You are on page 1of 1

2 Korinto 9:7

Magbigay ang bawat isa ayon sa ipinasya ng kaniyang puso, hindi sa


kalungkutan o sa pangangailangan sapagkat iniibig ng Diyos ang
nagbibigay ng masaya.

Ang lahat ng biyayang natanggap sa araw-araw ay nagmula sa ating


Panginoong Diyos. Marapat lamang na ipagkaloob natin sa kanya ang mga
natatanggap nating biyaya ng buong galak. Higit pa sa ating mga
pangangailangan, nakakapagbigay pa tayo na nagmumula sa ating
kaibuturan ng ating puso at masaya tayong nagbibigay nang hindi labag sa
ating kalooban.

Panginoon, pinupuri Ka namin at pinasasalamatan Ka namin sa Iyong


dakilang pagmamahal at sa mga biyayang natatanggap namin. Panalagin
namin Ama ang buong kongregasyon sa araw na ito. Nawa'y patuloy pa
kaming makapagbigay nang buong kagalakan at may sinseridad.

Mahal naming Ama, walang sinuman ang makakapagbigay ng biyaya sa


simunan na may mabigat na suliranin at hindi namin maibibigay ang lahat
ng ito sapagkat Ikaw ang nagbigay ng lahat ng biyaya ng may kasiyahan.

Basbasan Nyo po ang aming alay na biyaya sa araw na ito. Nawa'y patuloy
Kang maghari sa aming mga puso. Ito po ang aming samu't dalangin
namin, sa matamis na pangalan ng Iyong anak na si Hesus. Amen.

You might also like