You are on page 1of 19

CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Persepsyon ng mga Mag-aaral sa Darating na


Sangguniang Kabataan (SK) Eleksyon

Iniharapkay Gng. Pinky B. Tabbu bilang bahagi ng


Requirements sa asignaturang Filipino 12 sa
Cagayan State University Carig Campus

Iniharap nina:
Angelie S. Garcia
Jewardine A. Taguiam
Mary Joy D. Baligod

Marso 2016

AB POLITICAL SCIENCE MARCH 2016


CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Kabanata 1
Suliranin at Kaligiran ng pag-aaral
Panimula

Ang kabataan ang masusing nagmamatyag sa mga gawi ng mga

nakatatanda ating mga kabataan ang nagmamasid sa bawat kilos ng may mas

gulang. Ang mga kabataan ay may malaking tungkulin sa ating bansa upang

magkaroon ng pagbabago sa ating bayan.

Sa kasalukuyan, ang mga kabataan na tinatawag nap ag-asa ng bayan ay

tila kabaliktaran ng nangyayari sa inaasahan. Kung titignan sa realidad ng buhay

karamihan sa kanilay pakalat-kalat sa mga mall at arcade kahit na ang dapat ay

nagsusulat sa kanilang aralin hawak ang pluma sa halip na tako. At ang

pinakapopular ay halos lahat ng kabataan ay nasa loob ng internet caf o computer

shop minamaster kung anu-anong video games at babad sa magdamagang pag-

oonline sa halip na ang kanilang asignatura ang piagkakaabalahan. Habang ang

kanilang mga magulang ay halos dugo ang ipawis sa paghahanap-buhay. Huwag

maging bisyo ito sa halip ay mag-aral ng mabuti upangmay patutunguhan sa buhay

at maging ihemplo sa inyong bayan.

Hindi masama ang mga gawain na mga ito basata ba ay hindi sobra at sa

tamang oras. Ang ganitong kondisyon ng mga kabataan ay nakakaalarma sa ating

gobyerno, kung gayon ay binuo ang Sangguniang Kabataan (SK) upang

AB POLITICAL SCIENCE MARCH 2016


CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

magkaroon ng modelo at pinuno na puwedeng gayahinat inspirasyon upang

maituwid ang landas na tatahakin. Na imbis na mga video games at pag-oonline

ang pagkaabalahanay maging bahagi ng SK at pag-aaral ang pagkatutukan.

Nakatulong na sa inyong bayan nagging magandang huwaran pa sa kapwa mo

kabataan.

Ang Sangguniang Kabataan (SK) ay halal na kinatawanng mga kabataan sa

bawat barangay sa buong bansa. Nilikha ang SK sa layunin na bigyang boses at

kapangyarihan ang kabataan sa usaping pampamahalahan at panlipunan, at upang

mabigyan ang mga kabataan ng isang tiyak na gagampanang papel sa komunidad.

Itoy unang sinimulan noong Disyembre 4, 1992 sa buong bansa at ginanap sa

43,000 barangays. Itoykasabay sa eleksyong barangay na inihahalal ang isang SK

Chairman at pitong SK Kagawad. Sa bawat barangay ay may organisasyong

tinatawag na Katipunan ng Kabataan (KK), mga kabataan labing-pito hanggang

damput isa ang edad na siyang naghahalal.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay upang maipatupad sa mga kapwa mag-aaralsa

kursong AB-POLITICAL SCIENCE ang persepsyon ng mga mag-aaral sa na

Sangguniang Kabataan (SK) Eleksyon. Tumitiyak ang pag-aaral na ito na masagot

ang mga sumusunod na obdyektib:

AB POLITICAL SCIENCE MARCH 2016


CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

1. Mailahad ang halaga ng SK Eleksyon

1.1 Layunin

1.2 Misyon

1.3 Visyon

1.4 Tuntunin ng Pagpili

2. Mailahad ang persepyon ng mga mag-aaral ssa darating na SK Eleksyon

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang tesis proposal na may pamagat Persepsyon ng mga Mag-aaral sa

Darating na Sangguniang Kabataan (SK) Eleksyon ay inaasahang makinabang ang

mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral

Mailahad ang kanilang persepsyon sa darating na SK Eleksyon at malaman

ang kahalagahan nito.

Sa mga mananaliksik

Malaman kung ano ang persepsyon ng mga mag-aaral sa darating na SK

Eleksyon.

