You are on page 1of 5

CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)

CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING


I. PAMAGAT: REHIYONALISMONG ASYA

II. LAYUNIN: Pagkatapos ng talakayan ng buong yunit, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

naipaliwanag ang kahulugan at konsepto ng rehiyonalismong asya;


naihahambing ang rehiyonalismo sa globalisasyon;
natutukoy ang mga salik tungo sa malawakang integrasyon rehiyolanismong
asya;
nailalarawan ang sistema na mayroon sa pandaigdigang lipunan.

III. INTRODUKSYON:

Ang rehiyonalismong asya ay ang akselarasyon ng globalisasyon ay binibigyan


ng depinisyon bilang pandaigdigang integrasyon na kinabibilangan ng ekonomiks,
political, sosyal, at kultura na aspeto. Ito ay ang pagsama-sama mula sa impluwensya
ng Asya bilang pandaigdigang pagtutulungan at pagkakaisa. Wala sa dalawang
proseso ay buo o tiyak, ang bawat isa ay may ibat-ibang elemento at di-tiyak na
pangyayari. Pero ayon sa mga ibinigay na malawakang direksyon, ito ay tumutuklas ng
relasyon sa pagitan ng proseso ng globalisasyon at ang rehiyon ng Pasipikong Asya at
Timog Asya.

Ito ay nagpapakilala ng balangkas kasabay ng tatlong trajectories, ang rehiyon


na naaapektuhan ng globalisasyon, ang rehiyon na tumutugon para sa pag-unlad at
maging globalisado at ang rehiyon bilang alternatibo tungo sa globalisasyon. Ang
tatlong inerekomendang konseptong ito ay alinmay hindi kompleto ni hindi ganap na
malinaw. Sa halip, ito ay nagpapakita ng ibat-ibang paraan na maaari nating isipin
tungkol sa proseso ng globalisasyon mula sa perspektibong rehiyonal.

Ang terminong asya ay galing sa ancient Greek na salita na kumakategorya sa


daigdig sa tatlong kontinente, Europe, Africa, ay Asia. Ang Asya ay isang rehiyon na
may kahulugang externally sa halip na within. Ang tiyak na hangganan ng Asya ay
47
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
itinuring na kontensyon sapagkat ang insepyon at demarkasyon nito ay madalas na
kinabibilangan ng kultural at political na aspeto sa halip na isang tiyak o klarong
heograpikal na rasyonale.

Ang pinakabago at hindi masyadong tiyak na lebel pangrehiyunal ay ang


Pasipikong Asya o Asia Pacific. Ito ay tumutukoy sa malawak na bahagi ng daigdig sa
loob o sa buong Asya at sa Karagatan Pasipiko. Sa tipikal na pananaw, ito ay
sinamahan ng estado sa Silangang Asya, Timog-Asya ng Asya at Oceania. Minsan, ito
rin ay tumutukoy sa pantay at malawak na bahagi bilang ebidenysa na rehiyonal na
pangkat, APEC (Asia Pacific Economic Cooperation), kabilang ang ekonomiya ng
Pacific Rim katulad ng Canada, Estados Unidos, Chile, Mexico, at Peru. Minsan
kabilang sa Pasipikong Asya ang Timog Asya at ang Sentral Asya kahit minsan hindi ito
kasali. Ang Pasiko na parte ng Asya Pasipiko kadalasan ay tumutukoy sa mga Isla ng
Pasipiko o Ocenia, ang grupo ng mga isla ng Melanesia, Micronesia, at Polynesia.

Ang layunin ng konseptong ito ay ang Pasipikong Asya at Timog Asya na


nagpapahiwatig ng pagkakaisa ng mga rehiyon ng Silangan ( o Hilagang-Silangang)
Asya, Timog-Silangang Asya, ang Islang Pasipiko at Timog Asya. Dagdag pa sa ibat-
ibang lenggwahe at kultura, ang baryasyon ng estado at mga tao sa rehiyong ito ay
malawak. Kasali rin dito ang ilan sa mga estado na may pinakadebelop na ekonomiya
sa buong daigdig katulad ng Japan, South Korea, Singapore, at Taiwan at mga
bansang patuloy na nag-iimprove katulad ng Cambodia, Laos, at Nepal. Kasama na rito
ang malawak at mataong estado ng daigdig tulad ng China at India at yaong mga bansa
na may maliit lng ng populasyon tulad ng Maldives at Bhutan. Ang bansa sa rehiyon ay
nagkakaiba rin ayon sa heograpiya, sistema ng politika, karanasan sa kasaysayan at
malawak na karakteristiks sa demograpiya

48
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
IV. PAGTALAKAY:

