BANGHAY SA PAGTUTURO SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 7
DATE: June 05, 2017
NILLAS, FUENTES, EGERA
SUBJECT: ARALING PANLIPUNAN
I. LAYUNIN (OBJECTIVES):
K- Nailalarawan ang bawat sarili, alituntunin, gabay, bahaging ginagampanan at
karapatan sa paaralan at silid-aralan.
S- Nakapag-uulat sa bawat sarili, alituntunin, gabay, bahaging ginagampanan at
karapatan sa paaralan at silid-aralan.
lands. A-Napapahalagahan ang bawat sarili, alituntunin, gabay, bahaging
ginagampanan at karapatan sa paaralan at silid-aralan.
NILALAMAN (SUBJECT MATTER):
Paksa: Oryentasyon sa Unang Araw ng Pasukan
Mga Kagamitan: Ballpen, Papel, Attendance Sheet
II. PAMAMARAAN (PROCEDURE):
A. Preliminary Activities 1. Panalangin 2. Pagbati 3. Pagpapakilala 4. Checking of attendance
B. During Lesson Procedure:
(Pagbasa ng Maikling Kwento : BAKIT SI MAYA ANG NAPILI? na may
kaugnayan sa kaugalian at tungkulin)
C. Presentation
PANAYAM NA PAMAMARAAN (LECTURE METHOD)
1. Pagpapahayag sa karapatan ng bawat mag-aaral tungkol sa pagka
pantay-pantay sa loob ng silid-aralan. 2. Pagpapaliwanag sa mga alituntunin at gabay ng paaralan at silid- aralan gaya ng wasto at akmang suot pampaaralan, pagpasok sa tamang oras at pag-iwas sa pagliban ng klase. 3. Pagpapahalaga sa mga bahaging ginagampanan sa paaralan at silid- aralan gaya ng malinis na silid-aralan at paaralan, wastong ayos ng mga gamit sa silid-aralan at kaugaliang nararapat.
III. EBALWASYON (ASSESSMENT):
1.) Anu-ano ang mga alituntuning inyong natutunan at isasabuhay sa loob
ng silid- aralan at paaralan? 2.) Bakit mahalaga ang pagkapantay-pantay sa bawat-isa? 3.) Sino ang pinaka paborito mong tauhan sa kwentong Bakit si Maya ang Napili? Ipaliwanag
V.TAKDANG ARALIN (ASSIGNMENT):
Pag-aralan at Alamin ang susunod na talakayan tungkol sa Katangiang Pisikal ng Asya
Asya: Pag-Usbong ng Kabihasnan nina Grace Estela C. Mateo, Ph.D et.al.