You are on page 1of 1

PANIMULA

Ang pag-aasawa ng maaga ay ang pag-aasawa ng walang hustong gulang. Marami ngayon na tao
ang napapabilang sa maagang pag-aasawa dahil sa kapabayaan ng kanilang magulang. Ang iba
ay nabubuntis muna at saka magplapaplanong magpakasal na. Dahil sa maraming nag-aasawa
ng maaga lalo ngayon dumadami ang mahirap na pamilya, dahil sa bata pa wala pa silang
permanenteng trabaho, kaya ang iba ay naghihiwalay din sila sa hirap ng buhay.

Siguro nga hindi natin lubos maisip sapagkat may kani-kaniyang suliranin ang bawat pamilya,
kayat hindi nating pinagtutuunan ng pansin ang ganitong problema ng ating bayan. Iniisip ng
iilang mga kabataan ng masarap, Masaya, kapag ginawa nila ang mga bagay na ang tanging mag
asawa lamang ang gumagawa nito. Oo ngat masarap pakiramdam mo na nasa langit ka subalit
kapag nariyan na ang responsibilidad ng isang inat isang ama saka lamang nila mauunawaan
ang pagkakamali na kanilang ginawa.

Ang pag-aasawa ay hindi isang uri ng laro dapat ito ay pag-iisipan ng mabuti. Nandyan na ang
pag-iisip ng mga kapalit na consequences kapag ikaw ay nag-asawa ng maaga. Marami kang
isasakripisyo tulad ng iyong pag-aaral. Lagi lang nating isipin na hindi natin kailangan
magmadali.

Unahin ang mga pangarap at dapat magkaroon tayo ng mga bagay na ating ipaprayoridad upang
mas maisa-ayos ang ating buhay at kinabukasan. ang pagsisisi ay laging nasa bandang huli
kaya dapat mag-isip muna bago gumawa ng mga hakbang sa ating buhay.

You might also like