You are on page 1of 3

Karamihan ng tao interesado lang sila sa mga impormasyon na makakaapekto sa kanila.

Mga kaibigan mo at mga


ginagawa nila, yun ang mahalaga sayo. Ito ang dahilan kung bakit usong-uso ngayon ang social media. Ito ay
mga grupo ng tao na nagkakilala sa Internet, nakaconnecta sa pamamagitan ng mutual friends ng pamilya,
kaibigan at mga interes. Ang pag lag-in sa Facebook o pagchek sa cellphone para sa paghihintay ng text ay isang
patuloy na Gawain. Yung mga mensaheng natatanggap mo dun sobrang importante sa iyo.

Pero meron isang mahalagang mensahe ang makakaapekto sa bawat tao ditto sa lupa. Si Hesukristo ay
nagbibigay ng daan sa Diyos (John 14:6). Nabuhay siya ng perpekto at walang bahid ng kasalanan (2 Corinthians
5:21). Siya ay namatay sa krus para sa ating kasalanan. Siya ay nilibing at bumangon muli (Corinthians 15:3-4).
Siya ay buhay ngayon at naghahandog ng walang hanggang buhay sa mga taong mananampalataya.

Si Kristo at ipinagkatiwala sa yo ang mensahe para maibahagi mo ito sa mga kaibigan mo. Meron kang personal
na responsibilidaad para sabihin itong mahalagang mensahe na ito sa kanila (Matthew 28:19-20). Meron itong
posibilidad na makapagpabago sa kanilang buhay (2 Corinthians 5:17)

(Explain Words to Remember)

Gospel (ito ang mabuting balitang pinagkaloob sa atin ng Diyos sa pagliligtas sa mga tao sa pamamagitan ng
pagkamatay, paglibing at pagbangon ni Hesukristo.

Online Social Network (binubuo ito ng mga tao na nagkakakilala at nagkakausap sa Internet na nagkakaconnecta)

Gospel Scrabble
1. Hatiin sa dalawang grupo
2. Magbigay ng mga papel na may letra
3. Paunahang buoin ang tamang sagot

Go and Tell ay isang buod ng Great Commisison, na isang utos. Ang gospel ay ang mabuting balita ng pagliligtas
ng Diyos sa tao, na nagging possible sa pamamagitan ng pagkamatay ni Kristo, paglibing at muling pagkabuhay.
Ito ay ginagamit ngayon para himukin ang mga Kristiyano para sabihin sa mga tao kung ano ang ginawa ni
Kristo para sa kanila. Ito ang mensahe ng Gospel. Ang mensahe ng gospel ay dapat madala sa buong mundo
(Matthew 28:19-20). Habang ang bawat miyembro kanina ay nagtulongtulong para mapanalunan ung laro. Dapat
huwag tayong susuko at magtulong-tulong para ibahagi ang Gospel. Ito ay isang napakahalagang mensahe at
meron tayong kalayaan at paraan para ibahagi ito.

Hatiin sa tatlong grupo.


Project one: Ang kahalagahan ng pagbahagi ng Gospel.
Comment:
Kailangan nating ibahagi ang gospel dahil:
Ang Gospel ay isang mensahe ng pagkahabag at pag-asa. (John 3:16) sa mga makasalanan na nahiwalay mula sa
Diyos dahil sa kanilang kasalanan (Romans 5:8). Pinapakita niyo ang mga ginawa ni Kristo para tayong mga
makasalanan ay mapatawad ng Diyos at mabigyan ng bagong buhay. Ang kabayaran ng kasalanan ay nawala at
hindi na magagamit laban sa atin. Binayaran na ni Hesus an gating kalayaan sa pamamagitan ng pagkamatay niya
sa pagpapakapako sa krus.
Ang pagbahagi ng Gospel ay hindi kailangan maging sapilitan sa bawat Kristyano. Bawat nanampalataya ay
pinaguutas para humayo at sabihin sa iba itong mahalagang mensahe na ito. (Matthew 28:19-20)

Tayo ay inuudyok para humayo at sabihin sa iba para magkaron sila ng pagkakataon para maiwasan ang mga
kahihinatnan ng kanilang kasalanan (romans 6:23)

Walang ibang mensahe ang mas mahalaga. Ito ang dahilan kung bakit bawat nanampalataya ay dapat gumawa
ng paraan para gawing mataas ang prayoridad sa kanilang araw-araw na buhay para gumawa ng pagkakataon
para sabihin sa iba ang tungkol kay Hesukristo.

Project two: Ang sistema ng pagbabahagi ng gospel

Gawa ng Text Message na magpopromot ang isang event halimabawa: Love Concert. Sabihin ang name, date
event location etc. at isend sa akin

Ito ang isang text na natanggap ko sa group two Inanyayahan ako na umattend sa event. At bilang leader, alam
ko na ang mensaheng ito ay ginawa para pumunta ako duon para makinig ng gospel. Ito ay nakakatuwa para sa
akin. Pero kung isa sa mga kaibigan mo ay nakatanggap ng mensaheng ito, maaring pumunta sila sa event nay
un para magsaya. Pero maririnig nila ang Gospel. Ito ay isang daan para madala nating ang mensahe ng gospel
sa ating mundo.

