You are on page 1of 4

Last week pinag-usapan na natin ang sanctity of family life churva at ang trying hard to protect

kuno ng State na panatilihing buo daw ang pamilya. Sabi din natin last week, wala talaga tayong
absolute divorce dito.

Naku teka, ang Pinoy nga pala kahit nasa ibang bansa pa siya na allowed ang divorce, hindi pa rin
siya pwedeng mag avail ng divorce ha. Meron kasi tayong makulit na provision sa Civil Code
governing the status of a Filipino citizen. Eto o:

Article 15. Laws relating to family rights and duties, or to the status, condition and legal
capacity of persons are binding upon citizens of the Philippines, even though living
abroad (New Civil Code of the Philippines)

Nakita mo! Wala ka talagang kawala dyan. Buti sana kung inimbento ko lang yan.
Parang nowhere to hide lang ang peg. Basic: kahit nasaan ang isang Filipino citizen, he or she will
be governed by Philippine laws as long as it relates to family rights and duties, or to the status,
condition and his/her legal capacity. At dahil wala tayong divorce law, kahit saang lupalop ka pa
magtago, hindi ka pa rin pwede mag avail ng absolute divorce.

Please take note of the words Filipino citizen. Mamaya kasi may ibubulong ako tungkol dyan.
Pero kahit naman sabihin nating wala talaga tayong diborsyo dito sa Pinas, sandamukal naman na
Pinoy sa ibang bansa ang nakakapangasawa ng foreigner (pronounced as por-eyn-jer). Paano
naman sila kung sila naman ang ideborsyo ni foreigner (again, pronounced as por-eyn-jer)? Para
madali mo maintindihan, tatawagin nating mix marriage ang set-up na yan kung saan ang isang
Pinoy ay nakapangasawa ng por-eyn-jer.

Eto ngayon ang problema. Kasi nga naman, kung halimbawa si por-eyn-jer ay ideborsyo si Pinoy, si
Pinoy pala ay hindi pwedeng mag-asawa kasi walang divorce tayo sa Pinas. Ayun o! Balikan mo si
Article 15 sa taas. So habang nagpapasasa si por-eyn-jer sa bago niyang asawa, nakatunganga
lang sa isang tabi si Pinoy kasi hindi siya pwede mag-asawa ulit.

Kabwisit lang ano?

Nothing to worry. Mapaparaan talaga ang mga Pinoy. Mantakin mo sa Family Code nag insert sila
ng provision para nga naman maprotektahan ang kapwa Pinoy sa isang mix marriage. Eto o:

Article 26 (2nd paragraph). x x x


Where a marriage between a Filipino citizen and a foreigner is validly
celebrated and a divorce is thereafter validly obtained abroad by the alien
spouse capacitating him or her to remarry, the Filipino spouse shall likewise
have capacity to remarry under Philippine law (As amended by Executive
Order Number 227, July 17, 1987).

O, nataranta ka naman dahil nakabasa ka ng salitang alien. Di yan yung gumagamit ng spaceship,
hunghang. Yan yung tawag sa por-eyn-jer.

Pero yun nga. Sabi sa Art. 26 (2), kung mag aavail ng divorce si por-eyn-jer, magbebenefit na din si
Pinoy. So once na-grant ito sa ibang bansa, kahit si Pinoy ay pwede na ring makapangasawa muli.

Take note: ang provision ng Art. 26 (2) ay applicable lang sa mix marriage, meaning: isang Pinoy
at isang por-eyn-jer. Hindi ito applicable sa Pinoy sa Pinoy. Hindi rin pwede na si Pinoy ang
magdedeborsyo kay por-eyn-jer. Malinaw naman ang sabi sa batas na ang dapat na mag-avail ng
divorce ay si alien, este, si por-eyn-jer.
Sa Tenchavez vs Escano (15 SCRA 256), isang Pinay nurse ang nag avail ng divorce sa Nevada, USA
against sa Filipino husband niya. Although recognized siya sa US, sinabihan siya ng Supreme Court
na hindi yan recognize dito sa Pinas. So technically daw, Filipina nurse committed adultery daw
nung nagpakasal uli siya after obtaining divorce.

Lagi ka lang babalik sa basic. May mix marriage ba? Kung oo ang sagot mo, pasok ka sa Art. 26
(2). Pangalawang titingnan mo, sino ba ang nag-avail ng divorce? Si Filipino spouse ba or si por-
eyn-jer? Tatandaan mo na dapat si por-eyn-jer ang nag avail. Kasi kung si Pinoy, di pwede yon
dahil Philippine law ang maggogovern sa kanya, which is, no-no to divorce.

