You are on page 1of 2

I.

Introduksyon

Ang Vanity Tax ay isang batas na inimungkahi ni Ako Bicol Partylist Representative, Rodel
Batocabe. Ito ay naglalayong patungan ng 10 hanggang 30 porsyentong buwis ang mga cosmetic products
and services kagaya ng whitening products, hair care applications, cosmetic suregeries, at iba pa. Nais ni
Rodel Batocabe na ipabilang ang mga produktong sa mga non-essential na mga bagay na pinapatungan
ng buwis na nakapaloob sa R.A. bilang 8424 o tinatawag nilang Tax Reform Act of 1997.

Layunin ni Batocabe na ipalit ito sa napipintong pagtaas ng tax sa mga produktong langis na
makakaapekto daw sa lahat kabilang na rin yung mga nasa laylayan. Ayon din sa kanya, kapag naipatupad
ang Vanity Tax na ito, ang mga may kaya lamang na bumili ng mga beauty products na ito ang sasalo ng
mga tax na ito.

Napili ng grupong ito ang isyu ukol sa Vanity Tax dahil sa salungat na pananaw ukol sa naipahayag
ni Rodel Batocabe. Una, hindi lamang ang mayayaman o ang may kaya na bumili ng mga produktong
nailista sa Vanity Tax ang maapektuhan. Kabilang na sa maapektuhan ang mga nasa laylayan na ang
pangunahing hanap buhay ay ang pagseserbisyo gamit ang mga produktong ito. At pangalawa, marami
pang alternatibong produkto ang pwedeng dagdagan ng tax na hindi mapipinsala ang mga nasa laylayan.

Layunin ng grupo na madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa ukol sa topiko ng Vanity Tax.
Gusto rin ng grupo na maipahayag ang salungat na pananaw nito sa pahayag ni Rodel Batocabe at
makapagbigay ng ibang alternatibo na maaring mas mapakinabangan ng lahat at hindi mapinsala ang iba.

II. Ang Paksa

Ang Vanity Tax ang isang bill na inihain ni Ako Bicol Partylist Representative noong Enero ng taong
2017. Layunin nga tax na ito na dagdagan ng 10 hanggang 30 porsyentong buwis ang mga produkto at
serbisyong pampaganda (Lanuzo, 2017). Sa pahayag ni Batocabe, sinabi niya na ang maapektuhan lamang
ng tax na ito ay ang mga taong maykaya o di kaya yung mga taong may gusto lamang na bumili ng mga
produkto at serbisyong nailista sa bill na ito (Cordero, 2017).

Ang napipintong pagtaas ng tax sa langis ang naghudyat sa paghain ng vanity tax na ito (Cruz,
2017). Ayon sa mambabatas, maiiwasan ng mga mahihirap ang mga produktong pampaganda pero hindi
ang gastos sa transportasyon o sa mga pang-araw-araw na pangangailangan (Cruz, 2017).

III. Ang Isyu

Nakita ng grupong ito sa kanilang pananaliksik na, sa pagpapatupad ng Vanity Tax na ito, ay
madaming isyung maiaangat. Una dito ay ang mga produkto at serbisyong nakalista sa bill na ito ay pantay
(Lanuzo, 2017). Kabilang sa mga produktong madadagdagan ng tax ay ang mga pang-araw araw na
pangangailanganan ng karamihan sa atin tulad na lamang ng deodorant, shampoo, sabon, at toothpaste
(Lanuzo, 2017).

Salungat sa pahayag ni Batocabe, ang industriya ng beauty products dito sa Pilipinas ay hindi pa
stable. Ang mga produkto tulad ng make-ups, lipsticks, concealer, at iba pa ay kumakailan lamang
nagging sikat sa karamihan (Lanuzo, 2017). Dahil nga ang ibang manufacturer ay nagpoproduce ng mas
mababa sa kanilang mga kakumpetensya ay kaya sila umaangat. Kapag naipatupad ang bill na ito ay
mapipilitang magbaba pa sila ng presyo at sa katagalan ay magsasara sila. Bababa ang ekonomiya ng
Pilipinas kapag ganito.

Dahil dumadami na ang may access sa internet ngayon, karamihan ay mas gusto ang pagbili ng
mga produkto sa internet o online shopping. Karamihan sa mga online shops na ito tulad ng Sephora at
Althea ay mga international na kompanya na nagdedeliver sa Pilipinas (Lanuzo, 2017). Kapag naipatupad
ang Vanity Tax, malulugi ang mga kumpanya dito sa Pilipinas dahil kasabay nito ang pagtaas ng presyo ng
mga bilihin. Magshishift ang buyers sa mga online shops na ito dahil mas mura.

IV. Konklusyon

Napagdiskusyonan ng grupo na mas mabuting maghanap at manaliksik ang mga mambabatas ng ibang
produktong madagdagan ng tax. Ang Vanity Tax na ito ay sadyang makakaapekto ng mas maraming tao
at

V. Works Cited
Cordero, J. (2017, January 10). Solon wants add'l taxes on vanity products, services. Retrieved from GMA
News Online: http://www.gmanetwork.com/news/money/economy/595311/solon-wants-add-l-
taxes-on-vanity-products-services/story/

Cruz, R. (2017, January 12). 'Vanity tax' an alternative to fuel levy, lawmaker says. Retrieved from ABS-
CBN News: http://news.abs-cbn.com/business/01/12/17/vanity-tax-an-alternative-to-fuel-levy-
lawmaker-says

Lanuzo, L. (2017, January 12). Why the Proposed Vanity Tax Sucks. Retrieved from Project Vanity:
http://www.projectvanity.com/projectvanity/vanity-tax

Viray, P. (2017, January 11). #DontTaxMyBeauty: Netizens slam proposed vanity tax. Retrieved from
philstar GLOBAL: http://www.philstar.com/news-
feature/2017/01/11/1661686/donttaxmybeauty-netizens-slam-proposed-vanity-tax

You might also like