Sa mga susunod na mananaliksik

AB POLITICAL SCIENCE MARCH 2016


CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Magkaroon ng referensyal tungkol sa pananaliksik sa mga persepsyon ng

mga mag-aaral sa darating na SK Eleksyon.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na Persepsyon ng mga Mag-aaral sa

Darating na Sngguniang Kabataan (SK) Eleksyon ay nakatuon sa mga mag-aaral

na nasa una hanggang ikaapat na taon na may edad na labing-pito (17) hanggang

dalawamput-isa (21) ng kahit na anong kurso na nag-aaral sa Cagyan State

University Carig Campus. Lilimitahan sa tigsasampu na respondent batawat edad

na may kabuuang limampu (50) na respondete.

Isasagawa ang pag-aaral na ito sa Cagayan State University Craig Campus

na sisimulan sa pangalawang semester na taong panunuran 2015-2016.

Batayang Konseptuwal

Persepsyon Surbey Magkaroon ng


ng mga Mag- Interview sapat na
aaral sa Talatanungan kaalaman,
Darating na impormasyon at
Sangguniang makapagbigay
Kabtaan (SK) ang mga mag-
Eleksyon. aaral ng kanilang
persepsyon sa
darating na SK
Eleksyon.
AB POLITICAL SCIENCE
Diagram 1. Paradima ng Pananaliksik MARCH 2016
CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Ang unang kahon ay tumutukoy sa suliranin na kung saan ito ang

pangunahing dahilan kung bakit isasagawa ang pananaliksik na ito. Samantala, ang

pangalawang kahon ay tumutukoy sa mga hakbang o paraan sa pagkalap ng

datos upang masagot ang suliranin at ang pang-huling kahon ay tumutukoy sa

kinalabasan sa isasagawang pananaliksik na kung saan magkakaroon ng sapat na

kaalaman, impormasyon at makapabigay ng persepsyon ng mga mag-aaral sa

darating na SK Eleksyon.

Ang problema ay daraan sa maraming proseso o pamamaraan tulad ng

pagsusurbey, pag-iinterbyew, talatanungan at pag-oobserba para sa magiging

kalabasan nito ay malaman ang persepsyon ng mga mag-aaral sa SK Eleksyon.

Katuturan ng mga Terminolohiya

Anga salitang naitala naming sa katuturang bahagi n gaming paksa ay base

sa mga salitang hindi madaling maintindihan na naisalin sa wikang Filipino. Ang

katuturan ay lipon ng mga salita na binibigyan na madiin na kahulugan at

masusing pagbibigay ng kahulugan.

AB POLITICAL SCIENCE MARCH 2016


CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Kabanata II

Mga Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura

Local

Ang Sangguniang Kabataan (SK) Eleksyon ay halal na kinakatawan ng

mga kabataan sa bawat barangay sa buong bansa. Sa bawat barangay ay may

organisasyong tinatawag na Katipunan ng Kabataan (KK), mga kabataan na

edad 15-17, na siyang naghahalal ng SK Chairman at mga kagawad.

Nilikha ang SK sa layunin na bigyang boses at kapangyarihan ang

kabataan sa usaping pampahalahan at panlipunan. Ang SK ay may mandatong

maging kinatawan ng kabataan at maglunsad ng mga programa para sa kabataan

sa barangay at local na pamahalahan. Ang SK Chairman sa bawat barangay ay

umuupo bilang kagawad ng barangay. Sampung porsyento (10%) nito para sa

kalikasan, edukasyon at training sa mga kabataan, paglaban sa droga at iba pa.

Ang mga SK Chairman ay bahagi din ng SK Federation sa munisipilidad,

siyudad o probinsya. Ipinapatawag din ng SK National Congress na siya

namang naghahalal ng SK Federation Officers.

Ang maaring maging bahagi ng SK o ang tuntunin ng pagpili at paano

sila inihahalal ay ang sinumang kabataang Pilipino na edad 15-17, na nakatira

nang mahigit na anim na buwan sa barangay na nais niyang pagpaparehistrohan

AB POLITICAL SCIENCE MARCH 2016


CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

ay maaring magparehistro bilang kasapi ng KK, na siyang maghahalal

naman na SK. Inihahalal sa eleksyong kasabay ng barangay eleksyons ang SK

Chairman at pitong SK Kagawad. (http://kabataanpartylist.com/sangguniang-

kabataan/)

Matagal nang pinag-iisipan ng ilang mambabatas ang pag-amyenda ng

Local Government upang i-abolish ang Sangguniang Kabataan (SK). Sang-ayon sa

mga mambabatas ay nagiging training ground lang ito sa kabataan na maging

corrupt. Na sa murang edad ay naeexpose na sila sa masamang pamumulitika at

ilan mga sa kanila ay nakasuhan na ng graft and corruption, SO YOUNG YET SO

CORRUPT, sabi nga nila.

