You are on page 1of 5

Si Anghel Miguel

Ni: Gervacio B. Santiago

Maria Ann Grace O. Samaco


II-Mendel
S.Y. 10-11

Buod ng Kwento:

Lahat ng Pamilya sa mundo ay nakakaranas ng kaligayahan at


kasayahan. Ngunit mang-mang ang isang taong hindi tumatanggap ng
pagsubok sa Diyos. Sa mga pagsubok ng diyos ay doon tayo nagiging
mas malakas at matibay sa kanya.

Si Nardo at ang kanyang pamilya ay nakadas ng isang


napakabigat na problema at mukhang pasan niya ang mundo. Ang
kanyang anak na si Edna ay nabundol ng isang sasakyan at hindi man
lamang ito nagkapuso na hintuan at siyay dalhin sa ospital. Natanggal
din siya sa trabaho dahil sa mahinang takbo ng negosyo. Ika ng ay
isang Milagro galing sa Maykapal ang higit niyang kailangan. Dahil sa
mga problemang ito, naisip niyang kitilin ang sarili niyang buhay.

Sa kanyang pagbisita sa simbahan ay may nakasalubong siyang


isang lalaki na gustong magabot sa kanya ng kahit kaunting tulong.
Iyon ay kanyang tinaggihan. Sa kanyang pagmumuni, ay napunta siya
sa Ilog ng Pasig. Nakakalula pagmasdan ang matulin na pagdaloy ng
tubig. Ngunit may isang lalaking lumubog-lumitaw sa ilog at sumisigaw
ng Saklolo! Saklolo!. Ito ay agad niyang tinulungan sapagkat walang
ibang tao sa paligid.

Ang kanyang sinagip pala ay si Anghel Miguel. Hindi siya


makapaniwala noong una. Binigyan siya nito ng Bibliya.
Nang kanyang paguwi, nakatawang lumuluha ang kanyang asawa.
Parang milagro daw ang lahat. Biglang gumaling si Edna at sumipot
ang lalaking nakabangga sa kanya. Nangakao itong babayaran lahat
ng magagastos kay Edna at binigyan din siya nito ng trabaho.

Sa kanyang pagbasa sa Bibliya ay may natagpuan siyang


nakasalungguhit na mga pangungusap at itoy kanyang binasa.
Tandaan ninyo, makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel
ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng anak ng Tao.

Talasalitaan:
Pangagayupapang- pagmamakaawa
Hagibis - bilis
Banaag - sinag o liwanag
Nagbanyuhay - nagbigay-buhay
Timbulan - tagapagligtas
Sumisikil - magpapahirap
Nasasalat - umuukilkil
Huhuntahin - dadalhin o kukwentuhan
Tinalunton - nilandas o sinundan
Mga tanong at Sagot:
1. Ano ang matinding suliranin ang sumapit sa
buhay ni Nardo?
Sagot: Iyon ay noong nabundol ang kanyang
anak at hindi man lamang ito binalikan ng kriminal.
Mahirap ang kanilang kinalalagyan sapagkat
walang trabaho si Nardo.

2. Tama ba ang binalak niyang gawin?


Sagot: Ang balak niyang pagpapakamatay ay
napakamali. Ang kanyang buhay ay
napakaimportante at hindi mabibili ng salapi at
kung itutuloy niya ang kanyang masamang balak,
mawawalan ng haligi ng tahanan ang kanyang
pamilya.

3. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Nardo, ano ang


iyong gagawin sa oras ng kagipitan sa buhay?
Sagot: Mananalig ako sa Diyos at gagawin ko
lahat ng makakaya ko upang maiahon ang aking
pamilya sa kahirapan.

4. Sino sa palagay mo si Anghel Miguel?


Sagot: Sa aking palagay, si Anghel Miguel ay
pinadala ng Diyos upang mangaral sa buong
sanlibutan ukol sa Maykapal.

5. Ipaliwanag ang kahulugan ng pahayag na Ang


milagro ay nasa pananalig lamang.
Sagot: Ako ay naniniwala sa mga himala.
Ngunit walang mangyayaring himala kung wala
tayong pananalig na mangyayari ito.

Tagpuan:
Ang tagpuan ay sa Simbahan si Nardo ay nagdarasal
at nananalig sa Diyos na malulutas itong buhol na
kanyang pinaglalangan.

Mga Salawikain:
Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.
Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha

Ang kwentong ating binasa ay pinamagatang Si


Anghel Miguel na isinulat ni Gervacio B. Santiago.
Ito ay isang kwentong Narrative. Ang teoryang
pampanitikan nito ay Eksistensyalismo sapagkat
binibigyan-diin ang mga bahagi ng akda na
nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng
tauhan. Gumagawa siya ng pagpapasya na kailangan
niyang harapin anuman ang magiging kahinatnan
nito. Mahalagang makita ang kalakasan ng
paninindigan ng tauhan. Malaya siya sa kanyang
pagbuo ng desisyon at kung paano niya ito harapin.
Ito'y namayagpag sa panahon ng Kastila at
hanggang sa kasalukuyan.

You might also like