You are on page 1of 16

Mga Ulat sa Pandaigdigang Ekonomiks at Pananalapi

Kabanata 8

Tugon sa Lagay ng Balanse ng mga Bayaring Internasyonal: Pagbabago


sa Presyo at Pagbabago sa Pambansang Kita11

Tereso S. Tullao, Jr., PhD

Pamantasan ng De La Salle-Maynila

2017
Introduksyon

Sa pag-uulat ng pakikipagkalakalan ng isang bansa, maaaring maging di


balanse ang BOP. Ang mga di timbang na kalagayan ng BOP ay
kadalasang tinatakpan ng mga pagbabago sa opisyal na transaksyon.
Subalit, ang pagtatakip mula sa mga opisyal na transaksyon ay may
hangganan at mga isinasakripisyong halaga. Dahil dito, humahanap ang
isang bansa ng iba pang pamamaraan upang matugunan ang di-balanseng
lagay ng BOP. Sa kabanatang ito ay tatalakayin natin ang dalawang
pangunahing tugon sa di balanseng lagay ng BOP. Ang una ay sa
pamamagitan ng pagbabago ng presyo o ang pagbabago sa palitan ng
salapi. Ang ikalawa ay natutungkol sa pagbabago sa gugulin at kita ng
ekonomiya.

1
Hango at isinalin mula sa Salvatore, Dominic, International Economics (11th
Edition, 2013), Chapters 16-17.
II.Mga Alternatibong Pagtugon sa Di-Balanseng Lagay ng BOP
Internasyonal

3.1. Mga Pagbabagong Transaksyon sa mga Kwenta sa Bayaring


Internasyonal

Ang deficit o netong daloy palabas ng mga yamang salapi sa


kwentang pangkasalukuyan ay dapat tugunan ng isang sarplas o netong
papasok na daloy ng mga yamang pananalapi sa kwentang kapital upang
matamo ang balanse sa bayaring internasyonal (BOP) ng isang bansa.
Kung ang bansa naman ay nakararanas ng sarplas o netong daloy
papasok ng mga yamang salapi sa kwentang pangkasalukuyan ito ay
dapat tapatan ng deficit o netong daloy palabas sa kwentang kapital upang
matamo ang balanse sa bayarin internasyonal (BOP). Kung ang deficit sa
kwentang pangkasalukuyang ay hindi lubusang mapopondohan ng sarplas
sa kwentang kapital magkakaroon ng pagbabago sa mga opisyal na
transaksyon sa balanse ng mga bayaring internasyonal.

Kasama sa pagbabago sa opisyal na transaksyon kapag ang BOP ay


nasa deficit ay ang pagbabawas sa istak ng reserba/laan ng internasyonal
na salapi sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanilang istak ng ginto o
paggamit sa kanilang alokasyon ng espesyal na kredito (SDR) mula sa
IMF upang maibsan ang di-timbang na lagay ng kanilang bayaring
internasyonal (BOP). Sa kabilang dako, kung ang sarplas sa kwentang
pangkasalukuyan ay hindi lubusang matatakpan ng deficit sa kwentang
kapital ang bansa ay magkakaroon ng karagdagang reserba ng
internasyonal na salapi, pagtaas ng istak ng ginto o pagtaas sa kanilang
alokasyon ng SDRs.
Kung pipiliin ng bansa na bawasan ang kanyang reserba ng salaping
internasyonal maaaring humarap ito sa panganib kayat hanggat maaari
ayaw nitong bawasan ang reserba nito. Matatandaan na isa sa mga
dahilan kung bakit hindi lubusang naapektuhan ng krisis pananalapi ang
Tsina noong 1997 ay bunga ng lawak ng laang salaping internasyonal ng
bansa.
3.2. Pagbabago sa Palitan ng Salapi

Ang deficit sa kwentang pangkasalukuyan ay maaari ring tugunan sa


pamamagitan ng depresasyon(debalwasyon) o pagbababa sa halaga ng
salaping domestiko relatibo sa dayuhang salapi. Bunga ng depresasyon
nagiging mura ang mga lokal na produkto sa bilihang internasyonal at
nagiging mahal naman ang mga produktong inaangkat sa bilihang
domestiko. Dahil dito inaasahan na ang depresasyon ng salapi ay
magpapataas sa iniluluwas ng bansa at pagpapababa sa inaangkat. Sa
kabilang dako, ang sarplas sa kwentang pangkasalukuyan ay maaari
namang tugunan sa apresasyon (rebalwasyon) o pagpapataas ng halaga
ng domestikong pananalapi.

