You are on page 1of 8

BASIC PRECANA ORIENTATION

PANAYAM 1: BATAYANG KAALAMAN TUNGKOL SA KASAL

ANG BATAYANG TEYOLOHIKAL NG KASAL

BAKIT MAY KASAL? SAAN NAGMULA AND IDEYA NG


PAGKAKAROON NG SEREMONYA UPANG PAGTIBAYAN SA HARAP NG PUBLIKO ANG
PAGNANAIS NG ISANG LALAKI AT ISANG BABAE NA MAGSAMA AT BUMUO NG
PAMILYA? SA ATING IGLESYA, ANG THEOLOGICAL BASIS NG KASAL AY BINABANGGIT
SA LUMA AT BAGONG TIPAN.

BINABANGGIT SA LUMANG TIPAN, SA GENESIS 1:26-28 ANG GANITO.

PAGKATAPOS LIKHAIN ANG LAHAT NG ITO, SINABI NG DIYOS NGAYON


LIKHAIN NATIN ANG TAO. ATING GAGAWIN SIYANG KALARAWAN NATIN. SIYA ANG
MAMAMAHALA SA MGA ISDA, IBON, AT LAHAT NG HAYOP MAGING MAAMO O MAILAP
MALAKI O MALIIT. NILALANG NGA NG DIYOS ANG TAO AYON SA KANYANG LARAWAN.
LUMALANG SIYA NG ISANG LALAKI AT ISANG BABAE, AT SILAY PINAGPALA. WIWKA
NIYA, MAGPAKARAMI KAYO AT PUNUIN NG INYONG MGA SUPLING ANG BUONG
DAIGDIG AT PAMAHALAAN ITO.

BINABANGGIT NAMAN SA GENESIS 2:18-24 ang ganito:

Matapos gawin ang lahat ng ito, Sinabi ni Yahweh, Hindi mainam na mag-isa
ang tao. Bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong. Kaya lumikha siya ng mga
hayop sa parang at mga ibon sa himpapawid, inilapit sa tao at ipinaubaya dito ang
pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itawag iyon ang nagiging
pangalan nila. Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon at mga hayop
maging maamo o mailap. Ngunit wala ni isa man sa mga ito ang angkop na kasama at
katulong niya.

Kaya pinatulog ni Yahweh ang tao. Samantalang nahihimbing kinuha niya ang
isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa tapat niyon. Ang tadyang na iyoy ginawa
niyang isang babae at inilapit sa lalaki. Sinabi ng lalaki,
Sa wakes, naririto ang isang katulad ko
Laman ng aking laman, buto ng aking buto;
Babae ang itatawag sa kanya
Sapagkat sa lalaki nagmula siya.

Ito ang dahlian kaya iniiwanng lalaki ang kanyang ama at ina upang sumama sa kanyang
asawa sapgkat silay nagiging iisa.

1
Mula sa mga pagbasa sa Lumang Tipan makikita ang ilang punto tungkol sa kasal.
1. Ang pagsasama ng isang lalaki at babae ay binibigyan ng pagpapala ng Diyos
2. Ang pagsasamang ito ay indissoluble.
3. Kapag nag-asawa ang isang lalaki, iniiwan niya ang kanyang ama at ina at
pumipisan sa asawa.
4. Sa pagsasama ng babae. At lalaki kapwa sila nakasasali sa paglikha ng bagong
buhay.
5. Dahil ang pag-aasawa ay isang misyon kailangang alisin ang anumang bagay na
makasisira rito.

Sa Lumang Tipan, ang kasal ay inihahalintulad sa pakikipagtipan na ginawa ng


Diyos sa bayan ng Israel. Dahil dito, ang mga kaangkinan g pakikipagtipang ito ay
inaasahang magiging kaangkinan din ng kasal. Anu-ano ang mga kaangkinan ng
pakikipagtipan ng Diyos sa bayan ng Israel?

Ang pagkakaisa ng maglabiyak gaya ng pakikiisa ng Diyos sa tao.


Ang pananatiling tapat ng Diyos sa tao- ito ang indissolubility ng kasal.
Ang katapatang ipinakita ng Diyos sa tao ay dapat makita sa relasyon ng
mag-asawa.
Ang kakayahang magkaroon ng supling
Pagmamahal ang bigkis ng mag-asawa

Ang mga binanggit sa Lumang Tipan ay pinatibay ng Bagong Tipan. Ang indissoluibility ng
kasal ay inulit sa Mateo 19: 1-9 at sa Sulat ni San Pablo sa mga Taga Corinto. Nasa Efeso 5:
21-23 ang mahahalagang tagubilin sa mag-asawa.

Parang inulit ng Mateo 19 ang turo ni Jesus tungkol sa paghihiwalay.