Pero sa SK lang baa ng corruption sa gobyerno? Kung bubuwagin ito dahil

sa corruption, di dapat ang buwagin na sa atin ay kongreso, konseho at barangay,

mga departamento ng gobyerno dahil sa lahat naman sangay ng pamahalaanay may

corruption o baka naman kaya sa SK lang ang dapat buwaging dahil sa corruption

ay sa kadahilanan puwede na maging corrupt kapag nasa hustong gulang na.

Simulat sa un aba ay may corruption ng aba sa SK?

Noong majority floor leaderako ng konseho ng lungsod Quezon, isang

pangunahing trabaho naming ay ang bumalangkas ng budget ng lungsod at ang

pagkumpirma ng budget ng mga barangay kasama ang budget ng SK. Sa

CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

AB POLITICAL SCIENCE MARCH 2016


pagtatanong naming sa SK Chairman tungkol sa kanyang budget ay nalalantad

paminsan minsan ang mga karagdagang provision sa kanilang budget at

kadalasan ay turo ito ng kanyang kapitan. Ibig sabihin ang nagtuturo ng SK ay

ang Barangay Chairman lalo na kung ang SK Chairman ay anak o kamag-anakan ng

Barangay Chairman.

Maaga rin namumulat ang mga SK sa masasamang pamumulitika dahil sa

ang SK

ay umuupo sa barangay council. Ang luma at pangit sa pamumulitika ang nagiging

paraan sa paghalal sa SK. Nauso narin ang Vote buying lalona sa pagboto ng SK

President. Ito kasi angumuupo sa konsehal sa konseho. Ang mga magulang at

kaalyado ng mga politico ang nagpapa-outing na sa mga SK, binibigyan kuno ng

pabaon pero ang totoo ay suhol ito para iboto ang isang kandidato.

Dapat bang i-abolish ang SK o dapat lamang baguhin ang pamamaraan ng

pahalal sa kanila. Dapat bang bigyan sila ng budget na magsisilbing tukso ng

corruption? Dapat bang itaas ang edad ng puwedeng maging SK, sabihin nating 21

pataas upang sa gayon ay hindi teenager pa lang ayexposed na sa dumi ng pulitika?

Maganda ay layunin ng Sangguniang Kabataan. Kung tama lang ang Sistema at

hindi nakikialam ang mga pulitiko sa pamamalakad nila ay makakahubog tayo ng

mga mahuhusay na lider galling sa hanay ng kabataan. Reporma lang marahil ang
CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

AB POLITICAL SCIENCE MARCH 2016


kailangan at hindi tuluyan buwagin ang Sangguniang Kabataan.

(http://www.remate.ph/2012/06/sangguniang-kabataan/)

Ayon sa mga mambabatas dapat ireporma ang Sangguniang Kabataan at

ang pondo ay gustong alisin. Sa harap ng mga puna na nagiging sanayan lamang

ng mga tiwaling mga opisyal at political dynasty ang Sangguniang Kabataan (SK),

iginigiit ng isang kongesista na kailangan lamang i-reporma ang nabanggit na

posisyon sa local sa pamahalaan sa halip na tuluyan itong buwagin.

Ayon kay Rep. Valenzuela Magtanggol. Gunigundo, ang pahahain niya ng

ilang panukalang batas na naglalayong susugan ang ilang batas na may kinalaman

sa SK.

Kabilang sa mga panukalang batas ay ang House Bill (HB) No. 1333, na

naglalayong alisin ang inilalaang sampung porsyento (10%) na alokasyon ng

Internal Revenue Allotment (IRA) ng barangay pa ra sa SK. Kung maalis ang

nasabing alokasyon, makatitipid ang gobyerno ng 9.25 bilyon na maaring magamit

sa iba pang mas mahalagang programa tulad ng edukasyon.

Ayon parin kay Gunigundo na itaas ang edad ng mga maaring maging opisyal

at kasapi ng SK, na mula sa kasalukuyang15 hanggang 17 anyos ay gagawing 18

hanggang 21 anyos. Aalisin din ang mga SK Federation President bilang ex-officio

member ng local government legislative bodies gaya ng Sangguniang Bayan,


CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

AB POLITICAL SCIENCE MARCH 2016


Sangguniang Panglungsod, at Sangguniang Panglungsod.

