You are on page 1of 1

Joshua Smith game-winner, binaon ang San

Miguel sa Game 1
Hindi ininda ni Joshua Smith ang kanyang toe injury tungo sa pag-iskor ng game-winner
upang matulungan ang TNT na talunin ang San Miguel Beer 104-102 sa Game 1 ng
PBA Commissioner's Cup finals sa Araneta Coliseum Miyerkoles.

Tabla ang talaan nang i-set ng TNT ang kanilang huling play may 7.6 segundong
natitira sa oras.

Tinanggap ni Smith ang bola malapit sa 3-point line, at mula roon ay pinostehan niya si
June Mar Fajardo tungo sa basket. Pinakawalan ni Smith ang isang baby hook na
tumalbog sa ring ng isang beses bago ito pumasok sa net.
Sa tuwa ni Smith, na halos hindi makalakad dahil sa kondisyon ng kanyang paa, ay
napatakbo siya sa kabilang court para i-celebrate ang game-winning play.
Umiskor si Smith ng 21 points at nakakuha ng 9 rebounds.

You might also like