You are on page 1of 1

B: Magandang Araw baby tams!!

S1: Ako si _________

S2: At ako naman si ___________

S1: Narito kami upang ibigay ang mga kaganapan ngayong buwan ng Agosto, ang ating buwan ng Wika
na may temang Filipino: Wikang Mapagbago

S1: Unahin na natin ang naunang kaganapan ngayong buwan. Ito ay ginanap noong nakaraang
Miyerkules

S1: Ito ay ang Pista ng Pelikulang Pilipino, dito nakilala ang mga peronalidad sa paggawa ng mga
pelikulang lalahok sa pinakaunang Pista ng Pelikulang Pilipino

S2: Alamin naman natin ang mga gaganaping patimpalak

S1: Sa larangan ng paglikha narito ang Poster Making Contest na bukas para sa mga nasa baiting labing-
isa. Ito ay gaganapin sa NB 301 at 302

At ang patimpalak sa pagsulat ng tula na gaganapin sa NB 401 at 402

S2: Para naman sa mga nasa baitang labing-dalawa nariyan ang wikasuotan na gaganapin sa NB 308 at
309

At mayroon ring patimplak sa pagsulat ng sanaysay na gagapin sa NB 501 at 502

S1: Ang mga nabanggitna patimpalak ay sabay-sabay na gaganapin sa ika-walo ng Agosto sa oras na 3:30
ng hapon hanggang 6:00 ng gabi

S2: Kung kayo naman ay may talento sa pag-awit bakit di kayo sumali sa mga patimpalak na
pinamagatang Banda Rito at Tambalang Pag-awit

S1: Ito ay bukas para sa lahat ngunit may gagnaping iskrining sa ika labing-isa ng Agosto sa NB 102 at 103
para sa Banda Rito at NB 101 para naman sa Tambalang Pag-awit sa oras na 3:30 ng hapon
hanggang 6:00 ng gabi

S2: Sa Ika-labing-anim ng Agosto ay may gaganaping Palarong Pinoy, mula 10:00 ng umaga hanggang
4:00 ng hapon

S1: Sa ika-dalawamput-tatlo naming ng Agosto ay isasagawa ag pag-aanunsiyo ng mga nagsipagwagi sa


paggawa ng Talumpati, Novelty Songs, at Sariling Likhang Awitin

B: At ang Pinakahihintay ng lahat sa tatlumpu ng Agosto ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, na


gaganapin sa FEU Grand Stand

S2: Para sa mga katanungan, maaari niyong hanapin at kausapin sina Bb. Dela Villa at Ginoong. Aguilar
para sa mga mag-aaral sa ika-labing-isang baitang

S2: At sina Gng. Lingat at Ginoong Paredes naman para sa mga mag-aaral sa ika-labing-dalawang baitang

S1 at S2: Muli kami ang inyong mga tagapag anunsyo. Hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam!

You might also like