You are on page 1of 1

THE YEAR 2020

Anong nakikita mo apat na taon mula ngayon? Isang bagong mundo?


Umaarangkadang teknolohiya, makabagong mga proyekto at mga kagamitan na
maaaring makatulong sa atin sa araw araw? Pagsugpo sa mga teroristang nais
sumira ng buhay ng ibang tao? Bagong labas na model ng cellphone? Tunay at
aprubadong gamot sa kanser? Ang pagkamulat ng bagong henerasyon sa malagim na
katotohanang nagaganap? Ang mas malalang pag-uugali ng kabataan dahil sa
kawalan ng oras ng kanilang mga magulang na sila ay madisiplina? Ang patuloy na
pag-abuso ng tao sa kalikasan? Ang paghihirap ng mga biktima ng mga teroristang
sumira sa kanilang mga buhay? Bagong sakit na nakamamatay? Mayroong maganda,
mayroon din namang hindi.
Nakalulungkot isipin na marami sa atin ngayon ang walang pakielam sa mga
bagay bagay na nagaganap sa ating mundo. Dahil sa mga pangyayari sa kasalukuyan,
hindi ko nasisilayan ang pag-buti nang kalagayan ng ating daigdig. Ngunit akoy
umaasa at nangangarap pa rin na sana, maging maayos muli. Hindi bat
nakatutuwang balikan ang nakaraan kung saan simple lamang ang pamumuhay?
Wala pa noong mga gadgets, at ang tanging libangan ng mga bata ay ang paglalaro sa
labas ng bahay. Kung iisipin natin, tunay ngang malaki na ang pinagbago ngayon
kumpara noon. May mga pagbabagong nakabubuti para sa atin, ngunit mayroon din
namang nakasasama. Dahil sa buhay, kailangan balanse ang bawat bagay. Kailangan
mayroong kumokontra sa bawat ganap at pangyayari sa buhay ng isang tao. Pero
may kakayahan pa rin ang taong mabago ang kasalukuayan para sa hinaharap. Kung
sana ay bawat isa sa atin ay natututo sa bawat pagsubok na dumarating, siguro ay
hindi na mauulit pa ang mga pagkakamaling naganap na.
Nais kong magkaroon ng pagbabago, ngunit alam kong kaakibat nito ay ang
pagtanggal sa mga nakasanayan na ng tao. Kailangan natin disiplinahin ang ating
mga sarili, sumunod sa mga bagong patakaran at iwanan na sa nakaraan ang mga
maling gawain. Dahil ang pagbabago ay magsisimula sa atin. Kaya kung tatanungin
mo akong muli kung ano ang nakikita ko apat na taon mula ngayon? Isang salita
lamang ang isasagot ko. Pagbabago.

July 21, 2016

You might also like