You are on page 1of 4

Andres Bonifacio at ang Katipunan

Kalupitan,pagkamkam ng kayamanan at pang-aalipin ay ilan lang sa mga ginawa


ng mga Kastila sa panahon ng pananakop nito sa bansang Pilipinas. Tatlong daan tatlungput
tatlong taong sinakop ang Pilipinas. Ilan sa mga Pilipinong nakapag-aral ay sumalungat sa mga
Kastila at pinilit na magkaroon ng kalayaan.
Si Andres Bonifacio kahit walang pormal na pinag-aralan ay naging interesadong
lumaban dahil kay Dr. Jose Rizal. Dahil sa labis na kalupitan nang mga Kastila ay nais niyang
lumaban gamit ang dahas. Isa din sa naging ugat nang labis na galit ni Andres sa mga Kastila
nang pugutan nito ng ulo ang tatlong Pilipinong pari na sina Padre Gomez, Padre Burgos at
Padre Zamora. Kinikilala ding unang gobyerno ang Katipunan na itinatag ni Andres Bonifacio at
siya ang unang pangulo na nakipaglaban sa mga Kastila ngunit hindi ito kinikilala ng
pamahalaan.
Noong Marso 22, 1897 naganap ang Tejeros Convention na dinaluhan ng mga
taong makata at mga rebolusyonaro kasama na si Andres. Sa pagpupulong ay napagkasunduang
maghalal ng Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas. Si Bonifacio na sana ang ilagay sa
pwesto ng pagka-pangulo ngunit itoy tinutulan sapagkat palagi na lang natatalo ang mga
Katipunero laban sa mga mananakop. Si Heneral Emilio Aguinaldo ang napili kahit wala siya sa
mismong botohan. Nahalal si Bonifacio sa pinakamababang posisyon ngunit tinutulan pa rin ito
sa kadahilanang wala siyang kapasidad sa pamumuno dahil wala siyang pormal na pinag-aralan.
Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan na nakipaglaban sa mga Kastila.
Ngunit hindi nakilala ang kanyang pakikipaglaban dahil sa kataksilan ng ilang mga ilustrado sa
panahong iyon kasama na dito si Heneral Emilio Aguinaldo. Kung hindi pa sana nag-organisa ng
grupo si Bonifacio at mananatiling inaapi ang mga Indio. Nakamit rin ang unang kalayaan nang
pinunit ng mga rebolusyonaryong Pilipino ang kanilang sedula sa pangunguna ni Andres
Bonifacio na kinikilalang ang Supremo.
Dahil sa walang pagkakisa ang mga Pilipino sa panahong iyon ay hindi
nagtagumpay ang rebolusyon at nagdulot lamang ito nang kasawian. Ginawa ni Andres
Bonifacio ang pakikibaka para sa kanyang pamilya upang hindi na sana maranasan ng sumunod
na henerasyon. Itinuring niyang pamilya ang mga Pilipino kaya niya ibinuhos ang kanyang
buhay.
Sa panahon natin ngayon ay tila nalimutan na ng mga kabataan ang naiambag ni
Andres Bonifacio sa ating kalayaan. Dahil ito sa mga modernong teknolohiya, wala nang
panahon sa pananaliksik at hindi na rin itinuturo sa mga paaralan. Dapat na magsagawa nang
paraan upang maituro o maipaalam pa rin sa mga kabataan ang kasaysayan kung paano nagbuwis
naang buhay an gating mga bayani para sa kalayaan na ating tinatamas sa kasalukuyang
panahon.
Ang pagsusumikap at pagpipilit na kumita ng ikakabuhay ay nagpapahayag ng
tunay na pagmamahal sa sarili, sa asawa, anak, kapatid, at kababayan. Andres
Bonifacio (Kartilya ng Katipunan)
Ang Pakikipagsapalaran ni Heneral Emilio
Aguinaldo: Ang Unang Pangulo