3.2.1. Pananaw Ayon sa Elastisidad ng Kalakalan

Ang epekto ng pagbabago sa palitan ng salapi sa lagay ng BOP ay


tinatalakay ng tradisyonal na pamamaraan sa pagtatakda ng palitan ng
salapi ayon sa elastisidad ng kalakalan. Ipinagpapalagay nito na walang
malalayang pagdaloy sa mga pananalaping yaman. Ang mga daloy na ito
ay pumapasok lamang upang takpan ang anumang kakulangan sa daloy
ng kalakalan. Ipinagpapalagay din na ang anumang deficit sa kwentang
kalakalan o deficit sa BOP ay matutugunan ng pagbabago sa palitan ng
salapi sa rehimeng nagbabago ang palitan ng salapi, o ang debalwasyon
ayon sa takdang palitan ng salapi.

Ang bisa ng depresasyon ng salapi ay nakasalalay sa elastisidad ng


demand at suplay sa dayuhang salapi. Kapag elastiko ang demand at
suplay ng mga dayuhang salapi, mas maliit lamang ang kinakailangang
pagbabago sa palitan ng salapi upang takpan ang anumang di-balanseng
lagay ng mga bayaring internasyonal.

Sa Graph 1 makikita na sa palitan ng salapi na PHP30, mayroong


deficit sa BOP na ipinakikita ng linyang AB. Kung elastiko ang demand at
suplay sa dayuhang salapi kailangan lamang ng 33% depresasyon upang
takpan ang deficit. Ang palitan ng salapi ay aabot sa PHP40 bawat USD.
Samantala kung di-elastiko ang demand at suplay ng mga dayuhang salapi
kinakailangan ng 333% na depresasyon upang takpan ang deficit. Ang
palitan ng salapi ay aabot sa PHP100 bawat US dolyar.

Graph 1: Demand at Suplay for US Dollars

ER = PHP/USD SUSD

S
100

SUSD

H R
40 G

30
A B
DUSD
DUSD

0 USD
Samantala, ang demand ng bansa sa dayuhang salapi ay nakabatay
sa demand at suplay ng inaangkat na nakapresyo sa dayuhang salapi. Ang
depresasyon ay magpapaliit sa demand sa imports na mauuwi sa pagliit ng
sa demand sa dayuhang salapi. Samakatuwid, kung elastiko ang demand
sa imports nagiging elastiko rin ang demand sa dayuhang salapi. Tignan
ang Graph 2 at Graph 3 sa ibaba sa pagtatakda ng demand sa dayuhang
salapi.
Graph 2 : Demand at Suplay ng Inaangkat
USD
SX

E1
P1

E2
P2

DM DM

0 X2 X1
X

Graph 3: Demand sa USD


PHP

E2

E1

DUSD

0 VM VM USD
2 1
Sa kabilang dako, ang suplay sa dayuhang salapi ay naitatakda ng
demand at suplay ng iniluluwas na nakapresyo sa dayuhang salapi. Ang
depresasyon ay magpapataas sa suplay ng eksports. Ito ay mauuwi sa
pagbaba ng presyo ng eksports at pagtaas ng dami ng eksport. Kung
elastiko ang demand sa eksport mauuwi ito sa pagtaas ng suplay ng
dayuhang salapi. Bunga nito, ang kurba ng suplay ng dayuhang salapi ay
positibo. Kung ang demand sa ekport ay di-elastiko, ang depresasyon ay
mauuwi sa pagbaba ng suplay ng dayuhang salapi. Bunga nito ang kurba
ng demand sa dayuhang salapi ay nagiging negatibo. Tignan ang Graph 4
sa pagtatakda ng halaga ng eksports sa depresasyon ng piso. Samantala,
ang Graph 5 ay nagpapakita ng suplay ng dayuhang salapi bunga ng
elastiko demand at suplay ng eksport. Sa Graph 6 naman ay may
negatibong kiling ang suplay ng dayuhang salapi dahil di-elastiko ang
demand at suplay ng eksport.

