You are on page 1of 2

News Article: TOURISM DAY

Ang World Tourism Day ang pinakamalaking selebrasyon sa Industriya ng Turismo. Napagdesisyunan na
ganapin ang selebrasyon tuwing ika-27 ng Setyembre bawat taon. Ngayong taon 2017 INTERNATIONAL
YEAR OF SUISTAINABLE TOURISM FOR DEVELOPMENT.

Pangunahing layunin ng selebrasyong ito na mapalakas ang kamalayan sa kahalagahan ng turismo at ang
halaga nito sa lipunan, kultura at ekonomiya. Bawat taon inaanyayahan ng United Nations World Tourism
Organization (UNWTO) ang lahat ng mga interesadong partido na makilahok sa mga espesyal na
pagdiriwang na nagaganap sa kani-kanilang bansa.

Ayon sa Sekretarya ng United Nations

Layunin ng PH Tourism Day na itaas ang kamalayan sa benepisyo ng industriya at hamon na dapat
pagtuunan ng bansa. Tulad ng sinabi ng Sekretarya ng United Nations na si Ban Ki Moon sa kanyang
opisyal na mensahe, ang pagdiriwang na ito ay isang pagkakataon upang maipakita ang kahalagahan ng
industriya ng turismo sa mundo. Dagdag pa niya na dapat kilalanin ang turismo bilang isang bukas at
nagkakaisang mundo.
Ang UNWTO na nakabase sa Madrid ang naglunsad ng kampanya para sa potensiyal na pagbabago ng
isang bansa. Ang ahensiya ng gobyerno at mga organisasyon ay naglunsad ng mga espesyal na aktibidad
katulad ng photo contests, award presentations, special trips at video presentations na naglalayong
itaguyod ang turismo.

You might also like