Si Heneral Emilio Aguinaldo ang Kapitan Municipal ng Cavite El Viejo nang


sumali siya sa Katipunan na itinatag ni Andres Bonifacio, ang Supremo. Si Aguinaldo ay isang
mabuting tao at may ginintoang puso. Siya ang lider ng Katipunan sa Cavite nang bumagsak
Katipunan sa Maynila sa pamumuno ng Supremo. Sa pangunguna rin niya ay bumagsak ang
puwersang Kastila sa Cavite El Viejo, dahil sa magaling siyang mamuno ay maraming laban
silang napagtagumpayan at napalaya ang Cavite mula sa mga Kastila. Sa ginanap na Tejeros
Convention siya ang naihalal bilang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas. Siyay inihalal
kahit wala siya sa mismong botohan dahil nakikipaglaban siya sa Pasong Santol.
Si Heneral Aguinaldo ay napakahusay na lider at ang mga digmaan na hinarap ay
kayang napagtagumpayan. Malaki talaga ang naimbag ng mga magagaling na lider sa naganap
na himagsikan. Sa pagkakaroon ng magaling na lider ay kalamangan ng isang hukbo. Marami
ang magagaling sa panahon ng himagsikan ngunit walang pakakaisang nangyari. Ang nangyari
ay nagkaroon nang hidwaan at humantong sa kamatayan. Si Heneral Aguinaldo pa mismo ang
nag-utos na patayin ang Supremo ng Katipunan dahil sa kataksilan.
Nagsisilbing kataksilan sa kapwa ang naganap. Ang sanay nagkakaisang mga
Pilipino ay nahati at kinalaban ang kapwa kaysa sa mga Kastila na siyang tunay na kalaban.
Maiuugnay din natin ito sa kasalukuyang panahon na Pilipino laban sa Pilipino; Militar laban sa
mga NPA, Abu Sayf, BIFF, MILF, MNLF, Maute Group at iba pang mga teroristang grupo. Sino
ba ang kasapi ditto di ba mga Pilipino. Nagpapatayan ang mga Pilipino dahil sa walang
pagkakasundo. Ibig sabihin ba nito na nawala na nagsaysay ang kalayaan na ipinaglaban ng ating
mga bayani.
Utang na loob natin sa kanila ang natatamasa natin sa ngayon. Marami pang
sinakripisyo ang ating mga ninuno na dapat bigyang halaga. Hindi sasapat ang pagpapatayo lang
ng nga monumento para sa ating mga bayani upang silay maalala. Dapat sana na ituro pa rin ang
naging buhay ng ating mga bayani hindi dapat si Rizal ang siyang pag-aralan pati na rin sana ang
lahat ng mga naging bayani. Sa huli ating bigyang halaga ang papel ni Heneral Emilio Aguinaldo
sa pagkamit ng kalayaan. Siyay isang mabuting lider na dapat tularan sa kasalukuyang panahon.
Huwag sana tayong maging dayuhan sa sarili nating kasayasayan. Na
magsisilbing gabay sa atin tungo sa pag-preserba ng ating kasaysayan. Parang bumabalik lang
ang dating panahon nangangailangan tayo ng makabagong Heneral Aguinaldo na isang magaling
na lider at walang ibang iniisip kundi ang kapakanan ng bayan. Sanay makatagpo pa ang mga
Pilipino na katulad kina Andres Bonifacio, Heneral Aguinaldo at iba pang mga bayani nang
mabago ang bulok na sistema ng pamahalaan sa kasalukuyan. Kung walang gagayin ang
pamahalaan sa ngayon maituturing na bitag tayo ng mga dayuhan.
Gamit ng Wika sa Lipunan
1. Instrumental
a. Ina maniwala ka, hindi ako ang nagnakaw sa kapitbahay natin inosente ako.
b. Ang ganda naman mg damit mo ngunit parang hindi bagay sayo.
c. Nagpaliwag si Ben nawala siyang kasalanan sa pagkabasag ng pinggan.
d. Pinuri ng guro ang kanyang mga estudyante dahil sa kahusayan nito.
e. Hinikayat ng pamahalaan na sumuko ang mga taong sangkot sa illegal na droga.

2. Regulatori
a. Si Roger ay nakakita ng babalang Bawal umihi ditto kaya naghanap siya ng palikuran.
b. Nagwala ang bata dahil hindi siya binigyan ng pera ng kanyang ina.
c. Nagpalabas ng bagong polisiya ang paaralan.
d. Inutos ng Pangulo ng Republika ang pag-ban sa paninigarilyo sa buong bansa.
e. Umiyak ang sanggol dahil gusto nitong uminom ng gatas.

3. Heuristiko
a. Nagtanong ang bata kung ano ang ASEAN.
b. Ipinaliwanag ng pamahalaan na hindi madali ang pagsugpo sa katiwalian.
c. Si Benito ay nagbabasa ng dyaryo tuwing umaga.
d. Nagsaliksik ang mga estudyante gamit ang search engine.
e. Nagtatanong ng direksiyon ang turista.

4. Interaksiyonal
a. Humingi ng payo si Mila sa isang psychologist.
b. Nagkukuwentohan ang mga magkakaibigan.
c. Binati ng mga mag-aaral ang kanilang guro nang Magandang Umaga Po!.
d. Nag-usap ang mga guro para sa darating na markahang pagsusulit.
e. Nag-uusap ang mga kasapi ng pamilya para solusyonan ang kanilang problema.

5. Representatibo
a. Itinanggi ng Malacanang na maysakit si Pangulong Duterte.
b. Totoo ang naging hula ng matanda kay Emilio Aguinaldo.
c. Mayroong pagbabago sa Sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
d. Hindi totoong may aswang.
e. May paglabag sa karapatang pantao ang Oplan Tokhang.

6. Personal
a. Nagtapat si Roger na mahal niya si Ana.
b. Nagsulat ng editoryal si Vincent tungkol sa kalayaan.
c. Nagtapat si Mira na may malubha siyang sakit.
d. Gumawa ng kaniyang talaarawan ang seminarista.
e. Ibinahagi ng pulisya na malala ang droga sa bansa.

7. Imadyinatib
a. Nagguhit ng mga bagay-bagay ang pintor gamit ang kaniyang imahenasyon.
b. Nakapagsuslat ng kuwento si Tino.
c. Gamit ang imahenasyon makakagawa ka ng ibat ibang bagay.
d. Naging matagumpay si Joseph dahil sa kakaiba niyang galing sa pagguhit.
e. Si Lyn ay malikhain sa paggwa ng kaniyang proyekto.
Output sa
Kommunikasyon sa
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang
Pilipino

Ipinasa kay;
Gng. Mabel B. Cabilin
Guro
Ipinasa ni;
Angelou T. Bayron
Grade XI Almeda HUMSS

You might also like