You are on page 1of 18

Grade 9 Roentgen

croe laveus

Cast and Crew | Script

November 10, 2015

Cast and Crew

Director/ Actor:

Renzo M. Gutierrez

Scriptwriter/ Actress:

Sophia M. Bautista

Supporting Actor:

Aaron C. Gunnacao

Supporting Actress:

Frank Joyce B. Hernandez

Cinematographer:

Zion Miguel B. Villapando

Producer/ Actress:

Guellean M. Lasin

Actress:

Cassandra Lyneth Q. Castro

Actress:

Charity Mae Ochavillo


Editor/Actor:

Jann Lianne Padua

Music and Sound Supervisor/ Actress:

Ritz Angelie M. Rodelas

(black background)

*sound effects ng mga yabag*

(Ang camera ay magfofocus sa leeg ng isang babae na may suot-


suot na kwintas)

(Ipakikita ang pagdaan ng babaeng may suot ng kwintas sa


dingding kung saan nakasulat ang apat na core values)

SCHOOL- DAY

Si Lily, isang g9 student ang naglalakad sa school grounds nang


may makita siyang pamilyar na mukha. Nagulat siya.

Lily:

Ate Ria! Kumusta 2amin kayo? (yayakapin si Ria)

Ria:

(yayakap pabalik; kakalas sa pagkakayakap) Mabuti naman. Kayo,


kumusta naman ang school?

Lily:

Okay naman, Ate. Buti po at nakabisita kayo! Ang tagal nyo rin
pong hindi nakapunta ah.

Ria:

Naku, sobrang busy sa school, eh.

Lily:
Ay! Ipakikilala ko po kayo sa mga kaklase ko!

Ria:

Huh? Bakit naman nila gugustuhin pang makilala ang isang tulad
ko? (tatawa)

Lily:

(Kukunot ang noo saglit ngunit pilit na ngingiti) Tara, Ate sa


taas!

Makikita sa corridors ng second floor, sa tapat ng Roentgen


classroom ang ilang mga studyante, nagtatawanan.

Lily:

Guys! Si Ate Ria, alumna ng school.

Ang mga studyanteng nandoon ay sina Miguel, Rizelle at Mae.


Lahat ay babati kay Ria. Naupo na rin ang dalawa (Ria at Lily)
sa corridor at nagsimula na silang magkuwentuhan.

Rizelle:

Ate Ria, kwentuhan nyo naman po kami ng mga experiences nyo


dito!

(Ang lahat ay tutugon ng pagsang-ayon)

Ria:

Experiences? Bukod naman sa mga camps, wala naman gaanong


kakaiba. Pero may alam akong kuwento tungkol sa school

Miguel:

Hala. Gusto po namin ng ganyan! Nakakacurious naman po. History


po ba ito?

Ria:

Hmm. Hindi ko kasi alam kung totoo ba tong kuwento na to,


basta ipinasa lang din to samin.

Mae:
Wow! Ikuwento nyo rin po sa amin, Ate!

(Mapapaisip si Ria; Sina Miguel,Lily, Rizelle at Mae ay


naghihintay ng kaniyang kasagutan)

Ria:

Sige na nga, ikukwento ko.

Lahat:

Yes!

Ria:

Pero sa isang kondisyon.

Miguel:

Ang corny naman, Ate. Bakit may kondisyon pa?

Rizelle:

Oo nga, Ate. Simpleng history lang naman po yata eh.

Ria:

Magkukwento ako pero sa isang kondisyon hindi ito dapat malaman


ng iba.

Lily:

Eh? Paano po namin ipapasa sa iba kung bawal pong sabihin?

Ria:

Pwede nyo itong sabihin sa iba

Mae:

Yun naman po pala eh

Ria:

(puputulin ang sasabihin ni Mae) Pero sa apat na tao lang.

Lily:
May bilang pa po talaga?

Ria:

Oo. Nung huling beses kasi na sinuway ang kondisyon

(Sina Lily, Migue, Rizelle at Mae ay magtitinginan na may halong


takot sa mga mata)

Ria:

May hindi magandang nangayari

Lily:

Sige po, Ate. Ikuwento nyo po, promise po hindi naming ikukwento
sa iba.

Ria:

Sige, ito ang kwento kung paano naitatag ang apat na core values
ng school.

(magfflashback)

Voiceover (Ria):

Dati, hindi ganito ang Lipa Science. Basta matalino ka at


nakapasa ka sa school, okay na. Hindi kailangang maganda ang
ugali mo, o role model ka.

(Ipinakikita ang mga estudyante na nagbabatuhan ng papel sa


klase)

Voiceover (Lily):

Eh? Grabe naman po pala dati!

Voiceover(Ria):

Merong apat na natatanging studyante ang nakilala sa Lipa


Science. Ang una ay si Angel, taliwas ng pangalan niya ang ugali
niya.

