You are on page 1of 2

Kahalagahan ng Pag aaral

Sa panahon ngayon, napakaraming mag-aaral ang nawiwiling sumali sa mga programang pang-
ekstra kurikular sa kani-kanilang mga paaralan. Maraming naidudulot na epekto sa pag-aaral ang pagsali
sa mga nasabing programaIto ay maaaring maging maganda dahil ito ay nakatutulong sa pag-aaral o di
kayay maging masama dahil kung minsan ay nakalilimutan na ng mag-aaral na iyon ang kanilang mga
prayoridad sa pag-aaral at dahil dito, napapabayaan na niya ang kanyang mga responsibilidad sa
akademiko.

Mahalaga ang pag-aaral na ito upang malaman ng mga mag-aaral, lalo na iyong mga kasapi sa
organisasyon at gumagawa ng mga ekstrakurikular na gawain, ang mga epekto ng mga nabanggit sa
kanilang pag-aaral.

Matutulungan rin ng papel pananaliksik na ito ang mga deans listers na sumasali rin sa
ekstrakurikular na gawain ng kanilang organisasyon dahil malalaman nila kung nakatutulong ba at sa
kung anong paraan nakatutulong ang mga gawaing ito sa kanilang sitwasyon bilang deans lister.

Maaari rin itong maging gabay sa mga mag-aaral na balak sumali sa mga organisasyon.
Malalaman nila kung ano ang mga benepisyo ng pagsali sa mga ekstrakurikular na gawain ng isang
organisasyon at kung ano ang maidudulot ng mga gawaing ito sa kanilang pag-aaral at maaaring
hanggang silay makatapos na.

Kung may makikita mang negatibong epekto sa pag-aaral ang mga ekstrakurikular na gawain ng
organisasyon, ang pag-aaral na ito ay may mga posibleng solusyon ukol dito.

Sa pamamagitan ng papel pananaliksik na ito ay mabibigyan ng kaukulang impormasyon ang


mga mag-aaral sa kolehiyo tungkol sa ekstra-kurikular na gawain at relasyon o epekto nito sa
performance sa akademiko o pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon

Pili lamang ang mga estudyanteng kinapanayam ukol sa kanilang karanasan kapag may ekstra-
kurikular na gawain ang kanilang sinapiang organisasyon. Hindi sakop ng pag aaral na ito ang
paglalahad ng mga kwentong napagdaanan ng mga respondente. Ang iba pang aspeto ng kanilang
buhay, bukod sa pag-aaral, na maaaring maapektuhan ng kanilang pagsali sa mga gawaing ito, tulad ng
relasyon sa pamilya, kaibigan, pananampalataya, at iba pa, ay hindi na tinalakay sa pag-aaral na ito.
Bagamat nagbigay ng pahapyaw na pagtalakay ay nagpokus lamang ito sa mismong implikasyon ng
pagiging isang aktibong mag aaral at hindi na pinalawak pa ang mga detalye pagdating sa mga
emosyonal na aspeto bunga ng mga karanasan.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

? Gawaing ekstra-kurikular mga aktibidad na nasa labas ng kurikulum ng isang unibersidad,


kolehiyo o paaralan

? Organisasyon isang grupo na may iisang hilig or interes

? Time management praktis upang magamit ng maayos ang oras

? Career interest propesyonal na karerang kinahihiligan ng isang indibidwal


Listahan ng mga Sangunian

Extracurricular activity. Retrieved February 10, 2008, from


http://en.wikipedia.org/wiki/Extracurricular_activity
Extracurricular activities. Retrieved February 10, 2008, from
http://www.kidshealth.org/teen/school_jobs/school/involved_school.html
Expert reviewers. Retrieved February 10, 2008, from
http://www.kidshealth.org/parent/misc/reviewers.html
Hollrah, R. (nd). Extracurricular activities. Retrieved February 10, 2008, from
http://www.public.iastate.edu/~rhetoric/105H17/rhollrah/cof.html
College admissions. Retrieved February 10, 2008, from
http://collegeapps.about.com/od/collegeapplications/a/activitytips.htm

You might also like