Graph 4: Demand at Suplay ng Eksport


USD of Exports
SX

SX

E1
P1

E2
P2

DX

0 X1 X2
X
Graph 6
Graph 5
ER
ER
SUSD

SUSD
0 USD
0 USD

Elastiko: %P < %Q Di-elastiko : P > %Q


Halaga ng Eksport ay sa USD ay bababa
Halaga ng Eksport sa USD ay tataas

Ang kundisyon ng katatagan ng bilihan ng dayuhang salapi upang


tugunan ang di-balanseng kundisyon sa BOP ay inilahad sa kundisyon nina
Marshall at Lerner. Ayon sa kanila ang bilihan ng dayuhang salapi ay
matatag at matutugunan ang di-balanseng kundisyon ng BOP kung ang
absolutong halaga ng kabuuan ng elastisidad ng demand sa inaangkat at
iniluluwas ay mas mataas sa 1. Ito ay lumalabas kapag ang mga
elastisidad ng suplay sa inaangkat at inililuluwas ay walang hanggan o
infinite. Kung ang kabuuan ng dalawang elastidisidad sa demand ay 1, ang
pagbabago sa palitan ng salapi ay hindi magpapabago sa balanse ng
BOP. Samantala, kung ang kabuuan ng dalawang elastisidad sa demand
ay mababa sa 1, ang bilihan ng dayuhang salapi ay di matatag. Dahil dito
ang depresasyon ng salapi ay magpapalala sa halip na pagbabawas sa
deficit sa sa BOP.
Samakatuwid, ang bilihan ng dayuhang salapi ay matatag kung ang
kurba ng suplay ng dayuhang salapi ay may kiling na positibo, o kung may
kiling na negatibo ay kailangang mas matarik (di elastiko) ito kaysa kurba
ng demand sa dayuhang salapi. Tignan ang Graph 7. Kahit na negatibo
ang suplay ng dayuhang salapi, sa palitan ng salapi E1 mayroong deficit sa
BOP. Kapag nagkaroon ng depresasyon ng PH piso sa E2 nababawasan
ang deficit. Samakatuwid, ang depresasyon ay maaaring magtakip sa
deficit ng BOP.
Graph 7: Demand at Suplay ng USD
Negatibo Kurba ng Suplay (Matatag)

PHP/USD

E2

E1

SUSD DUSD

0 USD
Graph 8: Demand at Suplay ng USD
Negatibo ang Kurba ng Suplay
(Di-Matatag)
PHP/USD

E2
E1

SUSD

DUSD
0 USD

Samantala, kapag mas matarik ang demand sa dayuhang salapi


kaysa negatibong suplay ng dayuhang salapi na ipinakikita sa Graph 8
makikita na ang bilihang ng dayuhang salapi ay hindi matatag. Sa palitan
ng salapi E1 mayroon deficit. Kapag nagkaroon ng depresasyon ng PH piso
sa E2 lalong lumalala ang deficit. Dahil dito, ang depresasyon ay
nagpapalala sa deficit sa BOP.

May pagkakataon na ang depresasyon ay makapagpapalala sa


deficit ng BOP bago ito tuluyang takpan ang deficit. Ito ang tinatawag na
kurbang J. Ang disekilibriyo sa kwentang pangkasalukuyan ay tumutugon
sa mahabang panahon at hindi agaran sa pagbabago ng palitan ng salapi.
Sinasabing di lubos ang epekto ng depresasyon sa presyo ng mga
inaangkat kayat nauuwi ito sa paglala ng deficit kapag nagkaroon ng
depresasyon. Isa sa mga dahilan kung bakit napakataas ng sarplas sa
BOP ng Tsina ay ang mababang halaga ng salapi nito. Ayon kay Rogoff
(2007) kasama sina Kim at Yang (2008) ang malaking fleksibilidad sa
palitan ng salapi ng mga salapi sa Asya ay maaaring makatulong bawasan
ang mga di-balanseng sitwasyon sa BOP ng Estados Unidos at Tsina.
Naglahad naman si Cooper (2006) ng dalawang argumento upang itumpak
ang halaga ng salapi ng Tsina. Una, ito ay makakatulong sa pagbabawas
ng pandaigdigang dis-ekilibriyo sa mga bayaring internasyonal. Pangalawa,
ito ay makatutulong upang maiwasan ang mga kalabisan bunga ng mabilis
na paglaki ng ekonomiya ng Tsina. Ikatlo, ang mas malawak na
fleksibilidad sa pananalapi sa harap ng mga biglaang pagbabagong
ekonomiko ay maaaring makamtan mula sa rehimeng madaling nababago
ang palitan ng salapi. (Kim at Yang, 2008) .

