Professional Documents
Culture Documents
MAYNILA, Pilipinas Dalawang araw matapos ibunyag ni Gina Lopez ang umanoy
walang habas na pagputol ng mga puno ng isang kompanyang minahan sa Palawan,
ipinag-utos na ng bagong upong kalihim ng Department of Environment and Natural
Resources (DENR) na si Roy Cimatu ang naturang ilegal na gawain.
Nitong Biyernes, personal na ininspeksiyon ni Cimatu ang lugar at inutusan na nito ang
nasabing kumpanya na itigil na ang pagputol sa mga puno sa lugar.
I saw the area, wala na talagang kahoy. It was very unfortunate that this happened, wika
ni Cimatu sa panayam ng Inquirer.
Hinimok din ni Cimatu ang Ipilan na harapin ang reklamong posibleng isampa ng DENR
laban dito.
There will be no going around the law, wika ni Cimatu sa mga opisyal ng kompanya.
You should be man enough to face the consequences if you make a mistake.