Iminungkahi ni Henrietta De Villa, chairperson ng Parish Pastoral Council on

Responsible Voting (PPCRV), na panahon na para repasuhin ng Kongreso ang batas

na lumikha sa SK dahil nagiging entry point umano ito ng political dynasties. Ayon sa

pinuno ng PPCRV, masyado nang napupulitika at nagagamit ng mga halal na opisyalang SK

sa ilang lugar. Naghain din ng panukalang batas si Gunigundo para itakda ang pagsisimula

ng termino ng mga opisyal ng SK sa Nobyembre 30, at magkaroon ng limang taong termino.

Kailangan namang residente ng barangay sa loob ng anim na buwan ang mga maaring

bumoto para sa SK, at dapat isang taon nang residente sa barangay ang mga tatakbo o

kakandidatong opisyal.

Iminungkahi ni Elections Chief Sixto Brillantes Jr. kay Pangulong Benigno

Aquino III na suportahan ang mga panukalang bata na naglalayong ipagpaliban ang

nabanggit na halalan. Sa darating na Oktubre nakatakda ang eleksiyon ng SK,

kasabay ng mga opisyal ng barangay. Bagaman maganda ang layunin ng

pagkakaroon ng kinatawan ang mga kabataan sa local na pamahalaan, binatbat ng

samut saring kontrebersya ang SK bilang isang institusyon. Nariyan ang alegasyon

ng korupsyon (vote-buying, pagkuha ng kickback sa mga proyekto at programa ng

SK, pakikipagsabwatan sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno)at di-episyenteng

pamamahala. Ang mga ito ang nagtulak sa ilang organisasyon at mambabatas na

maghain ng mga panukalang batas na may layuning buwagin na ang SK.


CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

AB POLITICAL SCIENCE MARCH 2016


Sa kabila nito, hindi dapat alisin ang mga lunsaran para sa mga kabataan na

makilahok sa paggugubyerno at paglilingkodsa kapwa-kabataan. Sa halip na

tanggalin ang representasyon ng mga kabataan sa mga barangay, mas nararapat na

ireporma at palakasin ang SK bilang institusyon. Sa pamamagitan nito, maibabalik

ang tiwala ng mamamayan sa SK bilang tunay na kinatawan na magsusulong ng

interes, karapatan at kapakanan ng kabataang Pilipino.

Inihapag na ng Kabataan Partylist sas Mababang Kapulungan ang House Bill

1963 o ang Sangguniang Kabataan Reform Act of 2010. Hangarin nitong

amyendahan ang Republic ActNo. 7160 na kasalukuyang nagtatakda ng

kapangyarihan at responsibilidad ng SK. Sa particular , layunin ng panukalang batas

na :

I. Baguhin ang age requirement para sa mga SK candidate mula 15-18

taong gulang, sinumang nagnanais maging kabahagi ng SK ay dapat

may edad na 18-21 taong gulang upang matiyak na may legal silang

kapasidad na gampanan ang kanilang tungkulin.


II. Bigyan ang mga SK unit ng fiscal autonomy sa kanilang pondo at i-

require silang ilagak ang pondo sa isang bangko na pagmamay-ari ng

gobyerno.
III. Tiyakin ang transparency ng mga yunit ng SK sa pamamagitan ng

CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

mandatory na pagsusumite ng mga SK unit sa isang quarterly financial

AB POLITICAL SCIENCE MARCH 2016

report.
IV. Italaga ang KK bilang pinakamataas na policy-making body ng SK.

Tungkulin ng KK na magdaos ngregular na konsultasyon sa ibat ibang

organisasyong pangkabataan sa kanilang komunidad.

Hikayatin ang SK na maguna sa pagsulong ng batayang karapatan ng mga

kabataan tulad ng edukasyon para sa lahat, maayos na trabaho para sa

kabataan, sustainable development, karapatang pantao at hustisyang panlipunaan.

(http://kabataanpartylist.com/sangguniang-kabataan/)

AB POLITICAL SCIENCE MARCH 2016


CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

KABANATA 3

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Mananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay maisasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang

descriptiveanalytical. Tinatangkang ilarawan at suriin ang pag-aaral na ito ang opinion at

kaalaman patungkol sa persepsyon sa mga pag-aaral sa darating na Sangguniang Kabataan

(SK) Eleksyon sa may mga edad na labing-pito (17) at dalawamput-isa (21) sa kahit anong

kurso ng Cagayan State University Carig Campus. Ang gagamitin ng mga mananaliksik ay

selective sampling na kung saan makikita ditto ang pagpili ng mga respondente sa bawat edad

na sasagot sa mga katanungan.

