You are on page 1of 2

SABI sa mga alamat, nagka-panahon nuong nakaraan, ang mga diwata o diyos ay

namuhay tulad at kasa-kasama ng mga tao. Kahit na sila ay may hiwaga, nagsalita sila
at umibig, namili sa talipapa at iba pang karaniwang gawain ng mga tao hanggang
ngayon. Ang alamat ni Mariang Makiling ay tungkol sa 2 ganitong diwata nuong Unang
Panahon, sina Gat Panahon at Dayang Makiling, at ang kaisa-isa nilang anak, si Maria.

Maganda at magiliw si Maria, at wiling-wili ang mag-asawang diwata sa anak na


itinuring nilang kanilang kayamanan at ligaya sa buhay. Diwata rin tulad ng mga
magulang, hindi karaniwan si Maria subalit naki-halubilo siya at nakipag-usap sa mga
tao.

Naging ugali niya ang mamasyal sa talipapa kapag araw, naka-damit ng sutla (seda, silk)
na may borda (embroidered ) ng mga bulaklak, ang uso nuon. Ang makapal niyang
buhok, abot hanggang sakong (taln, heel) ang haba, ay may sabit na mga bulaklak ng
suha ( pomelo, grapefruit). Marikit ang kanyang mga mata (ojos, eyes) kaya pati mga
babae ay naakit makiharap sa kanya. Pagdaan niya, yumuyuko ang mga tao sa
magalang na pagbati.

Dalawang katulong na Aeta ang lagi niyang kasama pagpunta sa talipapa. Hindi
lumalayo ang mga Aeta, bitbit ang isang buslo (basket) ng luya na ipinagpa-palit ni
Mariang Makiling - wala pang salapi nuon, at ang bilihan sa katunayan ay palitan
lamang ng mga dala-dalang bagay - sa mga salakot, banig (sleeping mats), at sutla
(seda, silk).
Isang araw, nagtungo sa talipapa ng Makiling si Gat Dula, ang panginuon sa nayon ng
Bai, upang mamili at mag-aliw. Siksikan ang mga tao duon sapagkat araw ng
pamilihan nuon, at lahat sa nayon ay nasa talipapa. Pati ang mga taga-kalapit
baranggay at nayon ay dumayo upang magkalakal din, bitbit ang kanilang mga
paninda. Nanduon din nuon si Mariang Makiling at nagkataon, nakasabay niya si Gat
Dula sa pagtawad sa isang piraso ng balat ng hayop. Kapwa nakaharap sa nagtitinda,
nagkadikit ang kanilang mga balikat, at nagkatinginan silang dalawa. Hindi sinasadya,
nahipo pa ni Gat Dula ang kamay ni Mariang Makiling sapagkat hawak nilang magka-
sabay ang balat ng hayop.

Bilang hindi ng paumanhin, yumuko si Gat Dula kay Maria na, sa hinhin, ay hindi
sumagot at tumingin sa malayo. Nagkakilala sila at pagkaraan ng mahabang pag-uusap,
nakangiti nang bahagya si Maria nang maghiwalay sila. Mula nuon, madalas dumalaw
si Gat Dula sa bahay nina Gat Panahon at Dayang Makiling, subalit kahit kailan man,
hindi na niya nakaharap si Mariang Makiling. Lagi siyang wala sa bahay at tumutulong
sa mga tao. Nuon kasi, gawi ng mga tao kapag nagigipit na lumapit sa mga diwata at
humingi ng tulong, at pakay naman ng mga diwata ang tumulong sa mga tao.

Isa pang dahilan hindi na nakita uli ni Gat Dula si Mariang Makiling: Siya ay isang
nilalang na tao samantalang si Maria ay isang diwata. Gaano man katalik sila, hindi
maaaring mag-ibigan ang 2 magka-ibang nilalang.

You might also like