You are on page 1of 1

Borromeo,Jon Rey S.

Bakit nag papabuntis kung hindi naman kayang tustusan

Madaming nabubuntis ngayon dahil nga sa mga kabataang sumasabak sa premarital sex o
pagtatalik ng mag partner na hindi pa nila asawa madami nang nanyayaring ganito
napagalamandinsabawat 100 kabataan nakikipagtalik umano sa taong nakilala lang nila sa internet o
naging textmate.Nakakabahala din umano na karamihan sa mga umaming sumasabak sa premarital
sex ay walang proteksiyon kapag nakikipagtalik na ang resulta at pagbubuntis ng wala sa plano at
posibleng pagkakaroon ng sexually transmitted diseases o STD.

Ayon kay Josefina Natividad,director,UP Population Institute,dahil sa modernong


teknolohiyangnagkakaroon ng paraan ang mga kabataan na may makakilala. Sa ganitong
pagkakataon,sinasabingmahalaga umano ang magiging papel ng mga magulang at maging ng buong
komunidad na ginagalawan ng isang kabataan.Sa pag-aaral na ginawa nitong 2013,lumitaw na isa sa
bawat tatlong kabataang Pinoy ang sumasabak sa premarital sex.Katumbas umano ito ng 6.2 milyon
kabataang Pinoy na kumakatawan sa 32 prosiyento, na mas mataas sa naitalang 23.2 prosiyento
noong 2012.

Lumabas din sa pag-aaral na mas marami ngayon ang paraan ng sexual activities ng mga
kabataan na casual sex o pagtatalik ng walang emotional attachment at nadadagdagan din
pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki at dahil dito marami narin nag kakaroon ng sakit na nakukuha
sa ganitong sexual activities at maaraming kumalat kapag nakipagtalik sa ibang tao na pwedeng
mahawa sa ganitong sakit kaya sana maging aral sa kanila ito at magawan ng paraan ng gobyerno ito
at para matigil ang mga gantong pangyayari na hindi mag karoon ng mga sakit.

May mga vulnerabilities dito tapos hindi naman handa ang mga magulang na pag-usapan
ang mga bagay tungkol sa sekswalidad.Sana naman maging handa ang mga bata natin para dito
ayon kay Michael Tan, isang anthropologist.Mas maganda na ang maaksyonan ang mga bagay na ito
dahil kailangan din ito nang mga kabataan para mas maging maayos ang kanilang pag aaral at para
mapagbuti nila ang kanilang mga buhay kung sakali man na makapag tapos ng pag aaral at maayos
ang kanilang magiging buhay dahil alam nila ang kanilang ginagawa.

Ayon kay Kenneth Acebuche mag aaral ng Holy Spirit Integrated School na masama ang premarital
sex dahil sa hindi nga kasal at pwedeng mang yari sa mga kabataan at marami ang mapapariwara
dahil dito dahil wala sa plano ang mga pangyayari at hindi masasabi kung magiging maganda ang
pagbubuntis dahil walang sapat na pantustos sa bata kung sakaling mangyari ang mga bagay nato
kaya mas maganda na ang maging alerto sa mga ganto.

You might also like