You are on page 1of 3

Kabanata I

SULIRANIN AT SAKLAW NG PAG-AARAL

RASYONAL

Kung may bagay na pinakamahalaga at pinakamakapangyarihan sa daigdig, itoy

hindi bat and edukasyon? Ayon sa kasabihang, And edukasyon ay susi sa tagumpay,

mahihinuna na maaring magkakaroon sila ng malawak na kaalaman kung saan ay

magagamit nila upang makatulong sa karamihan. Ito rin ay mahalagang sangkap

patungo sa magandang kinabukasan ng isang mag-aaral.

Ngunit ano nga ba ang edukasyon? Akto ito o proseso sa pagtuturo ng isang tao

lalo na kung siya ay nasa paaralan, kolehiyo, o unibersidad. Ito ay ang pagtamo ng

karunungan, kakayahan, moral na kalidad, paniniwawala, at kagawian. Sa kabuuan, ito

ay ang pagbibigay o pagpulot ng pangkalahatang kaalaman.

Iba-iba ang katangian at ugali ng mga kabataan na nag-aaral sa ngayon, kung

kayat iba-iba rin ang paraan ng mga ito patungkol sa kani-kanilang mga asignatura;

ang dahilan nito ay ang mga sumusunod: impluwensya ng mga kapwa kamag-aral,

kawalan ng oras at interes sa pag-aaral at hindi naaayon na paraan ng pag-aaraal.

Dahil sa kagustuhan ng mga mananaliksik na makatulong sa mga estudyante na

ma-iangat ang kanilang marka, nilalayon ng pag-aaral na ito na makapagbigay ng ibat-

ibang alternatibong estratehiya sa pag-aaral o epektibong study habit na naangkop sa

kanilang sarili.
Ang pagkakaroon ng estratehiya sa pag-aaral ay nakakatulong upang masulit at

mapakinabangan ang mga natutunan sa proseso ng pag-aaral. Ngunit may ibat-ibang

paraan ang bawat tao sa kanilang pagkatuto. Sa teknikal na pananaw, ang estilo ng

pagkatuto ng bawat indibidwal ay nakabasi sa nakagawiang paraan kung paano nila

tinatanggap, pino-proseso, inuunawa, at pinapanatili ang impormasyon.

Ayon kay Annie Murphie Paul (2012), sa kanyang article na Do Students Really

Have Different Learning Styles? laganap na pinaniniwalaan na ang bawat estudyante

ay may kanya-kanyang paraan kung saan mas mabisa silang natututo. Ito ay maaring

sa pamamagitan ng viswal, pandinig, at iba pa.

Ayon din kay Justin Ferriman (2013), sa kanyang article na pinamagatang 7

Major Learning Styles Which One Are You? ang mga tao ay natututo sa ibat ibang

paraan. Sa paglipas ng panahon, ito ay nakakategorya sa tatlong pamantayan: visual,

physical (learn-by-doing), o audible.

May mga taong alam na kung ano ang pinaka-epektibong estratehiya na

gagamitin sa kanilang pag-aaral, halos sa lahat ng pagkakataon ay sila yung mga taong

nasa unahan ng listahan sa mga top students. Subalit hindi masasabing kung ano ang

ginamit nilang estratehiya sa pag-aaral ay epektibo sa lahat. Importanteng malaman ng

bawat estudyante ang learning style na naaayon sa kanila upang maisakatuparan ang

pinaka epektibong estratehiya sa pag-aaral.

Dahil dito, napag-isipan ni Harvard Professor of Education, Howard Gardner na

ang isang tao ay may pitong iba-ibang intelligence centers, ang mga ito ay

ang: Linguistic Intelligence, Logical-Mathematical Intelligence, Visual-Spatial


Intelligence, Bodily-Kinesthetic Intelligence, Musical Intelligence, Interpersonal

Intelligence atIntrapersonal Intelligence.Karagdagan pa rito ay ang anim nalearning

styles na Auditory, Group, Individual, Kinesthetic, Tactile at Visual.

Madami talagang learning styles na maaaring gamitin upang malaman ng mga

mag-aaral ang paraan kung saan sila naaangkop at mas nababagay.

You might also like