Subalit ang tunay na apresasyon ng salaping Tsino ay maaaring


magtuloy sa implasyon dahil ito ay magpasimula ng mga ekonomikong
gawain sa loob ng bansa (Kim at Yang, 2008). Nagbabala rin si Rogoff
(2007) na ang pagtugon sa di-timbang ng sitwasyon sa bayaring
internasyonal ng mga bansa ay di dapat ituon sa malayang pagbabago sa
palitan ng salapi ngunit sa pagbabago sa pag-iimpok at pangangapital.
Ayon naman kina Devereux at Genberg (2007) maaaring ang apresasyon
ng salapi ng Tsina ay lalong magbibigay ng sarplas sa kwentang
pangkasalukuyan sa harap ng mabang elastisidad sa kalakalan at
pinabababa lamang nito ng hanggang 1.5 porsyento ang balanse ng
kwentang pangkasalukuyang kung mayroon namang mataas na
koepisyente ang elastisidad ng kalakalan.
3.3. Pagbabago sa Pambansang Kita

Sa isang payak na ekonomiya, ang balanse sa kwentang


pangkasalukuyan ay ipinakikita ng pagpapantay ng eksport (X) sa halaga
ng inaangkat (M). Dahil ipinagpapalagay na ang inaangkat ay may
positibong relasyon pambansang kita (Y) samantalang ang eksport ay
malayang itinatakda. Ang deficit sa BOP ay nangyayari sa mataas na kita
(Y) na nagpapataas sa inaangkat (M) samantalang hindi nagbabago ang
eksports. Tignan ang ang graph 18.6 sa ibaba.

Upang maibalik sa ekilibriyo ang BOP, kinakailangang bawasan ang


gugulin na magpapababa sa pambansang kita at magpapababa rin sa
inaangkat. Tignan ang graph 18.7 sa ibaba.
Sa pagtugon sa pagpapantay ng X at M sa puntong J na tinatawag
nating balanseng eksternal ang pambansang kita Y1 ay mababa sa
potensyal na pambansang kita Y2 . Dahil dito, hindi natutugunan ang
balanseng internal ng bansa. Kung ang balanseng internay ang aatupagin
ng pamahalaan at itaas ang gugulin na magkakaroon ng pagpapantay ng
pambansang kita sa pambansang gugulin sa puntong A, nagkakaroon
naman ng deficit sa balanseng eksternal. Dahil dito, kinakailangan ng isang
pamamaraan na tutugon sa dalawang layunin ng ekonomiya.
3.3.1. Pagbabago sa mga Domestikong Gugulin

Ang pamamaraan ng domestikong absorption/gugulin sa pagtugon sa


di-balanseng lagay ng BOP ay ang pagsasama ng pagbabago ng presyo at
pagbabago sa gugulin. Tinutugunan din nito ang dalawang layuning ng
balanseng internal at balanseng eksternal. Halimbawa, sa puntong J ang
ekonomiya ay nakararanas ng balanseng internal ngunit malawak naman
ang desempleo dahil ang ekilibriyong pambansang kita Y1 ay mababa sa
pambansang kita na may ganap na empleo Y2. Ang pagtugon sa
desempleo sa pamamagitan ng pagpapataas ng gugulin sa tungo sa Y2 ay
magdudulot naman ng deficit sa BOP o di balanseng eksternal.

