Tapos na, akala ko Masaya na ako, masaya ka na. Babalik na naman ba tayo sa kung paano mo punasan ang mga luha ko, Babalik ba tayo sa kung paano mo halikan ang noo ko Sa kung paano bawat linggo ay sinusundo mo Mahal, kasama mo ako sa bawat biyahe mo.
Ilang taon na ba?
Isa? Dalawa? Tatlo? Higit pa nga Nang maispan mong mas may mahal ka pang iba. Nakakatawang isiping noon ako ang mundo mo Nakakatawang paano mo ipangako ang mundo sa akin Alam mo bang lahat ay tinanong, panget ba ako? Kapalit-palit ba ako? Hindi ko ng alam kung ilang ulit ko ng pinanood ang exs and whys nayan Iniyakan si Popoy at Basha, lahat ng eksena ay halos namemorya.
Sinubukan kong umalis at lisanin ang uniberso
Walang araw na di ko nilamon ang sarili sa KDRAMA At baka sakaling bumalik ang lahat ng kilig na pinadama mo Ngunit, mahal, wala, walang wala.
Hindi ko alam bakit bumalik pa
Upang ba ibalik ang kilig? O kung paano ipadama ang sakit? Ayoko nang pakiramdam na kiligin kung sakit ay mauulit pang muli Ayoko nang maranasan ang walang hanggan dahil alam kong may masasaktan Ayoko na maramdamang mahalin dahil baka ay tuluyan ko nang limutin ang mundo.
Mahal, pakiusap hayaan mo munang magdalamhati ang aking puso
Hayaan mong mahalin ko muna ang aking sarili Hanapin ang aking sarili Hayaan mo munang hindi maniwala sa kapangyarihan ng ikaw at ako At baka tuluyang malimutang baka ang para sa akin nandiyan lang.
Pakiusap, huwag ka nang bumalik
Huwag na nating balikan ang kung paano ay pinasaya mo ako Pakiusap, bumalik ka man ay huwag sa akin kundi sa kaniya Siya na lamang muli ang pangakuan mo ng daigdig At hayaang ako na bubuo ng aking sariling mundo Baka hindi kasama ng kahit sino kundi ng sarili ko.