(Ipinakikita si Angel na nangongopya sa klase)


Palagi siyang nangongopya sa klase at nagsissinungaling sa
teachers. Wala siyang integridad sa sarili.

Ang ikalawang estudyante ay si Rico. Si Rico ay sa hindi


malamang dahilan, nakapasa sa Lipa Science. Matalino naman ito
ngunit hindi siya nagpapakita ng excellence sa ibang aspeto.
Hindi siya sumasali sa mga group works at madalas lumalayo sa
iba.

(Ipinakikita si Rico na nakaupo sa isang gilid habang nanunuod


sa mga kagrupo niya)

Voiceover (Mae):

Grabe! Lipa Science po ba talaga ang pinaguusapan natin?

Voiceover (Ria):

Mahirap man paniwalaan, pero ganon daw dati. Ang pangatlong


estudyante ay si Rina. Si Rina ay sabihin nalang natin na hindi
kagandahan ang ugali, madalas siyang magmataas sa klase at hindi
tumutulong sa iba. Ayaw na ayaw niya ang naglilingkod sa iba,
ang gusto niya, siya ang boss.

(Ipinakikita si Rina na sumisigaw sa kaniyang kaklase; may


nanghihingi ng tulong ngunit hindi niya pinansin)

At ang panghuli ay si Joshua. Siya ang nahalal na pangulo ng


kanilang klase ngunit siya pa ang pasimuno sa mga kaguluhan.Wala
siyang leadership.

(Ipinakikita si Joshua na nakikipagsuntukan )

(Si Maria ay isang estudyanteng kakaiba sa lahat. Siya ay


mahinhin, tahimik at matalino. Kaya naman siya ay hindi
nakaiiwas sa mga panunukso at pambubulalas.)

(Si Angel at Rina na binubully si Maria; hawak-hawak ni Joshua


ang buhok ni Maria at sinasampal ni Angel ito, tumatawa naman si
Rico sa isang gilid)

Maria:

Tama na (humihikbi)

Angel:
Tama na? Masyado kang mapagmataas! Ang damot mo pa! Hinihiram ko
lang naman yung notebook mo, ayaw mong ibigay!

Maria:

Pero kasi kokopyahin mo lang ang mga kasagutan ko.. bawal yun,
Angel.

Joshua:

Bawal? May bawal pa ba sa school na to? (tatawa)

(Mapapadaan si Rina sa hallway kung saan binubully si Maria;


lalapit ito)

Rina:

Anong ginagawa nyo sakanya?

Rico:

Tinuturuan niya lang yan ng leksyon.

Maria:

(titingin kay Rina) Nagmamakaawa ako sayo, tulungan mo ako


(umiiyak)

Rina:

(maglalahad ng kamay)

Nang akmang aabutin na ito ni Maria ay bagkos itinulak ni Rina


si Maria, dahilan upang mabagok ang ulo nito sa sahig. Nakita na
lamang nila na dumurugo na ang ulo ni Maria. Agad silang umalis.

Voiceover (Ria):

Hindi nalaman ng mga guro ang dahilan ng pagkamatay ni Maria.


Wala ring umaamin. Mayroong mga nakakita ngunit sa sobrang takot
nila sa grupo nina Joshua, walang nagsumbong. Lumipas ang ilang
taon

(Ipinakikita si Angel na mag-isa sa silid-aralan, mabilis ang


paghinga at ang bawat paggalaw ng kaniyang panulat)
Angel:

Ano ba naman tong sulat ni Rina? Hindi ko mabasa!

Nagulat na lamang siya ng biglang sumarado ang pintuan. At


tumunog ang mga bintana sa lakas ng hangin.

Angel:

(nanginginig) S-sino yan?

Walang sumagot.

Angel:

(dali-daling nagtatakbo papunta sa pinto at lumabas)

Effect: Fade out

Si Rina ay lumabas sa isa sa mga cubicle ng kanilang palikuran.


Siya ay naghuhugas ng kamay noong may napansin siyang kakaiba.
Noong pagtingin niya sa dingding ay nagulat siya dahil may mga
salitang nakadikit rito: BABALIKAN KO KAYO

Naiwanan ang gripo na bukas. Patuloy na umaagos ang tubig habang


si Rina ay nagsisisigaw habang papalayo.

(babalik sa kasalukuyan)

Rizelle:

So ibig nyo pong sabihin, binawian ni Maria yung mga babaeng


nanakit sakanya?

Ria:

Oo.

Miguel:

Pero hindi ko po gets kung paano ito nagdulot sa pagkakatatag ng


apat nacore values. (nagkamot ng ulo)

Ria:

Makinig nalang kayo. Malalaman nyo rin.