Upang matugunan ang dalawang layuning ito, kinakailangan ang


depresasyon ng salapi. Ang depresasyon ay magpapataas sa pambansang
kita dahil nagpapataas ng eksports at kahaliling inaangkat upang tumungo
sa pambansang kita Y2. Samantala, ang depresasyon ay magpapataas din
ng inaangkat na maaaring mauuwi sa deficit sa BOP. Ngunit ito ay
tinatakpan ng pagtaas ng eksports bunga ng depresasyon. Dahil dito, sa
pambansang kita Y2 ang dalawang layunin ang natutugunan. Una,
nagkakaroon ng balanseng internal dahil ang pambansang kita (Y) ay
pumapantay sa pambansang gugulin (Z). Ikalawa, nagkakaroon din ng
balanseng eksternal dahil ang eksport (X) ay pumapantay sa inaaangkat
(M). Tignan ang Graph 18.8 sa ibaba upang makita ang pagtugon sa
balanseng internal at balanseng eksternal.
Ang mga deficit sa kwentang pangkasalukuyan ay nagpapahiwatig
din na sobra ang domestikong gugulin na hindi kayang punan ng
domestikong produksyon. Sa ganitong sitwasyon kinakailangang bawasan
ang domestikong gugulin kasama ang pagkonsumo sa pamamagitan ng
pagtataas ng buwis, pangangapital sa pamamagitan ng pagpapairal ng
mataas na porsyento ng interes, at ang guguling pampamahalan sa
pamamagitan ng pagbabawas ng deficit ng pamahalaan at pagtatanghal ng
sarplas sa badyet. Sa kabilang dako, ang sarplas sa kwentang
pangkasalukuyang kwentang sarplas ay nagpapahiwatig na may
kakulangan ang domestikong gugulin kung ihahambing sa domestikong
produksyon. Sa ganitong sitwasyon kakailanganing palawakin ang
domestikong pagkonsumo sa pamamagitan ng pagbababa ng mga buwis,
pangangapital sa pamamagitan ng mababang antas ng interes, at mga
guguling pampamahalaan,

Ang patakarang fiscal na nagpapaliit ng gugulin ay isang opsyon


upang palamigin ang sobrang umiinit na ekonomiya habang may epekto ito
tulad ng mahigpit na patakarang pananalapi ngunit walang karagdagang
papasok na daloy ng kapital at apresasyon sa palitan ng salapi (Kim at
Yang, 2008). Ipinanukala ni Salvatore (2007) na ang deficit sa Estados
Unidos ay maaaring bawasan sa pamamagitan ng papaliit na patakarang
fiskal at ang mga sarplas ng Tsina ay bawasan sa pamamagitan ng
mapagpalawak na patakarang fiskal. Ang mga ganitong patakaran kasabay
ng pagrerestruktura ng ibang mga ekonomiya tulad ng mga bansang
Hapon at Europa ay kayang ibalanse ang mga kwentang pangkasalukuyan
ng mga ekonomiyang nabanggit (Salvatore, 2007). Sumasang-ayon sina
Devereux at Genberg (2007) na ang patakarang fiskal ay isang epektibong
pamamaraan sa pagbabalanse sa BOP at kung ihahambing sa isang
nominal na pagbabago sa antas ng palitan ng salapi dahil ay hindi ito
gaanong naaapektuhan ng mga elastisidad sa kalakalan sa pagitan ng
dalawang bansa. Subalit nagbabala si Salvatore (2007) na mag-ingat sa
paggamit ng patakarang fiscal dahil ang malawak na pagbabawas ng
gugulin ng isang bansa ay may epekto sa ibang bansa na magbubunga ng
mabagal na paglaki at bawasan ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa.
Sa relasyong Estados Unidos at Tsina, minungkahi nina Eichengreen at
Park (2006) ang sabayang pagbabago sa gugulin upang tugunan ang di-
timbang na BOP sa pagitan ng dalawang bansa. Sa pagbabawas ng
gugulin ng Estados Unidos mababawasan nito ang kanyang deficit sa
BOP. Sa kabilang dako, ang Tsina ay dapat palawakin ang kanyang
domestikong gugulin upang matugunan ang lumolobong sarplas at
mapunan ang pagbabawas ng Estados Unidos sa demand nito sa
produktong Tsino.

You might also like