hapon, sa aking paghimbing

Sabik sa iyo na parang adik


Ngunit masayang maghintay, maipit sa sabik
Sa pagpihit ng umaga, sandigan kita
Babangon ako at lalasapin ka.

You might also like