Ang pinapakita ng unang talahanayan ay ang bilang ng respondent sa bawat

edad na mayroong tagsasampung (10) respondent bawat edad sa kabuuang limamput

(50) na respondente.

Mga Respondente

Ang mga napiling respondent sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral na may

edad na labing-pito (17) hanggang dalawamput-isa (21) sa kahit anong kurso ng

Cagayan State University Carig Campus ikalawang semester ng taong akademiko

2015-2016.

Ang pag-aaral na ito ay mayroong limampu (50) na respondente. Ang bawat

edad ay may tigsasampung (10) respondente. Ang mga mag-aaral ay nasa ika-unang

AB POLITICAL SCIENCE MARCH 2016


CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

ang edad (17)

ang edad (18)

ang edad (19)

ang edad (20)


Labing siyam

Dalawamput

KABUUAN
Labing walo

isa ang edad


Dalawampu
Labing pito

(21)
10 10 10 10 10 50

Talahanayan 1. Distribusyon ng mga respondent batay sa edad

Sa bawat edad, kukuha ang mga mananaliksik ng tigsasampu (10) bawat

pangkat sa pamamagitan ng random sampling upang magkaroon ng pantay na

representasyon ang bawat pangkat.

Instrumento sa pananaliksik

Sa pamamagitan pakikipanayam, mas nagkakaroon ng kaalaman ang mga

mananaliksik para sa pag-aaral na ito na siyang makakatulong na magbigay linaw

sa nasabing paksa. Tag-dadalawa bawat edad ang kukunin ng mga mananaliksik na

may kabuuang sampu (10) na respondent mula sa limampu (50) na respondent sa

pananaliksik na ito. Ang mga mananaliksik ay kakapanayamin na ito. Ang mga

mananaliksik ay kakapanayamin ang sampu na respondent patungkol sa kanilang

persepsyon sa darating na Sangguniang Kabataan (SK) Eleksyon.

AB POLITICAL SCIENCE MARCH 2016


CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Interbyu

Ito ay isang paraan ng pagkakalap ng impormasyon na nagbibigay ng aktuwal

na kilos ang mananaliksik na makapanayam ang isang tao para makuha ang

impormasyon para sa nasabing paksa.

Surbey

Ang pagsusurbey ay gagamitin ng mga mananaliksik kung ang mga mag-

aaral ba ay seryoso sa kanilang mga isasagot. Titiyakin ng mga mananaliksik kung

sakto nga ba ang bilang ng mga mag-aaral na iinterbyuhin upang sa ganun ay

mapaghahandahan nila ang mga ito.

Talatanungan

Ang talatanungan ay naglalaman ng mga maaring maging persepsyon ng mga

respondente tungkol sa aktuwal na karanasan ng isang estudyante. Ito rin ang

kadalasang ginagamit ng isang mananaliksik.

Istatistikal Tritment ng mga Datos

Hindi isasagawa ang pagtatangka sa paraang mataas at kompleks na

istatistikal sa pagsusuri ng mga datos sa pag-aaral na ito dahil ay isang panimulang

pag-aaral lamang at hindi isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad

ng thesis at disertasyon.

AB POLITICAL SCIENCE MARCH 2016


CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Ang aalamin lamang ng mga mananaliksik ay ang bilang o dami ng mga

pumili sa bawat aytem sa talatanungan. Ang pagtatali at pagkuha lamang ay kukunin

ng mga mananaliksik. Ang formula sa ibaba ay ang gagamitin ng mga mananaliksik

sa pagkuha ng porsyento at ang sumunod na formula ay ang pagkuha ng mean or

frequency of distribution :
a
X 100 Na kung saan :
P=
b a = bilang ng sagot
. b = bilang ng rspondente
P = porsyento

(x1) Na kung saan :


X= X = ang mean
N (x1) = bilang ng sagot
N = bilang ng respondente

AB POLITICAL SCIENCE MARCH 2016


CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Listahan ng mga Sanggunian

Internet

(http://kabataanpartylist.com/sangguniang-kabataan/)

(http://www.remate.ph/2012/06/sangguniang-kabataan/)

(http://kabataanpartylist.com/sangguniang-kabataan/)

AB POLITICAL SCIENCE MARCH 2016


CAGAYAN STATE UNIVERSITY COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

AB POLITICAL SCIENCE MARCH 2016

You might also like