You are on page 1of 3

Abstrak

Bahay Bagong Pangarap Foundation


Ang programang itinaguyod ng aming grupo ay ang "Bahay Bagong Pangarap Foundation" na
may layuning tumulong sa lahat ng taong nangangailangan. Mapa bata man o matanda ay kanilang nais
tulungan. Ang pangunahing gawain ng aming organisasyon ay ang magbigay at tumulong sa mga tao sa
lansangan na walang matutuluga, walang makain at mga taong wala nang nag-aaruga. Nais din naming
maghayag ng pagmamahal at saya upang maibsan ang mga pinagdadaanan ng mga taong walang wala sa
buhay. Dahil sa butihing gawain ng aming organisasyon maraming tao ang naantig at nag nais na
tumulong. Kung kaya't dumami pa ang kanilang natulungan sa iba't ibang donasyon na ibinabahagi sa
kanila ng mga taong nais ding tumulong sa mga kapos palad. Mangangalap ng impormasyon ang kanilang
grupo upang kankung sino at anong uri ng mga tao ang mas nangangailangan ng tulong, saang lugar at
ilang bilang ng mga tao. Kapag ka nakalap na ang impormasyong kinakailangan ay gagawa ng
malakawakang pagsagip o pag tulong doon sa mga taong nangangailangan.
Buod ng palabas na Extinction

Ang kwento ay nagsimula sa loob ng isang bus na kung saan naeoon ang mga bidang sina Jack,
Patrick, Emma at ang kanilang anak na si Lu. Inatake ang kanilang bus at nakagat si emma, at dahil siya
ay infected na, siya ay pinatay. Makalipas ang ilang taon ay nabuhay sa magkalapit bahay sina Jack and
Patrick, si Jack na ang tumatayong ama ni Lu sapagkat dahil sa pagkamatay ng kaniyang ina ay naging
lasingero ang kaniyang amang si Patrick. Kung kaya't si Jack na ang kumupkop at nag alaga dito. Hindi
nag uusap ang dalawa at hindi hinahayaan ni Jack na lumapit o kausapin ni Lu si Patrick. Gayon pa man
ay naging malapit si Lu sa alagang aso ni Patrick at palagi silang nagkikita sa gilid ng mga harang. Sa pag
alis ni Patrick at kanyang aso nakakita sila ng patay na soro at tiningnan niya kung saan ito nagmula at
nakita niya ang isang infected zombie, sinubukan niyang makatakas ngunit napatay ang kanyang alagang
aso; dahil dito nagalit si Lu kay Jack dahil hindi niya ito tinulungan. Si Lu ay pumunta kung saan
nakalibing ang alagang aso ni Patrick at may umatake sa kanyang zombie ngunit naagapan ito ni Jack.
Nahuli nila ang isang zombie at itinali. Isang araw nagpunta sila sa warehouse upang kumuha ng ibang
kagamitan at ng paalis na sana sila nakita nila ang isang babae. Inuwi nila ang babae at nalaman nila na
ito pala ay buntis. Nang nasa bahay na sila nakarinig ang babae ng ingay o ungol na nagmumula sa isang
zombie at agad niya itong binaril at sinabi na sa paraang iyon sila tumatawag ng ibang kasamahan nila.
Sinimulan nilang ayusin ang kanilang bahay na tinitirhan upang hindi agad ito mapasok ng mga zombie.
Nag patugtog ng malakas na kanta ang babae dahilan upang tumigil ang mga zombie sa pag-atake ngunit
tumigil ang kanta dahil ditto nag desisyon si Patrick na isakripisyo ang buhay niya upang makatakas si
Lu, Jack at ang babae. Sa huling bahagi nakalabas ng lugar sila Lu, Jack, at ang babae at nakita nila ang
pagsikat ng araw.
Bionote

Si Ginoong Sukhvir Talwar ay nagtapos ng Aeronautics sa Airlink International Aviation


College bilang isa sa sampung may pinaka mataas na marka sa kanilang batch. Bago makapag tapos ay
nag trabaho siya sa isang fast food restaurant na Jollibee upang makapag ipon at may maipantustos sa
kaniyang pag-aaral. Ng makatapos ay nag tayo sila ng Foundation at pinangalanan itong "Bahay Bagong
Pangarap". Upang tumulong sa mga taong nangangailangan mapa batang mga yagit na walang matuluyan
o mga matatandang wala ng pamilya't iniwan. Nais nilang mag hayag ng saya at magbigay ng
pagmamahal sa mga taong nangungulila. Taong 2025 naitayo ang kanilang foundation at magmula noon
ay nagsimula na silang tumulong, kumuha at mag alaga ng mga taong wala nang matutuluyan. Dahil dito
ay nabawasan ang mga taong yagit sa lansangan at nabigyan sila ng tahanang matutuluyan. Ng malaman
ng masa ang kanilang ginagawang kabutihan ay tinangkilik nila eto, marami ang natuwa at naghayag ng
mabubuting komento. Inulan ng papuri ang kanilang foundation at maraming tao ang nahikayat tumulong.
May mga nagpadala ng mga tulong mapa pinansyal o pagkain o kagamitan. Lahat ng ito'y nilalaan para sa
mga taong kapos palad kaya tumagal at patuloy na tumutulong ang kanilang organisasyon.

You might also like