Effect: fade in

Voiceover (Ria):

Si Joshua ay naglalakad sa corridors. Wala nang tao sa paaralan


dahil hapon na. Bilang pangulo, tungkulin niyang siguraduhin ang
kaayusan ng paaralan, kahit na napipilitan lang siya.

(Makaririnig siya ng mga yabag. Mapapatigil at lilingon. Walang


tao. Nagpatuloy siya sa paglalakad at muling nakarinig ng mga
yabag at ngayon ay may kasamang mahinang tawa. Napatigil siya sa
paglalakad. Pero hindi siya lumingon pabalik. )

(ipakikita ang isang maputing kamay na papatong sa balikat ni


Joshua, dahilan upang lumingon siya. Manlalaki ang mga mata niya
at mapapasigaw sabay atras)

Joshua:

Anong kailangan mo sa akin? Patay ka na! Wala akong ginawa


sayo! (tatakbo)

NEXT DAY- SCHOOL

Joshua:

Maniwala kayo sakin! Buhay siya! Nakita ko siya kahapon!

Rico:

Masyado ka lang stress, Joshua. Magpahinga ka na muna.


Imposibleng mangyari yon.

(mapapansin na tahimik ang dalawang babae)

Oh, anong nangyari sa inyo?

Rina:

H-ha? W-wala. Oo nga, baka sobrang pagod ka lang, Joshua.

Joshua:

Hindi. Maniwala kayo, nagpakita siya sa akin!


(Umiling na lamang ang tatlo at umalis na sila.)

Ayaw nilang tangggapin ang posibilidad na nagmumulto ang babae


at naghihiganti ito sakania.

(Ipakikita si Rico na tumatakbo mula 3rd floor)

Rico:

Hindi ka totoo! Layuan mo kami

(Magpapalit ang mukha bilang kay Rina. Mapapatingin si Rina sa


camera at sisigaw. Tatakbo)

(Si Joyce ay mapapatingin dali-daling aatras. )

Angel:

Wala kaming ginawa sayo! Tigilan mo na to! Patay ka na, patay


ka na!

(sisigaw ng Sobrang lakas)

(Magshishift kay Joshua na Kasalukuyang nasa 1st floor;


mapapatingin siya sa taas. Aatras siya ngunit pag-atras niya ay
nakita niya ang tatlo pang kasama.)

Joshua:

Umalis na tayo dito.

At ganoon nga ang ginawa nila habang may ilang mga tunog na
kakila-kilabot ang kanilang narinig

*sound effects*

DAY- SHOP

Sina Joshua, Rina, Angel at Rico qy patakbong papasok sa isang


shop

Joshua:

Do you guys believe me now? (hinihingal)

Angel:
Matagal na. Nagpakita rin siya sa akin dati.

Rina:

Pero bakit? Anong kasalanan natin sakanya?

Rico:

Baka nakakalimutan nyo ang ginawa niyo sakanya years ago?

Angel:

Hoy! Nandon na ka rin dati! Kaya hindi lang kami ang may
kasalanan!

Joshua:

Anong gagawin natin?

Rina:

Bahala kayo, lilipat ako ng school!

Angel: Hindi naman ako ang may kasalanan kung bakit siya
namatay! (mags-stammer) B-binalak niya kaya akong patayin dati!
May sakit sa pag-iisip yung babaeng yon!

Joshua:

Nagsisinungaling ka nanaman, Angel.

Angel:

(iirap)

Rico:

Hindi ako magaling sa pagsolusyon ng ganyang mga problema, kayo


nalang. (lalabas ng shop)

NEXT DAY- SCHOOL

Si Teacher Alaine ay nagmamadaling tumakbo papunta kay Joshua.

Teacher Alaine:

Joshua, anong nangyayari?


Joshua:

Bakit po, Maam?

Teacher Alaine:

Ang isang g7 nasa C.R. ng mga babae.

Daali-daling tumakbo si Joshua papunta sa paalikuran.

DAY- COMFORT ROOM

Kumpol-kumpol ang tao sa palikuran. Doon ay nakita nila ang


isang babae na nakahiga sa sahig, puno ng dugo at sa dingding ay
nakasulat ang mga salitang: HINDI KO KAYO TITIGILAN.

Fade out

Voiceover (Ria):

Lumipas ang mga araw, dumami ang mga kaso ng pagkamatay ng mga
studyante at karamihan sa kanila ay ang mga kilalang bullies.

(ipakikita na si Joshua ay kausap ni Teacher Alaine,parehong


seryoso)

Fade out

*bg music*

(ipinakikita na kinakausap ni Joshua si Rina)

(ipinapakita ang pagtatalo ni Joshua at Rico)

(Ipinakikita ang paguusap ni Joshua at Angel)

DAY- SHOP

Sa isang lamesa ay nakaupo si Joshua, Rico, Angel at Rina.

Joshua:

Una muna, kailangan nating malaman ang dahilan ng


pagbabalik niya.
Rina:

Maghihganti siya sa ginawa natin sakanya.

