You are on page 1of 2

Wikang Pilipino atin ito ni Dr.Consuelo J.

Paz

Paglalahad ng sariling kritiko sa kahinaan ng ideya.

Ang wika ay isa sa pinakamakapangyarihang instrumento ng isang


pulitika. Ayon sa Wikang Pilipino Atin ito ni Dr. Consuelo Paz, ang
standardisasyon ay nakakabahala, gayunpaman siya mismo ay gumagawa ng
sariling ayos sa pagbuo at pagbabago nito. Kung tutuusin, ang usaping
standardisasyon ay nakabatay sa kung kaninong lente ng ideya ang gagamitin.
Kung ang usaping epekto man lang ang batayan niya rito, malaking epekto nito
sa kultura na gusto niyang palawakin. Hindi pagkayaman sa ideya ang magiging
bunga nito. Kundi, itoy isang banta ng pagkasira, at pagbabago sa isang
puridong karunungan ng wikang nagmula sa mga ninuno ng mga tao sa lipunang
ito. Tinatanggalan ng identidad ang mga nakasanayang wika sa paghahalo nito
sa isat isa na nagiging dahilan ng isang magulong sistema na dulot ng
masyadong malaya na kapangyarihan ng bawat isa.

Ang wika ay may malaking impluwensya sa sikolohiyang aspeto ng bawat


isang tao. Kung ating hihimayin ang punto ni Dr. Consuelo, gusto niya ng
pagkakaisa ng wika o tinatawag niyang unification. Pero sa kabilang banda,
masama ang magiging dulot ay ang pagkawala, pagkalabo, pagkagulo, ng mga
nakagisnang materyal at kultura ng isang lipunan. Magkakamag anak na wikay
maglalaho at magiging isa. Ang dagdag bawas ng mga letra at ang kawalan
ng pagiging kritikal sa pagtanggap at pagbigay ng mga salita ay
magdudulot ng kaguluhan sa isang sistema. Maaaring gusto lamang niyang
bigyan ng kapangyarihan ang lahat na magsulat at magsalita pero hindi napansin
ang masamang magiging dulot nito upang sirain ang standardisasyong diwa ng
mga ideya sa wika. Ang pagiging Kritikal ay nakakatulong upang isa-ayos at
madaling matukoy kung ano ang problema ng dumadaloy na ideya sa lipunan.
Itoy hindi pagkontrol bagkus, itoy pag-oorganisa ng mga binibitawang salitang
pormal upang maging mas kapakipakinabang sa mga susunod na henerasyon.
Bilang pandagdag, tila ang wikay parang ginawang isang bugaw sa
dayuhan na kung saan hinahayaan na lamang nitong ipagalaw ang katawan
at pagpigil sa pagiging kritikal kapalit ng kapangyarihan at pagkakaisa.
Filipino ng mga Pilipino ni Virgilio Almario

Paglalahad ng sariling kritiko sa kahinaan ng ideya :

Ang mga nakasulat sa literaturang ito ay sadyang kahanga-hanga at pinag


isipang mabuti ang paggamit ng bawat letra nito sa bawat pangungusap sa
pamamagitan ng paggamit ng standardisasyon na nagmula pa sa UP
diksyonaryo. Gayunpaman, aking bibigyang pansin dito ang malikhaing paggawa
ni Virgilio Almario na kaniyang tinutukoy sa literaturang ito. Sa patuloy na
pagbabago ng panahon at henerasyon noon at ngayon, kasabay nito ang patuloy
na pagdaloy ng wika at interaksyon sa paligid, marahil may mga bagay na hindi
mapigilang mahiram mula sa mga kapit bahay nating dayuhan. Ang sariling hilig
ay parang isang balang ibinaril ni Almario sa kaaway at bumalik sa sarili. Ang
pagtatayo ng standardisasyon ay may kaakibat na sariling desisyon at tama sa
paningin na siya namang isang kapangyarihan at impluwensya mula sa sarili. Ang
pamana sa nakaraan ay matagal nang may bahid politikal at impluwensya dulot
ng kolonyalisasyon. Kung gayunman, pinapakita lamang rito ay hindi kung ano
ang tama na gamitin pero itoy isang pagbasag sa kaaway at pag-aangat ng
ideya mula sa sariling perspektibo. Ang pagiging kritikal ay hindi lamang dapat
ituon sa kung ano ang dapat na tama sa paningin ni Almario, bagkus itoy
nararapat na busisiin ng mataimtim at pagiging kritikal na pagsusulat ng
wika sa larangan ng akademya.

You might also like