Hindi ba ninyo nabaasa sa Kasulatan na pasimulay nilalang sila ng Maykapal


lalaki at babae. At sinabi, dahil ditoy iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at magsasama
sila ng kanyang asawa at silay magiging isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag
paghiwalayin ng tao.

Ang mahalagang tinatandaan sa Corinto 7 ay ang exclusive right ng mag-asawa sa katawan


ng kanilang kabiyak.

Dapat tupdin ng lalaki ang tungkuln niya sa kanyang asawa, gayon din
babae. Sapagkat hindi na ang babae ang may kapangyarihan sa
sariling katawan kundi ang kanyang asawa gayon din naman, hindi na
ang lalaki ang may kapangyarihan sa sariling katawan kundi ang
kanyang asawa . Hwag kayong magkait sa isat isa malibang
pagkasunduan nnyong huwag munang magsisiping upang maiukol
ninyo ang panahon sa panalangin.

2
Ang mataas na pagpapahalaga ni Hesus sa kasal ay binanggit sa Juan 2 ang kasalan
sa Cana kung saan unang ginawa ni Hesus ang milagro para sa bagong kasal.

Ito ang mga theological basis ng kasal. Nagmula sa Panginoon ang ideya ng
pagsasama ng isang babae at isang lalaki upang bumuo ng pamilya at ipagpatuloy ang lahi
ng tao. Ipinakita rin sa mga pagbanggit sa anal na kasulatan na binibindisyunan ng
Panginoon ng Panginoon ang pagsasama ng isang lalaki at babae sa ilalim ng sakramento
ng kasal.

ANG KASAL BILANG ISANG SAKRAMENTO

Ang isang sakramento ay isang tanda na itinatag ni Kristo upang magkaloob ng


biyaya. Sa definition na ito ng sakramento tatlong elemento ang lumilitaw: tanda at simbolo,
itinatag ni Hesus , at nagkakaloob ng biyaya.

Hanapin natin ang mga elementong ito sa sakramento ng kasal.

What is the sign-element in matrimony? Ang pagtanggap ng lalaki at babae sa isat


isa bilang mag-asawa habang sila ay nabubuhay ag sign-element of matrimony. Sa
seremonya ng kasal ay tinitiyak na ang pagpapakasal ay bukal sa loob ng mga ikakasal.
Kayat ang tanong ng pari kung kusang loob ang pagpapakasal ay sinasagot ng ride and
groom ng I do. Ang kusang loob na pagtanggap nila sa isat isa bilang kabiyak habang sila
ay nabubuhay ay inihahalintulad sa kusang loob na pagbiigay ni Hesus ng kanyang sarili sa
santa Iglesya.

Maaaring romantically inclined ang bride and groom sa pagsagot nila ng I do sa lath
ng tanong ng pari. Ang tunay na kahulugan ng sagot na I do ay ang pang habang uhay na
pagtatalaga ng sarili sa kapakanan ng marriage partner. At ang buhay na itinalaga ng bride
and groom sa isat isa is a life to be lived with the Lord.

Ang ikalawang elemento ay ang realidad na si Hesus mismo ang nagtatag ng


sakramentong ito. At sapagkat siya ang nagtatag, naririto ang kanyang living presence. Sa
isang panghabang buhay na relasyon, Christ is indispensable to the relationship. Walang
ibang halimbawa ng isang panghabang buhay na relasyon kundi ang faithful-love
relationship of Christ with his Church. Kayat dapat masalamin sa pagsasama ng mag-
asawa ang pagmamahal ni Hesus sa Kanyang Iglesya. Isang halos imposibleng gawin ito
para sa mag-asawa kng hindi nila isasama sa kanilang relasyon ang presensya ni Kristo.
This most intimate relationship of a husband and a wife should be through, with and in
Christ.

Ang ikatlong elemento ay nagsisilbing daluyan ng biyaya ang sakramento. Ang biyaya
ng Panginoon ay nakararating sa tao sa pamamagitan ng sakramento. Matrimony is
permanent; it remains after the ceremony is done. Ang sakramento ay nagpapatuloy sa pang
araw-araw na pamumuhay ng magasawa. At sa relasyong ito nagkakaroon sia ng
pagkakataon na maranasan ang pagmamahal ni Kristo. To experience the love of Christ in
the relationship is the grace itself.
3
ANG KASAL BILANG ISANG PAGDIRIWANG

Ano agad ang sumasaisip mo kapag sinabing kasal, ikakasal o pakakasal? Hindi mo
naiisip ang isang seremonya, isang pagdiriwang? Sa totoo, dito nakatuon ang atensyon ng
ride and groom--- sa wedding ceremony, sa bridal entourage at sa wedding reception.

