You are on page 1of 2

Oktubre 15, 2013 8:12 am.

Ito yung araw na hindi mo inaakalang makapagbago sa


buhay mo. Na may isang panganib na mangyayari sa hindi inaasahang panahon. Isang
panganib na nagbukas sa aming mga mata at pumukaw sa aming tulog na realisasyong
malapit na ang katapusan ng ating mundo.

Oktubre 14, 2013 Kagagaling ko lang sa ospital dahil nagkaroon ako ng lagnat. Sa
ayaw ko man o sa gusto ay napilit akong pumasok sa paaralan dahil naka-iskedyul ang
aming pasulit sa ikalawang markahan sa Oktubre 16-18. Kinakailangan ko pang
kumopya ng mga notes at coverage para may mapag-aralan ako. Mabuti ngang walang
pasok bukas dahil idineklara ng pangulo na ang Eidul Adha o Feast of Sacrifice ng mga
muslim ay isang regular holiday. Gumising ako ng 6:00 am, nagdasal ako at
nagpasalamat sa Diyos na mabuti na yung pakiramdam ko, kumain ng almusal kasama
sina mama at lola at nagsimulang i-scan ang mga pahina ng aking chemistry na notes
sa sala habang nanood ng telebisyon. Ngunit, biglang nawala yung kuryente at may
narinig kaming dumadagundog sa ilalim ng lupa at iyon namin nalaman na may lindol!
Agad-agad kaming nagsilabasan at pumunta sa aming bakuran sabay ang pagyakap ng
mahigpit ng aking ina sa aming dalawa ng aking kapatid. Parang wala ako sa aking
sarili, gusto ko ring umiyak dahil may sakit pa ako ngunit nanatili akong matatag. Kahit
sa pagyanig ng lupa ay nanatili kaming nakatayo ni walang tsinelas dahil sa kabilis ng
pangyayari. Tanging Tulong! In Jesus Name! at Tabang San Vicente Ferrer!
lamang ang lumalabas sa aming mga bibig dahil sa takot na baka ito na ang katapusan.
Sa wakas, huminto na ang lindol at lumabas kami sa aming gate upang mag-evacuate
kahit wala kaming dala ni isang damit. Tumawag ang mga pinsan ko na pupunta sila sa
bundok dahil baka may tsunami. Halos lahat ng aming kapitbahay ay nagsipuntahan sa
kabundukan malapit sa aming bahay. Sumunod kami at nakiangkas sa aming tiyahin
papunta sa kanilang farm sa bundok. Nandoon lahat ang aking mga pinsan at kamag-
anak. Tandaan na sa bawat oras ay yayanig muli yung lupa dahil sa aftershock kaya
hindi pa rin kami panatag. Napagdesisyunan ng aming pamilya na doon muna kami
titira upang mabantayan ang bawat isa sa amin na walang humiwalay sa aming
paningin at hanggat sa pwede na kaming babalik sa aming bahay. Limang araw
kaming nanatili sa farm. May pagkain naman kami dahil binigyan kami ng relief goods at
malinis na tubig para inumin. Nagdadasal kami ng rosaryo bawat gabi bago matutulog
sa ilalim ng mga puno dahil maliit lamang yung bahay sa farm kayat nagtayo lang kami
ng maliit na barung-barong na sapat sa aming pamilya, yung iba naman ay natutulog sa
kanilang mga sasakyan. Hindi madali ang matutulog sa lupa dahil mas mararamdaman
mo ang pagyanig ng mga aftershocks dagdagan pa ng pagbuhos ng maliking ulan sa
mga unang araw namin sa farm. Tiniis naming ang hirap at takot bawat araw, bawat
gabi na sana ay sa paggising naming sa kinaumagahan ay hihina na itong mga
paglilindol. Dumating na yung araw na pwede na kaming babalik sa aming mga bahay.
Nagpapasalamat kami dahil walang nasira sa aming bahay kundi mga plato at baso
lamang at walang isa sa amin ang nasaktan o di kaya ay namatay. Nagligpit kami ng
mga bagay na pwede pang magamit o hindi. Takot pa rin kaming pumasok sa aming
bahay kayat sa labas lang kami natutulog kasama ang buong pamilya. Masaya kahit
hindi pa lubos na manumbalik ang aming sigla. Nagtatawanan, nagkukwentuhan at
nagdadasalan ng sabay-sabay sa ilalim ng libo-libong mga tala sa kalangitan.
Nagsimula ulit kami sa umpisa. Bawat araw ay bumabangon ng konti-konti at
hanggang ngayon, pagkalipas ng 3 taon ay babalik at babalik pa rin ang mga
aftershocks kayat palagi lang kaming alerto at handang harapin ang anumang
pagsubok na sasalubong sa amin.

Hindi talaga maiiwasan ang takot, kaba at trauma lalung-lalo na sa mga sakunang
katulad ng lindol na hindi katulad ng isang bagyo ay inaanunsyo ito sa mga tao upang
silay maghanda. Hindi, hindi sa sitwasyon ng isang lindol. Katulad lang ito sa mga
problema na haharap sa atin, hindi natin alam kung kalian o saan ito darating bastat
dapat lang tayoy maging handa. Dapat tayoy may matatag na pananampalataya at
paniniwala sa Panginoon. Dahil sa Kaniya hindi ka pababayaan. Hindi ka patutmbahin
kahit gaano pa man kalakas ang lindol o hagupit ng bagyong darating sa buhay natin.

You might also like