Ang Panlabas na Pananaw ng Globalisasyon

Ang globalisasyon ng Asya Pasipiko at Timog Asya ay ang panlabas na


penomenon na tinutulak tungo sa rehiyon ng makapayarihang bansa partikular na dito
ang Estados Unidos at Europa. Mula sa perspektibo, ang globalisasyon ay isang
proseso na nagpapabago ng Asya Pasipiko at Timog Asya. Sa kabilang dako, ito ay
makikita bilang pagkakaisa sa kabutihan sa debelopment ng ekonomiya, politikal na
pag-unlad, at ang pagkakaiba-iba ng sosyal at kultura sa bawat rehiyon. Ang iba ay
tinatanaw ito bilang isang madilim na epekto ng globalisasyon kasama na rito ang
tungkulin ng underdebelop na ekonomiya at ang pag-alis ng lokal na tradisyon at
kultura.

Isa sa mga manipestasyon ng panlabas na diskorso ay ang pagkakaisa mula sa


narratibong historikal tungkol sa pagdating ng mga taga Kanluran patungo sa Asyang
Pasipiko at Timog Asya. Ayon sa ganitong pananaw, ang teknolohiya at industriya ay
mas umangat sa kapangyarihan ng mga kanluranin at nakitaan nito ang daan tungo sa
rehiyon at ang alternatibong dominance sa ekonomiya at politika. Ang kapanyarihan ng
mga taga kanluranin ay umiral sa ibat ibang kadahilanan, ang hanay mula sa
kapaligiran at ekolohikal na adbentaha tungo sa sosyal, politikal at kultural na
karakteristiks.

Ang kolonyalismo at dominasyon ay may pagkakaiba-iba pareho sa panahon at


lugar. Si JS Furnivall ay gumawa ng distinksyon sa pagitan ng tiyak na colonial na
pamumuno sa pamamagitan ng kolonyal na administrador at ang di-direkta na
pamumuno kahit na sila ay mga katutubong administrador (Furnivall, 1956). Depende
sa konteksto, ang ilan sa mga lokal na mamumuno ay dinidepose ngunit sa kabilang
banda ang kolonyal na kapangyarihan ay bumuo ng mga liders, formed alliances, at
humarap sa makabuluhang resistance. Sa kabila ng pagkakaiba-iba, ang
transpormasyon at kolonyalismo na dinala sa mga rehiyon ay di-dapat balewalain. Ang

49
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
mga Europeans ay nagdala ng bagong kasanayang pang-ekonomiya, ang paniniwala
sa relihiyon, ang pagpapahala sa kultura, at istruktura ng politika na
nagkapagpapabago sa rehiyon.

Ang Rehiyolanismo at Regionalisasyon

Ang rehiyon: ang grupo ng ibat ibang bansa sa parehong heograpikal na


lugar.

Ang rehiyonalisasyon: ang intergrasyon ng lipunan at ang madalas na di-


direktang proseso ng sosyal at ekonomikal na interkasyon.

Ang rehiyonalismo na may pormal na proseso sa intergovernmental na


kolaborasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang senado.

Ang rehiyonalismo ay ang grupo ng mga aktibidades na dala galing sa mga


estado na sakop ng rehiyon habang ang regionalisasyon ay may kaunti
lamang na proseso kung saan ito ang kinalalabasan ng ibat ibang patakaran
ng estado.

Globalisasyon: Ang termino na ginagamit sa pagpapaliwanag, nagpapatunay


at nagbabakasakali sa mabilis na paglago at nag intensipikasyon ng
relasyong sosyal sa buong mundo. (Steger, 2013)

50
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
V. EBALWASYON/PAGTATAYA:

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na nakasulat sa ibaba at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan sa isang buong papel.

1. Ano ano ang tatlong perspektibong pag-uunawa sa relasyon ng globalisasyon at


Pasipikong Asya at Silangang Asya?
2. Ibigay ang tungkulin sa pagbuo ng rehiyon- ang hybridization ng Asya.
3. Ano ano ang epekto ng globalisasyon sa mga mangagawa ng Asya at ang
kanilang kultura?

VI. MGA SANGGUNIAN:

Anderson B (1991) Imagined Communities: Refelctions and the origins and


spread of Nationalism. London: Verso Press.

Anderson B (2007) Under Three Flags: Anarchism and the Anti-Colonial


Imagination. London: Verso

Barber B (1996) Jihad vs. Mcworld: How Globalism and Tribalism are
Reshaping the World. New York: Ballentine Books.

Clinton, H. (2011) Americas Pacific Century. Foreign Policy 189(1): 56-63

Diamond JM (1998) Guns, Germs, and Steel: The Fates of Human Societies
New York: WW Norton and Company.

51

You might also like