May dahlia ang pagkakaroon ng seremonya at pagdiriwang sa pagtanggap ng


sakramento ng kasal. In fact, the Church demands that the spouses submit to such a rite
which it calls Liturgical form. Marriage in the Church ay isang publikong pagpapahayag
ng ride and groom ng kanilang pagmamahal at pagtatalaga sa isat isa. Nangangahulugan
din ito ng kanilang pormal na pagpasok sa at pagkabilang sa Christian community.

The ecclesiastical form requires the groom and the bride to express freely ad publicly
their consent to take each other as husband and wife before the presence of a priest and a
set of witnesses. Mahalagang sabihin na ang naggagawad ng sakramento ng kasal ay ang
groom and bride. They administer the sacrament to one another as they freely enter into an
irrevocable commitment to love and life with each other. Ang commitment na ito ay sinasabi
sa:

I take you as my lawful husband/wife according to the rite of the


Holy Mother Church

I give myself to you as husband/wife.

I take you as my lawful husband/wife.

At pagkatapos ng pagpapalitan ng sumpa, sabay na nagdarasal sila ng ganito:

Grant us, O Lord to be one heart and one soul from this day
forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness
and in health until death do us part.

At inuulit naming na ang sakramento ng kasal ay hindi nagtatapos sa katapusan ng


seremonya. Ito ay nagpapatuloy sa araw-araw na pamumuhay ng mag-asawa kung saan
dapat ilarawan nila ang pagmamahal ni Kristo sa Kanyang Iglesia.

ANG KASAL BILANG ISANG BOKASYON

Ang bokasyon ay isang tawag mula sa Panginoon na maglingkod at mapalapit sa


Kanya. Ito ay isang tawag sa pagpapakabanal. Bilang bokasyon, ang kasal ay isang regalo
mula sa Diyos at isang misyon mula rin sa kanya.

4
Ang kasal ay regalo mula sa Diyos, Ang lalaki ay regalo Niya sa babae; in the same
way ang babae ay regalo niya sa lalaki. Sa Kanyang mahiwagang pamamaraan,
nagkakilala, nag-ibigan at nagpasiya na italaga nila ang kanilang buhay sa isat isa ang
lalaki at babae.

Ang kasal ay isang misyon. Marriage is a call to parenthood. Ang pokus ng


pagmamagulang ay ang pagpapalaki ng mga anak ayon sa Christian values. Sa pagiging
mag-asawa at magulang, nasa kanila ang magagandang pagkakataon na umunlad bilang
mga Kristiano. Naririto ang pagiging misyon ng kasal. In marriage, Christian life is carried in
three levels:

Prayer Prayer is putting oneself in the presence of God.


Nangangahulugan din ito ng pakikinig sa kanyang
salita at pagtataas ng isipan at damdamin sa Kanya.
Sa araw ng kasal, nagdasal ang groom and bride na
maging isa sila sa puso at isipan; at hinihilingna
maging bahagi ng kanilang buhay ang Panginoon. At
sa buong buhay ng mag-asawa nagkaron sila ng
pagkakataon na maramdaman ang kanyang presensya
sa pagiging tapat at sa pagpapalaki ng anak. This is
the essence of the couples prayer in their married life.

Charity Charity is basically a dying to oneself for the good of the


beloved. Sa buhay ng mag-asawa, naroon ang
maraming pagkakataon na mamatayang sarili sa
ikaliligaya ng asawa at anak. It is in married life that one
grows out of self-centeredness.

Apostolate Nagiging apostol o alagad ni Kristo ang magasawa.


Sa pagsasabuhay nila ng aral ni Kristo; sa
paglalarawan nila ng pagmamahal ni Jesus sa Santa
Iglesya kanilang buhay; ang mag-asawa ay nagiging
saksi ni Kristo mga tunay na alagad niya. Kahit
hindi lumabas sa tahanan ang mag-asawa,
nagagawa nilang maging alagad ni Hesus.

5
II. Ikalawang Bahagi

A. Facilitators Input

Ang paghahanda para sa pagdiriwang ng sakramento ng matrimonyo ay


ginaganap sa mga buwan bago maganap ang kasalan. Ito ang
tinatawag na premarital inquiry na hinihiling ng Canon law ng
simbahan at ng Family Code ng estado. Bago maganap ang kasalan,
dapat mapatunayan na walang sagabal sa pagkakaroon ng valid at licit
relationship

