You are on page 1of 1

Ang Pasko ay ang pagdiriwang ng "katapatan ng Diyos!

" Ito ang ating pinagninilayan sa tuwing


sumasapit ang araw ng Kapaskuhan: May isang Diyos na naging tapat sa atin sa kabila ng
ating pagiging salawahan. Isinugo niya ang Kanyang bugtong ng Anak dala ng Kanyang
malaking pagmamahal sa sangkatauhan. Ngunit paano ba natin sinasagot ito bilang mga
tao? Isang mister ang malapit na sa bingit ng kamatayan. Ipinatawag niya ang kanyang asawa
at sinabi: "Alam mong bilang na ang mga sandali ko. Nais ko sanang mapayapa ang aking sarili
bago ako mamatay. Tapatin mo nga ako, ako ba ang ama ng ating bunso? Napansin kong
magkamukha ang panganay at kasunod ngunit napakalayo ang itsura ng ating bunso. "
Sumagot ang babae: "Ano ka ba naman? Pinagdududahan mo ba ako? Tunay na anak mo yan
no? Pero sigurado ako... Yung dalawa, kay kumpare 'yun!" Inatake sa puso ang mister! May
karapatang magduda ang lalaki kung papaanong si Jose rin ay may karapatang magduda sa
kanyang asawang si Maria. Bago sila magsama ay naratnan niyang nagdadalang-tao ito. Ano
ang kanyang gagawin? Sapagkat isa syang taong matuwid at ayaw niyang ipahiya at ipahamak
si Maria ay nagdesisyon na lang na iwanan niya ito ng tahimik. Katulad ng sino mang tao, si
Jose ay pangarap sa buhay. Pangarap niya marahil ang magtayo ng pamilya. Isa siyang taong
matuwid at alam ang kanyang gusto sa buhay. Nakita ng Diyos ang kabutihan ng puso ni Jose
kaya't binigyan niya ito ng mas mabigat na responsibilidad: Ang maging ama-amahan ni
Jesus at tagapag-alaga ng mag-ina! Hindi nabigo ang Diyos kay Jose. Tinanggap niya ng
bukal sa loob ang bagong plano ng Diyos. Ganito rin ba ang aking reaksiyon kapag hindi
nangyayari ang gusto ko? May plano ang Diyos sa atin na kung minsan ay taliwas sa ating
gustong mangyari: Bumagsak ka sa board exam, nawalan ka ng trabho. Nasunugan ka ng
bahay. Namatayan ka ng mahal sa buhay.... Mas madali ang magduda at mag-alinlangan...
Pero katulad ni San Jose ay tinatawagan tayong manalig sa Diyos at sumunod. Ito ang
sukatan ng tunay na pananampalataya. Tandaan mo, ang Diyos ay lubos na nagtitiwala sa iyo
tulad ng pagtitiwalang ipinamalas Niya kay Jose. "Believe in a God who believes in you!".

You might also like