You are on page 1of 5

CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

10. Nakakapekto ba ang pagkakaroon ng SK pag-unlad ng isang barangay?

PORSYENTO WEIGHTED
TUGON RESPONDENTE
(%) MEAN (X)
OO 25 50%
MAARI 16 32% 2.32
HINDI 9 18%
KABUUAN 50 100% OO

Talahanayan 10.
Sa talahanayan 10, may limampung porsyento (50%) o dalawamput-limang

(25) respondente ang nagsasabing nakakaapekto nga ang pagkakaroon ng SK sa pag-

unlad ng isang barangay. Samantala, tatlumput-dalawang porsyento (32%) o labing-

anim (16) na respondente ang nagsasabi na maaaring nakakaapekto ang pagkakaron ng

SK sa pag-unlad ng isang barangay at labing-walong porsyento (18%) o siyam (9) na

respondente ang nagsasabing hindi ito nakakaapekto. Sa nakuhang weighted mean na

2.32 (OO) ay nangangahulugan na ang mga respondenteng napili ng mga mananaliksik

mula labing-pito (17) hanggang dalawamput-isa (21) ang edad ay nagsasabing

nakakaapekto ang pagkakaroon ng SK sa pag-unlad ng isang barangay.

Sa mga pinag-isang katanungan, kinuha ang bahagdan o porsyento nito sa

pangkalahatang bilang ng mga respondente. Dito nadetermina ng mga mananaliksik

kung gaano karami ang mga kabataan ang sang-ayon parin sa pagkakaroon ng

Sangguniang Kabataan Eleksyon. Masusing pinaghambing ang mga resulta at inalisa.

Sa nakuhang general weighted mean na 2.05 (OO) lumalabas sa pagsusuri ng mga

mananaliksik na karamihan sa mga respondente ay sumasang-ayon sa halos kalahatan

ng mga katanungang kanilang ibinigay.

AB POLITICAL SCIENCE MARSO 2016


CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON 30

Lagom

Ang pag aaral na ito ay tungkol sa Sangguniang Kabataan Reform Act of 2010

at mailahad ang persepsyon ng bawat mag aaral ng Carig Campus Cagayan State

University patungkol sa paksa. Napili ang paksang ito ng mga mananaliksik upang

mapalawig ang kaalaman ng mga kabataan sa Sangguniang Reform Act of 2010 at

upang sa ganoon ay makatulong ito na magkaroon pa sila ng sapat na impormasyon

patungkol sa Sangguniang Kabataan lalo na at papalapit na ang eleksyon ng mga

kabataan sa ating bansa. Nakuha na ng mga mananaliksik ang kanilang mga ninanais

na mga kasagutan sa kanilang mga katanungan. Higit sa lahat nakamit ng mga

mananaliksik at nagawa kung ano ang kanilang layunin sa pag-aaral na ito. Ang pag-

aaral na ito ay nagbigay ng mahalagang kaisipan hinggil sa lumalalang sitwasyon ng

mga kabataan at sa mga maaring solusyon nito. Hindi man ganun karami ang aming

nasaliksik ngunit tuluyan nga itong nakapagbigay ng malawak na impormasyon

hinggil sa nasabing usapin.

Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga

sumusunod na konklusyon:

AB POLITICAL SCIENCE MARSO 2016


CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

A. Ang mga kabataan ay sumasang-ayon sa bagong batas na kung saan ang batas

na ito ay tumatalakay sa pagkakaroon ng repormasyon sa Sangguniang

Kabataan (SK).

B. Ang pangunahing dahilan kung bakit nagkaroon ng repormasyon sa 31

Sangguniang Kabataan (SK) ay dahil sa mga alegasyon ng korapsyon na

sangkot ang mga kabataan at dahil sa di-episyenteng pamamahala.

C. Lumalabas na maraming kabtaan parin ang patuloy na nagtitiwala sa

Sangguniang Kabatan (SK) bilang kinatawan na magsusulong ng interes,

karapatan, at kapakanan ng bawat kabataang Pilipino.

D. Malaki parin ang epekto sa pagkakroon ng Sangguniang Kabataan (SK) sa

pag-unlad ng isang barangay.

E. Ang Sangguniang Kabataan (SK) ay mayroon naman talagang tunay na

magandang layunin kung gayon ay pinagtibay pa ito bilang institusyon at ang

repormasyon ang naging solusyon dito.

Rekomendasyon

Kaugnay sa mga naging kongklusyon ng pag-aaral na ito, buong

pagkumbabang nirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod. Hinati

namin ang mga rekomendasyon para sa pamahalaan, sa mga kabataan, at sa iba pang

mananaliksik.

PARA SA PAMAHALAAN. Mas pagtuunan nila ng pansin ang mga mas malalang

problema sa ating bayan. Hayaan ang mga magiging pinuno ng mga kabataan na

AB POLITICAL SCIENCE MARSO 2016

32
CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

mamuno sa kanilang mga sariling pamamalakad at suportahan ang kanilang mga

magagandang layunin upang magkaroon ito ng magandang idudulot at ikakaunlad ng

ating bansa.

PARA SA MGA SUSUNOD NA PINUNO. Maging huwaran o modelo sa mga

kabataan at pagbutihin nila ang kanilang pamamahala upang sa ganun ay maibalik ang

buong tiwala ng mga kabatan sa Sangguniang Kabataan (SK). Mas lalo pang

pagtuunan ng pansin ang mga programa para sa mga kabataan at maging tapat.

PARA SA MGA KABATAAN. Maging tapat at maingat sa pagpili sa mga susunod na

pinuno ng inyong lugar upang sa ganoon ay magkaroon ng magandang kinalabasan

ito at maging aktibo upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating

bansa.

PARA SA MGA IBA PANG MANANALIKSIK. Ipagpatuloy o palawakin pa ang

pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas ng mas marami at higit pang relebant ng mga

datos o impormasyon, maaring makatulong sa pagtuklas ng mga suliraning kaugnay

ng pananaliksik na ito.

AB POLITICAL SCIENCE MARSO 2016


CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

33

33

30

AB POLITICAL SCIENCE MARSO 2016

You might also like