Pano kung halimbawa Pinoy sa Pinay ang marriage tapos later on yung isa naging citizen ng ibang
bansa? Tapos itong si former Pinoy ay nag avail ng divorce sa ibang bansa against kay Pinay.
Pwede ba yun e sabi kanina sa taas, Philippine law ang maggo-govern sa Pinoy with respect sa
family rights and duties, or to status, condition and legal capacity of persons?

Tingnan mo ng mabuti ha. Technically, we have a mix marriage na dyan kasi yung isa ay foreign
citizen na. At the time Pinoy availed of the divorce decree, foreign citizen na siya e. So from there,
pwede mo ng i-apply ang Art. 26 (2) for mix marriage kasi yung isa ay Pinay at ang isa ay foreign
spouse na. Yan kasi ang sabi ng Supreme Court sa kaso ng Llorente vs CA. Ang sabi pa nga daw
dito, a second marriage obtained by a Filipino who is already a US citizen at the time of the divorce
and the remarriage makes the second marriage completely valid.

Sumegue pa dito ang Republic vs Obrecido (G.R. No. 154380, 05 October 2005). Ang sabi daw, the
reckoning point is not the citizenship of the parties at the time of the celebration of the marriage,
but their citizenship at the time a valid divorce is obtained abroad by the alien spouse.

O eto, babawasan ko na sana kadaldalan ko pero kabwisit lang itong kwentong ito e. Etong si Pinay
kasi ay nakapangasawa ng por-eyn-jer na taga States (lets call him Richard). Kinasal sila sa
Hongkong noong 1972. Pagkakasal nila, tumira sila dito sa Pinas at nagkaroon ng dalawang anak.
To cut the story short, nag divorce din ang dalawa sa Nevada, USA noong 1982 at itong si Pinay ay
nakapangasawa uli ng por-eyn-jer.

A year after, itong si Richard ay nagsampa ng kaso sa Pasay City para habulin ang business ni Pinay
kasi daw conjugal daw ito. So sabi ni Richard, dapat daw itong si Pinay ay mag account sa business
na iyon at ibigay sa kanya [Richard] ang pamamahala ng business which is conjugal according to
him. Sabi naman ni Pinay,Ano ka, bale?! Barred ka na by previous judgment in the divorce
proceedings before the Nevada Court kasi in-acknowledged mo na wala tayong community property
as of June 11, 1982. Neknek mo.

Mantakin mong kinampihan ng korte si Richard? Sabi kasi ng korte sa Pasay, ang property daw kasi
na pinag-tataluhan nila ay nasa Pinas so ang Divorce Decree sa ibang bansa ay walang bearing kasi
naman wala daw tayong divorce dito.

Yung naging decision mismong iyon ng Pasay court ang naging subject ng labanan na umabot
hanggang Supreme Court.

Ang sabi ng SC, binding ang Nevada law kay Richard, being an American citizen. Pursuant sa
national law niya, (dahil divorce na nga sila) hindi na niya asawa si Pinay. PERIOD. He would have
no standing to sue in the Philippine courts as Pinays husband entitled to exercise control over
conjugal assets. Bound siya ng Decision ng korte ng sarili niyang bansa na may valid jurisdiction sa
kanya. So kung sinabi sa bansa niya na tapos na ang lahat sa kanila ni Pinay, e di tapos na! So
wag na raw siyang mag-inarte at maghabol pa sa property ni Pinay dito sa Pinas tapos sasabihin
niyang keso daw wala namang divorce sa Pinas.

Eto ang maganda sa sinabi ng SC: To maintain, as [R]ichard does, that, under our laws, [P]inay
has to be considered still married to [h]im and still subject to a wifes obligations under Article 109
of the Civil Code cannot be just. [P]inay should not be obliged to live together with, observe
respect and fidelity, and render support to [R]ichard. The latter should not continue to be one of
her heirs with possible rights to conjugal property. She should not be discriminated against in her
own country if the ends of justice are to be served. ( Van Dorn vs Romillo, 139 SCRA 139)

Kung dangan ba namang dito pa siya nagpunta sa Pinas para maghabol ng property tsktsktsk.

Wrong move, pare.

Note: Wag kang masyadong excited. Hindi porke na-divorce ka na ni por-eyn-jer e automatic
mag-aasawa ka na dito sa Pinas. Kailangan mo pang ipa-recognize pa rin sa court dito ang Divorce
decree.
Writers Note: The words used in this text are carefully chosen to conform to the understanding
of the layman.

You might also like