Rico:

Sa tingin ko, meron pang mas mabigat na rason.

Matatahimik ang apat. Maya-maya pay magsasalita si Rina.

Rina:

Paano kung sa school natin pala siya mismo may galit?

*insert background music*

Magtitinginan ang apat.

Fade out

Rico:

Ano bang hindi maganda sa school natin?

Angel:

Ugali ng mga studyante.

Joshua:

Wow. Nagsasabi ka na ng totoo ngayon, ha. (tatawa)

Rina:

Sa school, walang kapayapaan. Ikaw, Joshua. Naturingan kang


presidente pero wala kang ginagawa. Hindi mo magawang
ayusin ang school.

Angel:

Nahiya naman kami sayo, Rina. Ikaw nga diyan, masyadong


mapride. Hindi mo gusto na may nakakaangat o kaya may
naguutos sayo. Hindi us ang paglilingkod sayo.

Rico:
Wag kang magsalita na parang ang lvait mo. Nahuhuli kitang
nangongopya palagi. At nagsisinungaling ka pa sa teachers.
Nasaan ang integrity don?

Joshua:

Ikaw naman, Rico. Hindi mo gusto ang pagpapakita ng kahit


anong talento. Nasa Lipa Science ka kaya dapat ay kakitaan
ka ng excellence.

Rina:

Ano, maglalabasan na lang ba tayo ng kasamaan dito?

Joshua:

Sorry. Pero dahil na rin napag-usapan natin ang mga ugali


natin na hindi kaaya-aya, sa tingin ko tama si Rina.

Rico:

Na?

Joshua:

Baka nga nasa paaralan ang problema, hindi lang tayong


apat.

Fade out

Angel:

So anong gusto mong gawin namin? Baguhin ang mga ugali namin?

Joshua:

Oo. Malakas ang pakiramdam ko na hindi lang paghihiganti ang


pakay ni Maria.

Rico:

Gusto niya na tayo ang gumawa ng solusyon para sa kanya.

Angel:

Para matahimik siya?


Rina:

Para matahimik ang kaluluwa niya na napupuno ng poot sa


eskwelahang ito.

DAY- SCHOOL (3RD FLOOR)

Si Joshua, Rina, Rico at Angel ay nasa hallway.

Joshua:

Maria. Alam naming nakikinig ka. Magpakita ka sa amin. Gusto


namin malaman ang pakay mo. Kung bakit ka bumalik.

(walang tumugon)

Angel:

Kung ano man ang nagawa namin sayo noon ay pinagsisihan na


namin.

Rina:

Gusto ka namin tulungan.

Rico:

Kung hahayaan mo kami.

(Makakarinig sila ng malakas na sigaw at pagkabasag mula sa


isang room)

Pumunta sila agad sa Physics Lab.

(sumarado ng malakas ang pinto)

(paglingon nilay nakita nila si Maria)

Maria:

Tulong. Kailangan ko ng tulong.

Fade out

(Ipakikita ang mga pagbabagong gagawin nila para sa paaralan.)

(Ipakikita si Angel na nageexam, hindi na nandadaya)


(Uukit sa pader ang unang core value: Integrity)

(Ipakikita na si Rico ay nagpaparticipate na sa klase, natulong


sa group activities)

(Uukit sa pader ang excellence)

(Ipakikita na masaya ang apat dahil nakamit na nila ang dalawang


core value)

(Sumunod naman ay si Joshua, na nagsasalita sa unahan,


naglilead)

(Uukit ang salitang leadership)

(Ipakikita na si Rina ay nagwawalis, natututo na rin siyang


makisalamuha sa iba at magpakumbaba)

Umukit ang huling core value.

SCHOOL- DAY

Ang apat ay nagmimeeting sa hallways.

Joshua:

Salamat, guys ha. Sa wakas, nakamit na rin natin ang apat na


core values sa school!

(tutugon)

Rina:

Sana masaya na si Maria ngayon.

Aaron:

At payapa na ang kaluluwa niya.

(mag-aapir silang lahat)

Fade out

(Balik sa realidad)
Ria:

At ganoon nga ang nangyari kaya nabuo ang apat na core values.
Nagkaisa sina Joshua, Rina, Angel at Rico para maayos ang
paaraln natin.

Lily:

Wow! Ang ganda naman nung story, Ate.

Miguel:

Oo nga po. Salamat, Ate Ria!

Ria:

Walang anuman. Matatagalan yata bago ako makabalik ulit dito.

Mae:

Ang ganda naman ng kwintas nyo, Ate Ria.

Ria:

Ate Maria nalang. (ngingiti)

(Nagulat ang apat. Bakas ang takot sa mga mata nila)

Ria:

Ingat kayo, hanggang sa muli nating pagkikita!

(waves)

-END

You might also like