You are on page 1of 4

OGAYON, JULIENNE CELINE G.

3LM3 FIL 3 FINALS PAPER

Ang Kalungkutan sa Bawat Kasiyahan

Tapang. Lakas. Tibay. Tatlo sa napakaraming bagay na pwedeng deskripsyon ni Joy.

Makikita naman sa kanyang pangalan na siya rin ang puno ng saya at tuwa. Isang masiyahing tao

na sa kabila ng lahat ng pagsubok at hirap na kanyang pinagdadaanan, kahit kailan ay hindi

nakita ng tao sa paligid nya na siya ay nahihirapan, lalo na sa kanyang pinakamamahal na anak.

Tumayo bilang nanay at tatay sa kanyang nagiisang anak. Ang isang taong nanindigan sa

isang bagay na hindi magawang mapanindigan ng iba. Isang taong ginawa lahat ng makakaya

nya upang maitaguyod at maibigay ang lahat ng pangangailangan at pati luho ng kanyang anak.

Maaaring sabihin ng iba na karaniwang storya ito ng mga solo parent, ngunit napakaraming

bagay ang kakaiba kay Joy.

Isang normal na tao kung tutuusin si Joy, isa siyang Administrative Officer noon sa

Regional Trial Court ng Pasay City. Pangatlo siya sa limang magkakapatid at nagtapos sya ng

kursong Commerce sa Unibersidad ng Santo Tomas. Mahilig sa Korean drama, sa spa, sa nail art,

sa pagkanta at pagsayaw, sa mga pinakabagong gadgets, sa paglalaro ng basketball at marami

pang iba. Marami ang pwedeng masabi at maisagot tungkol sa mga bagay na mga gusto nya at

hilig nya, ngunit napakarami parin ang hindi alam ng tao tungkol sa kanya. Isang taong akala mo

ay madaling kilalanin.
Nagkaroon ng isang anak si Joy noong December 30, 1997. Thirty-three years old sya

nung mga panahong iyon at mayroong stable na trabaho sa Pasay City Hall. Nakatira siya

kasama ang kanyang inang si Eden, ang kanyang anak, at kapatid na si Julie at Nonong.

Isang masayang pangyayari sa buhay nya ang pagdating ng kanyang anak, ngunit alam

nya na kasama ng batang ito, ay matinding hirap at kabi-kabilang pagsubok ang haharapin nya sa

mga susunod na panahon. Ngunit hindi ito nakahandlang sa kanya at pinili nyang panindigan ito.

Isang desisyon na nakapagpabago ng buong buhay nya.

Napalaki nya ang kanyang anak sa tulong ng kanyang inang si Eden at kapatid na si

Nonong habang siya ay nagtatrabaho sa umaga hanggang hapon, sa gabi ang kanyang oras ay

nakatuon sa anak. Pinagaral nya mula Nursery hanggang High School ang kanyang anak sa isang

pribadong paaralan na kalapit lang ng bahay nila. Sa bawat taon na nag-aaral ang kanyang anak,

palaki rin ng palaki ang kanyang mga binabayaran ngunit ang kanyang sweldo at posisyon sa

trabaho ay hindi. Hindi rin maiiwasan ang pagiging makulit at spoiled ng kanyang anak.

Simula pagkabata hanggat nagdalaga ang kanyang anak, ibinigay nya lahat ng makakaya

nya upang hindi magkulang ang anak, Madalas ay nabibigay nya halos lahat ng hilingin ng anak

kahit gaano pa ito kamahal, at kahit kailan ay hindi nya pinaramdam sa anak na wala itong ama

sapagkat binibigay nya ang pagmamahal na higit pa sa kayang ibigay ng dalawang magulang.

Ginawa nya lahat ng makakaya nya upang maipagtapos lamang ang anak sa maganda

eskwelahan at mabigyan ng magandang kinabukasan. Isang bagay na hindi makukuha ng maski

sino.
Tuwing Linggo, madalas ay makikita mo si Joy na kumakanta o nagsisilbi sa simbahan

malapit sa kanilang bahay. Isang malapit sa Diyos na tao ito at mapagsilbi sa simbahan sa

pamamagitan ng pagkanta sa choir kasama ang kanyang mga kapatid at anak o kaya naman

tumutulong sa mga proyekto ng Parish. Malakas ang pananalig sa Diyos at isang napakabuting

tao.

Kilala si Joy sa kanyang masiyahing mukha, mga kwentong nakakatuwa at palabirong

ugali. Masaya kausap at napakabait na tao, ngunit isang masamang kaaway at masungit sa mga

taong hindi maayos kausap. Ngunit isang napakasamang araw ang nagpabago sa takbo ng buhay

nya, pati na rin sa buhay ng mga tao sa paligid nya.

November 21, 2014, ika-limampung taon ni Joy nang siya ay atakihin ng stroke nung

umaga ng kanyang kaarawan. Nakita siyang hindi na makagalaw habang kumakain sa aming

hapag-kainan at kahit anong pilit kong sumagot siya, hindi siya makapagsalita. Agad siyang

dinala sa hospital na pinakamalapit sa kanila at pagdating sa hospital doon ay sinabi ng mga

doktor na mild stroke lamang ito. Dinala siya ng anak nya at ng kanyang anak sa hospital at

matapos ang ilang oras ay akala ng lahat ay magiging okay din siya kaagad, ang hindi nila alam

ay yun na pala ang huling araw na masasaksihan pa nila ang normal na Joy na kilala nila, dahil

pagkadating ng gabi ng kanyang kaarawan, ay umabot sa puntong naging 50/50 ang buhay nito.

Isang araw lamang, ngunit nabago ang buhay ni Joy, lalo na ang kanyang anak. Silang

dalawa lamang ang magkasama sa buhay kaya naman apektado ng lubusan ng kanyang anak sa

pagkakasakit ng kanyang ina. Isang malaking pagsubok na hindi inaasahan at hindi kayang

iwasan, ngunit pinipiling lagpasan. Sa tulong ng kanyang mga kapatid, mga kamag-anak at mga

kaibigan, si Joy ay patuloy na nabubuhay at lumalaban sa buhay.


Pagkatapos ng dalawang taon, si Joy ay bed-ridden pa rin sa kanilang tahanan at

inaalagaan ng kanyang pamilya. Ang dating masiyahing si Joy, ngayon ay pala-simangot na.

Malaking pagbabago ang nangyari dahil lamang sa isang mabilis na pangyayari. Pero hindi

nawawalan ng pagasa ang mga nagmamahal sakanya na babalik ang dating Joy, na malakas,

matapang at matibay.

Isa sa mga hindi malilimutang detalye ng kay Joy ay yung kahit kailan ay hindi pa siya

nakita umiyak, kahit manood siya ng sobrang nakakaiyak na pelikula, o kahit na noong namatay

ang kanyang kapatid na si Nonong, hindi pa din nakitang may pumatak na luha sa mata niya.

Maaring ito ang isang senyales na isa talaga siya sa mga pinakamatatag na taong na makikilala

mo.

Sa ngayon ay maaaring nasa isang parte si Joy ng kanyang buhay na hindi ganun ka-ayos

ang kanyang kalagayan, ngunit isa sa mga mantra ni Joy ang Dont Give Up kaya naman

makikita ang lahat ng tao na nagmamahal sa kanya na hindi sumusuko at naniniwala na siya ang

gagaling at babalik sa kanyang dating sigla. At pagdating ng araw na yun, nasa tabi lang nya ang

mga nagmamahal sakanya, lalo na ako, Tapang. Lakas. Tibay.

You might also like