Sabi ni Hesus na dapat tayong maging isa sa mga saksi kahit na sa napakalayong lugar sa mundo (Acts 1:8).
Nakalantad na sa atin ang bibliya sa maraming paraan. Sa hs ministry meron taong mga kagamitan para
maibahagi ang gospel sa iba. May mga services na nagiging pagkakataon para magawa natin ito tulad ng BASE
ministry, NGU, Love Concert. Pwede tayongs sumali sa malalaking event sa church tulad ng Worship explosion na
tutulungan ninyo akong magdecorate. Ang ibang mensahe sa church at may pokus sa pagbabahagi o
pageevangelize na maari mong gamitin. At sa maraming paraan lagi ko kayong chinachallege na makipagusap sa
mga kaibigan nyo kapag sinasagawa natin ito. May sistema ang pagbahagi ng Gospel. Ang Diyos ay nagbigay ng
utos at programa para ibahagi ito.

Project Three: Pagbabahagi ng mensahe ng Gospel.

As a group, magsulat ng apat o lima na pahayag o presentation na maaring mapost sa Beautiful wave group o sa
srili ninyong wall. Gamitin ang mga sumusunod na verses para makagawa ng mga pahayag.

Teachers Comments:

Ang grupong ito ay nagsulat ng Gospel message at ipinost o ipopost ito sa social media Website. Sila ay
nagambag ng mensahe para maibgay sa iba. Ang menshahe ng Gospel ay napalaganap sa mga tao. (Romans
10:14) Tayong mga nanamapalataya, ang mga taong ginagamit ng Diyos para mapalaganap at pamahagi ang
Gospel. Kapag tayo ay tunay na naniniwala na ang Gospel ay mahalaga sa mundo, magiging seryoso tayo sa
ating paglapit para ibahagi ito. Ang mga tao ay naniniwala kay Hesukristo dahil naririnig nila ang salita ng Diyos
(Romans 10:17).
May mga pangunahing pahayag sa Gospel. Ito ay dapat matutunan at ang paraan para ipabatif ito ay dapat
mapraktis.
1. Mahal ng Diyos ang mundo (John 3:16)
2. Lahat ng tao ay nagkasala (gumawa ng mali) at tayo ay makasalanan, gayon ay karapat-dapat na
mamatay (Romans 3:10. 23; 6:23)
3. Si Hesus ang nagbayad sa kasalanang pinagkautang natin sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus
(Romans 5:8)
4. Dapat tayo ay kusang loob na aminin na tayo ay makasalanan at aminin na ang Diyos ay binuhay si
Kristo mula sa kamatayan (Romans 10:9)
5. Dapat nating tawagin ang pangalan ng Diyos para sa ating pagliligtas (Romans 10:13)

Conklusyon

Ang Gospel ang dakilang balita na maibibigay sa mundo. Ang halaga nito sa atin ay dapat walang kasingkahalaga.
Kung tunay tayong naniniwala na ang Gospel ay mahalaga, responsibilidad natin na ipamahagi ito. Dapat tayo ay
kusa nag awing ang mga bagay na naghihimok sa atin na ipamahagi ang Gospel. Sa Beautiful wave
napakaraming pagkakataon. Pwede nating puntahan ang mga batang kaedad natin sa ating lugar. Bawat isa sa
inyo ay kailangang gampanan ang responsibilidad para maabot yung mga naliligaw ng landas. Pwede mong
imbitahin ang mga kaibigan mo para umattend sa mga events na ginawa para mapakinggan ang Gospel. Pwede
mo silang himukin na pumunta dito at personal na sabihin ang tungkol kay Kristo. Willing ka ba na gawin ang
parte mo para mabigay sa kanila ang GospeL? Lahat tayo ay nabibigo na maipamahagi ang Gospel sa iba sa
bawat oras. Manghingi ka ng tawad sa Diyos at humingi ka ng lakas ng loob para masunod itong pagkakataon
na ito. Pumikit kayo at umisip ng isa o dalawang mga kaibigan, kapitbahay o kaklase na magagawa mo ang GO
and Tell. Lagay mo ung pangalan nila sa iyong bible study notebook. At piliin kung paano mo maipapamahagi na
makinig sila ng Gospel. Gagawin mo ba ito ng personal o itetext/chat mo para imbitahan sa event kung saan
mapapakinggan nila ang Gospel?

CELL GROUP:

Sino ang mga kaibigan at mga kaklase mo? Narinig nab a nila ang Gospel? Nakikita mo bang may mga
problema sa ,mga buhay nila? Marami sa kanila ay naghahanap ng kaluwagan Meron silang problema sa
kasalanan at nasayo ang kalutasan nito. Sana makumbinsi ka na ang pananampalataya na hawak mo ay totoo.
Alamin kung paano mo ito maipapasa sa iba at kusang gawin ito. Maging determinado na ibahagi si Kristo sa
taong nilagay ng Diyos sa iyong landas ngayong darating na lingo.

You might also like