You are on page 1of 2

Ang Nairobi National Park ay isang pambansang liwasan o national park na matatagpuan sa Nairobi,

Kenya. Naitatag noong 1946, ito rin ay ang kauna-unahang pambansang liwasan sa bansang ito.

Ang Sossusvlei ay isang malaking clay pan na may kalakip na mga naglalakihang sand dunes sa Namib
desert sa Namibia. Ito ay kinikilala bilang Highest Dunes in the World dahil sa mga dunes nito na
umaabot sa halos 300 metro ang taas.

Ang Cradle of Humankind ay isa sa walong World Heritage Sites sa Johannesburg, South Africa. Ito ay
tinagurian bilang Richest Hominid Site in the World dahil dito natagpuan ang halos 40% ng mga fossils ng
mga hominid. Dito rin unang natagpuan ni Professor Raymond Dart noong 1924 ang hominid na
Australopithecus.

Ang Golden Gate Bridge ay isang tulay na matatagpuan sa San Francisco, California. Binuksan ito para sa
publiko noong 1947 at ito ang pinakamahabang suspension bridge sa buong mundo hanggang 1964.

Ang Alcatraz Island ay isang isla matatagpuan sa baybayin ng San Francisco, California. Ang isla, na
madalas tawagin bilang The Rock, ay naging kulungan mula 1933 hanggang 1963.

Ang Yellowstone National Park ay isang pambansang liwasan o national park na matatagpuan sa
Wyoming, Estados Unidos. Ito ay kinikilala bilang unang pambansang liwasan sa mundo. Dito rin
matatagpuan ang Old Faithful Geyser na isa sa pinakakilalang bukalan o geyser sa mundo.

Ang Grand Canyon ay isang kanyon na matatagpuan sa Arizona, Estados Unidos. Ito ay isa sa mga
pinakakilalang tanawin sa buong Estados Unidos.

Ang Jeju Island ay isang isla na matatagpuan sa Jeju, South Korea. Ang isla, na tinaguriang Island of the
Gods, ay isa sa mga tanyag na lugar bakasyunan sa Korea.

Ang Taipei 101 ay isang gusaling matatagpuan sa Taipei, Taiwan. Kinilala ito bilang pinakamalaking gusali
sa mundo mula 2004 hanggang 2010.

Ang Petronas Towers ay dalawang magkawangis na gusali na matatagpuan sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Kinilala ito bilang pinakamalaking gusali sa mundo mula 1998 hanggang 2004.

Ang Sanctuary of Truth ay isang templo na matatagpuan sa Pattaya, Thailand. Ito ay isang gusaling gawa
sa kahoy na pinaligiran ng mga banal na kasulatan hango mula sa mga tradisyonal na mga Buddhist at
Hindu motifs.

Ang Maoi ay mga monolithic na pigura ng mga tao na inukit ng mga taong Rapa Nui na matatagpuan sa
Easter Island. Karamihan ng mga maoi ay mga mukha ng mga sinasamba nilang mga ninuno nila.

Ang Machu Picchu ay isang muog o citadel ng mga Incan na matatagpuan sa Urubamba, Peru. Ito ang
pinakatanyag na lugar ng Inca civilization.

Ang Angel Falls ay isang talon na matatagpuan sa Bolivar, Venezuela. It ang words highest waterfall sa
taas na 979 metro.

Ang Christ the Redeemer ay isang rebulto ni Hesukristo sa Rio de Janeiro, Brazil. Ito ay isa sa mga
pinakatanyag na rebulto sa mundo na 30 metro ang taas.
Ang Observation Hill ay isang burol na matatagpuan sa Antartica. Ito ay karaniwang tinatawag na Ob
Hill. Ito ay madalas na inaakyat para makita ang mga tanawin sa buong kontinente.

Ang Mount Vinson ay isang bundok na matatagpuan sa Antartica. Sa taas na 4,892 metro, ito ang
pinakamataas na bundok sa Antartica.

Ang Uluru ay isang malaking pormasyon ng batong sandstone na matatagpuan sa timog na bahagi ng
Northern Territory ng gitnang Australia. Ito ay kinikilala bilang isa sa mga UNESCO World Heritage Site.

Ang Great Barrier Reef ay isang sistema ng coral reef na matatagpuan sa baybayin ng Queensland,
Australia. Ito ang pinakamalaking sistema ng coral reef sa mundo na kinikilala bilang isang UNESCO
World Heritage Site.

Ang Sydney Opera House ay isang tanghalan na matatagpuan sa New South Wales, Australia.
Nagsasagawa ito ng higit sa 1,500 na mga palabas sa bawat taon at dinadaluhan ng mahigit 1.2 milyong
mga tao.

Ang Wembley Stadium ay isang football stadium sa London, England. Ang stadium, na pinakamalaking
sa United Kingdom, ay pinagdarausan ng mga mahahalagang laro tulad ng FA Cup Final at mga laro ng
pambansang koponan ng England sa football.

Ang Arc de Triomphe ay isang monumento na matatagpuan sa Paris, France. Ito ay nagbibigay-parangal
sa mga lumaban at namatay para sa Pransya noong Napoleonic Wars.

Ang Big Ben ay isang kampanilya na nasa loob ng Elizabeth Tower na matatagpuan sa hilagang dulo ng
Palace of Westminster sa London, United Kingdom. Ang kampanaryo ay ang pangalawa sa largest four-
faced chiming clock in the world.

Ang Stonehenge ay isang monumento na matatagpuan sa Wiltshire, England. Ito ay pumapagitna sa mga
sa mga pinakakomplikadong Neolithic at Bronze Age na monumento sa England.

Ang Louvre Museum ay isang museo na matatagpuan sa Paris, France. Ito ay isa sa mga pinakabinibisita
na museo sa mundo na tumanggap ng mahigit kumulang 9.7 milyong tao noong 2012.

Ang Leaning Tower of Pisa ay isang kampanilya na matatagpuan sa Pisa, Italy. Ito ay kilala sa pagtagilid
na istraktura nito na sanhi ng malambot na lupa sa ilalim nito.

Ang Coliseum ay isang amphitheatre na matatagpuan sa gitna ng siyudad ng Rome, Italy. Ito ang
pinakamalaking amphitheatre na itinayo sa kasaysayan ng mundo.

Ang Acropolis of Athens ay isang citadel na matatagpuan sa Athens, Greece. Maraming mga sinaunang
gusali na may kabuluhan sa kasaysayan ang nakatayo rito, isa na rito ay ang Parthenon.

Ang Eiffel Tower ay isang tore na matatagpuan sa Paris, France. Ito ang pinakamalaking gusali sa Paris at
isa sa mga pinakasikat na gusali sa buong mundo.

You might also like