You are on page 1of 1

Isang gabi sa bisperas ng pasko, nagtungo ako sa kakahuyan ang nais ay maghukay.

Habang aking
pinag ipinagpapatuloy ang paghuhukay, sa di kalayuan ay naramdaman ko ang presensiya ng isang ginoo. Di
tiyak ang kanyang layunin. Habang siya ay papalapit, unti-unti kong hinugot ang aking baril at itunutok sa
paparating na ginoo. Nang halos malapit na ang ginoo, aking natanaw ang kanyang mukha. Nasa harap ko
ang isang binata.

Nagpakilala ang binata at sinabing Ginoo, labis ko pong ipinagpapasalamat ang inyong pagtulong sa
oras ng aking pagpipighati. Akoy lumapit at sinabing Basilio, marami kang nalalaman na maaaring aking
ikapahamak at ikasawi ng aking balak. Sa aking isipan ay dapat paslangin ang binatang ito sapagkat maaari
niyang maikalat ang aking lihim na maaaring makasira sa aking hangad. Ngunit hindo ko ipagpapatuloy at
pagsisisihan dahil kilala ko ang kanyang pagkatao. Tumango ako sa binata at ikinuwento ko ang aking
pagkatao at inaming Oo ako at si Ibarra ay iisa. Ikinuwento ko ang aking pagpapayaman at ang paglilibot ko sa
ibat ibang lugar sa mundo at muling nagbalik upang tanggalin ang maling pamamaraan ng simbahan sa mga
taong naaapi sa pamamagitan ng paghihimagsik. At sa inyong balak na pagpapatayo ng paaralan sa
kadahilanang maari itong ipagbuklod ng mga tao tulad sa Timog Amerika?

Ang wikang kastila kalian man ay hindi magiging wikang pangkalahatan sa bayang ito sapagkat sa
kanyang isip at sa kanyang puso ay walang akmang pananalita sa wikang iyan. Iilan lamang ang
nakakapagsalita ng wikang kastila. At ang iilang tao ay mawawalan ng sariling kakayahan , magpapailalim sa
ibang utak at magpapaalipin. At dahil diyan, hindi na magsusulat ang mga Pilipino sa sariling wika at ang mga
iba ay magpapanggap na hindi alam magsalita at umunawa ng sariling wika.

Nais ko sanang sabihin kina Makaraig at Isagani ang aking layunin ngunit baka hindi sila makinig. Nais
ko rin sana silang paslangin. At sa mga kabataang nagaaksaya ng panahon sa pag-aaral ng wikang kastila,Sa
aking pagkakaalam, ang kahihinatnan ng kanilang pag-aaral ng wikang kastila ay masasayang lang.

Dahil diyan, hindi ako susuko at ipapapatuloy ko ang aking mga balak dahil nag-aaksaya lamang ng
oras ang mga taong nag-aaral ng wikang kastila. Nang dahil diyan ay binigyan lamang nila na magkaroon sa
pwesto ang mga kastila at maging sunod-sunuran lang ang mga Pilipino.

Ayaw ituro ang wikang kastila? Hayaan naating magkaroon tayo ng katutubong wika upang
magkaroon tayo ng pagkakaisa sa sarili nating bansa at huwag nating hayaan na ang kastila ang mamuno rito.
Napa buntong hininga na lamang si Basilio kahit hindi siya parte ng pamahalaan. Siya ay lumagda sa
kahilingan ukol sa paaralan ng wikang kastila dahil naisip niya na mabuti ang kahihinatnan nito at magagamot
ang sakit ng bayan.

Sa aking pananaw ang sakit ng bayan ang siyang nangangailangan ng gamot. Walang halaga ang
buhay kung hindi ito nauukol sa isang dakilang layunin. Parang isang bato sa linang sa halip ay ginamit sa
gusali.

Nauwi sa kadakilaan ang aming pag-uusap. Sabin g binata Ang karunungan ay panghabangpanahon,
makatao at pandaigdig. Sa loob ng ilang daantaon, kapag ang sangkatauhan ay tumalino na, lahat ng bayan
ay malaya at wala nang mang-aalipin at napaaalipin, iisa na ang katarungan sa daigdig at ang tanging layunin
ng tao ay pagkakamit ng karunungan.

Sumagot ako. Upang makaabot sa kalagayang sinasabi mo, ang daigdig ay kailangan munang lumaya .
Pangarap lang ang iyong ibig. Ang kadakilaan ng tao ay di magagawa sa pagpapauna sa kanyang panahon
kundi nasa pagtugon sa kanyang pangangailangan at hangarin sa pag-unlad.

You might also like