You are on page 1of 3

PRES.

RODRIGO DUTERTES STATE OF THE


NATION ADDRESS 2017

1. Ano-ano ang mga posibleng isyu na bibigyang diin ni Pangulong Duterte?

Binigyang diin sa ikalawang State of the Naton Address (SONA) ni


Pangulong Duterte ang ang mga isyu tungkol sa pagmimina, rebelyon,
independent foreign policy, at ang pagbabalik ng death penalty kontra
ilegal na droga at kriminalidad.

2. Batay sa mga nasabing isyu, ilahad ang mga plano ng ating Pangulo
para sa taong ito.
PANG-AGRIKULTURA
Hiniling niya na tumayo ng mga pagawaan para sa
pagpoproseso ng mga hilaw na materyales patungong yaring
produkto imbes na mag-export ng mga hilaw na materyales sa
abroad at ibabalik sa atin bilang yaring produkto na doble pa ang
presyo mula sa orihinal nitong presyo.
EDUKASYON
Pinatunayan niya ang kanyang pangako na matupad
ang K-12Program
PANGKALUSUGAN
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi siya sang-ayon sa
abortion at birth control ngunit binibigyan niya ng kalayaan
ang mga Pilipino para pagdesisyunan ang ang paglaki ng
kanilang pamilya. Nabanggit rin ang pagpapalawig ng
health coverage para masaklaw ang mga mahihirap sa
lipunan at ang Smoking Ban na sinimulang ipatupad nitong
Linggo, Hulyo 23.
IMPRASTRAKTURA
Naisaad niya noong siyas nangumpanya para sa
pagkapangulo na may mga lugar na puro daan at minsan nga
isang highway lamang ang dinadaanan nila. Plano nilang gawin
ang sumusunod na taon sa Pilipinas na Gintong Panahon ng
Imprastraktura upang mapahusay ang ating kadaliang kumilos at
pagkokonekta at nang sa gayoy mapalakas ang paglago ng unlad
sa bansa. Inilunsad nila ang mga bagong sasakyang RORO upang
isama ang pangunahing ruta sa buong bansa. Binuksan nila ang
isang ASEAN RORO Shipping Route na kumokonekta sa mga
daungan sa Davao at GenSan. Minodernohan din nila ang mga
port ng Iloilo, GenSan, Cagayan de Oro at Zamboanga.
Kukumpletuhin ang mga estratihikong proyekto ng kalsadat tulay
at ilan sa mga seksyon ng kalsada ay palalawakin at pagbubutihin
ang lumalalang trapiko
PANGKAPAYAPAAN
Intensyong wakasan ni Pangulong Duterte ang
anumang rebelyon kaya makikipagsundo ito sa mga
komunistang rebelde at sa mga Pangulo ng muslim sa
pamamagitan ng usapang pangkapayapaan.
EKONOMIYA
Pinaliwanag niya na kakambal ng Peace and Order
ang maunlad na ekonomiya
3. Ano-ano pa kayang polisya, programa o plano ang ipatutupad niya
pagkatapos ng SONA?

Patuloy na pagtulong sa mga mamamayan ng Marawi/ Pagbalik


ng kapayapaan sa Marawi at sinabi na ang P25 bilyon na
kasunduan ng Mighty Corporation ay maaaring gamitin para sa
muling pagtatayo ng Marawi
Pagtigil sa pagbenta at paggamit ng ilegal na droga
Hinimok din ni Duterte ang mga mambabatas na ipasa ang
pambansang batas sa paggamit ng lupa upang matiyak ang
makatuwiran at napapanatiling paggamit ng ating mga
mapagkukunan ng lupa
Ipagbabayad ang pagmiminang sumira sa kalikasan
Paglaan ng pera para sa Sandatahang Lakas ng
Pagpataw ng parusang kamatayan
Hiniling niya rin ang pagpapabalik ng Balangiga Bells mula sa
Amerika
Pagbawas ng korapsyon sa gobyerno
Binibigyang diin ng pangulo ang kanyang mga plano para sa isang
programa sa reporma sa buwis upang itaas ang pambansang
badyet
Ipinagutos niya rin ang pagtugon sa Climate Change
4. Ano-ano pa kayang hakbang ang gagawin ng Pangulo patungkol sa isyu
ng War on Drugs?
Hindi intensyon ng pangulo ang kumitil ng buhay dahil
pinahahalagahan niya ang buhay ng ibang tao katulad ng
pagpapahalaga niya sa kanyang buhay, ngunit hindi siya aatras at hindi
siya titigil sa pagsugpo sa suliranin patungkol sa paggamit ng ilegal na
droga sa kabila ng pakikialam ng International Community dahil dito
nagmumula ang kasamaan at paghihirap.
5. Ano ang iyong reaksiyon/ masasabi at saloobin ukol sa SONA ng ating
Pangulo ngayong taon?
Naging matiwasay ang ikalawang SONA ng ating Pangulo
kung saan binigyang diin niya ang isyu patungkol sa ilegal na droga, sa
pagmimina, rebelyon, independent foreign policy, at ang pagbabalik ng
death penalty kontra ilegal na droga at kriminalidad. Para sa akin, hindi
niya sinayang ang tiwala nating mga Pilipino dahil sinabi niyang
ipagpapatuloy niya ang mga proyektong nasimulan at nagpakita siya ng
kalakasan ng loob upang maisiwalat ang kanyang mga programa at
plano upang masugpo ang ang mga suliranin sa ating bansa patungkol
sa edukasyon, pang-agrikultura, pangkalusugan, imprastraktura,
pangkapayapaan at ekonomiya. Sinabi niya rin na gagawin niya ang
lahat upang maibalik ang kaayusan sa Marawi. Inaasahan ko na
mabibigyang aksiyon at prayoridad ang mga bagay na mas dapat
bigyan ng pansin sa mas lalong madaling panahon. Sana ay mabigyang
katuparan ang lahat ng mga ipinangako ni Panguong Duterte. Huwag
sana siyang magpaapekto sa mga sinasabi ng iba at baguhin ang mga
programa na hindi makabubuti para sa sambayanang Pilipino.

You might also like