You are on page 1of 1

DIOCESAN HOLY SPIRIT MASS

ESTER SIERRA AT MARLENE PAJARON

Tuwing buwan ng Hunyo ay isinasagawa ang Diocesan Holy Spirit Mass for Catechists upang
hilingin ang paggabay ng Espiritu sa mga katekista sa kanilang pagtuturo.

Noong hunyo 20, 2017 ay ipinagdiwang ang nasabing okasyon sa Divine Mercy Parish, Biluso,
Silang, Cavite na dinaluhan ng mga katekista ng Diyosesis. Nagsimula ang pagdiriwang sa pang umagang
panalangin at ang pagtanggap ni Rdo. P. Efren Araracap sa lahat ng dumalo. Ipinakilala ni Suzette
Medina, Vicariate Coordinator ng Our lady of the Pillar ang naging tagapagsalita na si Bro. Marwill Llasos
tungkol sa tema: Holy Spirit & Communion.Ipinaliwanag niya kung sino ang Espiritu santo sa pagtingin ng
ibang sekta at relihiyon. Gayundin naman ipinahayag rin niya kung sino ang Espiritu Santo ayon sa mga
batayan ng ating pananampalataya mula sa Banal na Kasulatan at gampanin nito sa simbahan at sa
sambayanan. Sa pagtatapos ng panayam ay sinabi niya na ang basehan ng ating pagkakaisa(Communio)
ay ang Espiritu Santo na nagkakaloob sa atin ng ibat-ibang karisma na dapat nating gamitin sa pagbubuo
ng komunidad, pagbubuklod ng simbahan at ng bansa.

Matapos ang panayam ay isinunod ang raffle ng Payong Katekista at huling bahagi ng pang
umagang pagdiriwang ay ang Awarding sa mga katekistang dalawampung (20) taong naglilingkod.

Ang huling bahagi ng pagdiriwang ay ang Banal na Misa na pinamunuan ng Lubhang Kgg. Obispo
Reynaldo Evangelista,D>D> kasama ang mga nakiisang pari ng Diyosesis. Sa kanyang homilya ay sinabi ng
mahal na Obispo na ang Espiritu santo ang larawan ng pagkakaisa at bukal ng pagpapahayag ng
Mabuting Balita ng ating pananampalataya. Siya rin ang nagbubuklod sa mga parokya upang magkaisa ,
katulad ng sinabi ni San Ambrocio, na ang Espiritu santo ang nagbubuo ng simbahan.

Ang habilin niya sa mga katekista ay: suportahan at mahalin ang isat-isa, huwag pansinin ang
kahinaan ng bawat isa at patatagin ang pagkakaisa. Mabuklod sa isang pag-ibig at sa isang simbahan at
sumunod sa Diyos. We are send by the Holy Spirit to proclaim His word and spread the Good News.

Reply Reply to All Forward

You might also like