You are on page 1of 2

Bully ka ba o ikaw ang nabu-bully?

September 29, 2011

Ni Bella Cariaso

ISA ka bang biktima ng bullying noong nag-aaral ka pa? O baka


ang isa mong mahal sa buhay ang ngayon ay nakararanas ng
pambu-bully habang nasa eskwela?

Isinusulong ngayon sa Kongreso ang panukalang batas na


naglalayong magpatupad ng polisiya laban sa pambu-bully sa
mga paaralan, kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Naipasa na sa committee level ng House of Representatives ang


anti-bullying bill samantalang nakabinbin pa rin ang Senate Bill
413 na isinusulong ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Sa ilalim ng consolidated bill na House Bill 5248, tinutukoy nito


ang bullying na serye ng mga aksyon ng isang menor de edad
laban sa kapwa niya menor sa loob ng paaralan.

Inisa-isa rin ng panukala ang mga aksyon na maituturing na


pambu-bully, at ang mga ito ay ang sumusunod:
Pananakot;
Stalking;
Pagnanakaw;
Pamamahiya,malisyosong alegasyon, pambibintang na
nakakapanira sa integridad;
Paninira ng pag-aari ng isa pang estudyante;
Pananakit sa kapwa mag-aaral na nagreresulta sa pagkasugat
may gamit man o walang sandata kagaya ng pambubugbog,
paghampas, pagsuntok, pagsipa, pagbato, pagsapak, panunulak
at iba pang kaha-lintupad na bagay;
At pamimilit ng sexual favor, pangingikil, o pagkuha sa mga bagay
na pag-aari ng isang estudyante.
Sa ilalim ng panukalang batas, inaatasan ang lahat ng paaralan,
pampubliko man o pribado na magpatupad ng polisiya para
matigil ang bullying sa mga eskwelahan kagaya ng mga
sumusunod:
Magkaroon ng proseso para masolusyunan ang bullying sa mga
paaralan;
Pinapayagan ang mga bata na magsumbong sa mga guro o mga
opisyal ng paaralan hinggil sa insidente ng bullying na hindi
binabanggit ang kanyang pagkakakilanlan;
Pinapayagan ang mga magulang o guardian ng isang estudante
na maghain ng sumbong hinggil sa bullying
Inaatasan ang mga guro o iba pang empleyado ng paaralan na
nakakita ng insidente ng bullying na ipaalam kaagad ito sa opisyal
ng paaralan;
Inaatasan ang opisyal ng paaralan na imbestigahan ang sumbong
hinggil sa bullying.
Gumawa ng kaukulang aksyon para masolusyunan ang naturang
bullying na insidente;
Isama ang isyu ng bullying sa alintuntunin para sa mga
estudyante;
Ipaalam sa mga magulang ng kapwa biktima at ng gumawa ng
bullying ang nangyaring insidente;
Inaatasan ang mga opisyal ng paaralan na gumawa ng listahan
ng mga insidente ng bullying at maging bukas ito sa publiko.

Sa ilalim ng panukalang batas mahaharap sa kasong


administratibo ang mga opisyal ng paaralan na hindi
magpapatupad ng programa laban sa bullying. (Bukas: Anong
kaparusahan ang naghihintay sa mga bully sa paaralan?)

You might also like