1. Mga Kahilingan ng Simbahan ayon sa Canon law

a. Can. 1063
Pagdalo ng ikakasal sa cathechesis at precana seminar

Kailangang dumalo sa cathechesis at precana seminar ang mga


ikakasal. Ang cathechesis ay isang balik aral o pagtuturo ng mga
batayang pinaniniwalaan ng Katolisismo. Ang precana seminar
naman ay pagbibigay ng impormasyon sa ugnayan ng mag-
asawa at ang mga konsepto na maaari nilang paghawakan upang
mapagtibay ang kanilang pagsasama. Ito ay maituturing na
advanced information sa buhay mag-asawa at ang inaasahan sa
kanila ng pananampalatayang Katoliko.

b. Can. 1065

Pagtanggap ng mga sakramento ng kumpil, pakikipagkasundo o


kumpisal at Eukaristiya

Kailangang tanggapin ang sakramento ng kumpil ng mga ikakasal


kung hindi pa ito natatanggap. Isa sa mga inaasahang biyaya ng
sakramento ng kumpil ay ang paglago ng pananampalataya.
Inaasahan ang mga ikakasal na ituturo ang pananampalatayang
ito sa kanilang mga magiging anak.

Karaniwan na ang seremonyang kasal ay isinasagawa sa loo ng


banal na misa. Ang pagsasama ng isang lalaki at isang babae sa
matrimonyo ay sumasagisag sa pakikipag-isa ni Kristo sa

6
simbahan at ang pakikipag-isang ito ay higit na magiging
makabuluhan kung banal at malinis ang mga ikakasal.

Ang sentro ng pananampalataya ay ang pagdiriwang ng banal na


misa. Ang pagtanggap ng komunyon ay nangangahulugan ng
paikiisa ng ikakasal sa pakikipagtipan ni Kristo sa kanyang bayan.

c. Can. 1067

Pagsisiyasat sa kalayaang magpakasal

Nagkakaroon ng mga pagsisiyasat ng ang mga ikakasal ay


walang mga sagabal sa kanilang pagpapakasal. May bansa kung
saan hinahayag nang pasalita o pasulat sa loob ng 3
magkakasunod na lingo ang nais magpakasal. Ito ay isang
pagtiyak na malayang magpakasal ang ikakasal.

Idinudulog sa pari ang mga ikakasal. Ito ay isang pagtiyak na ang


mga ikakasal ay may sapat na kaalaman sa doktrina ng
simbahan at ng kahulugan ng matrimonyo.

Kailangn din ang sipi ng baptismal certificate issued 6 months


before the wedding. Kailangan din ang phintulot ng kura paroko
ng ikakasal kung sila ay hindi magpapakasal sa sariling parokya.

2. State Requirements Ayon sa Family Code

a. Essential Requirements

Ang mga ikakasal ay dapat isang lalaki at isang babae na may


sapat na gulang. Kung ang ikakasal ay 18-21 taon, kailangan
ang pagsulat na pahintulot ng magulang ng ikakasal. Hindi
maibibigay ang marriage license kung wala ang pasulat na
pahintulot. Kung ang ikakasal ay 21-25 taon, parental advice
is required. If parental advice is negative, hindi rin ibibigay ang
marriage license.

Mahalaga ang free consent sa pagpapakasal. Hindi pinilit,


tinakot at pinagbantaan ang ikakasal. Kung sa seremonya ng
kasal ay sumagot ang lalaki o babae na hindi niya kusang loob
ang pagpapakasal, dapat itigil ng solemnizing officer ang
seremonya.

b. Formal Requirements
7
Authority of the solemnizing officer

May mga taong may kapangyarihan na magkasal. Ang pari,


rabbi o imam ng anumang sekta ay may kapangyarihang
magkasal gayon din ang member ng judiciary. Maaari ding
magkasal ang consul o vice consul kung ang contracting
parties ay nasa ibang bansa.

In case, either or both parties to the marriage are at the point


of death, maaaring magkasal ang kapitan ng barko o piloto ng
eroplano kung sila ay mga pasahero.

Maaari din magkasal ang military commander ng isang unit


kung ang magpapakasal ay within the zone of military
operation.

A valid marriage license

Kailangang may marriag license na issued ng munisipyo ang


mga ikakasal. Maaaring ikasal kahit walang marriage license
kung:
At the point of death either or both of the contracting
parties
Kung napakalayo ng tirahan ng contracting parties at
walang available transportaion for them to personally
appear before the local registrar
Kung kasapi ng alinmang ethnic community ang
contracting parties at ang kasal ay ayon sa kultura nila
Mahigit nang limang taong nagsasama ang isang lalaki
at babae provided na walang impediment sa kanilang
pagpapakasal

A marriage ceremony

Kailangang may isang marriage ceremony kung saan ipahahayag


ng ikakasal sa harapan ng solemnizing officer at dalawang saksi
na may sapat na na gulang ang kanilang intensyon to take each
other as man and wife.

You might also like