You are on page 1of 2

Marlon M.

Masiclat

Langit at Impyerno

Si Paloma ay isang masipag at mabait na bata, tumutulong siya sa pagtitinda ng


kanyang mga magulang sa palengke araw-araw. Halos ingay ng mga tindera at tawad ng
mga mamimili ang nagsisilbing musika sa kanyang tainga. Pakikipagpatintero sa mga
sasakyan ang mmistula niyang naging libangan. Hindi na siya nakapag-aral sa
kadahilanang hindi sapat ang kinikita ng kanyang mga magulang sa pagbebenta ng isda.
Apat na magkakapatid sila Paloma at siya ang pianakapanganay sa mga ito. Araw-araw
nakikipagsapalaran si Paloma at ang kanyang mga magulang sa palengke na kanilang
pinagbebentahan.

Hindi naniniwala si Paloma na mayroon talagang langit at impyerno. Sa wari niya


ang langit ay ang kinagagalawan ngayon ng mga mayayamang tao sapagkat natatamasa
nila ang kaginhawaan ng buhay at kahit na anuman ang gustuhin nila ay nakakamtan nila
ito. Sa kabilang banda, ang impyerno naman ay ang kinasasadlakan ngayon ng mga
mahihirap na tao dahil kailangan pa nilang magsunog ng kilay sa pagtatrabaho upang
makakain.

Tila impyerno sa iskwater na kinatitirikan ng kanilang tahanan sapagkat sobrang


ingay at halos talakan ng mga tao roon ang naging almusal ni Paloma sa araw-araw.
Mula bata ay anamulat na siya sa mga kaguluhan at patayang nagaganap sa kanilang
lugar, at sa mga ilegal na gawain ng mga taong naroroon.

Ika-12 ng Mayo 2017 gabi na nang nakauwi si paloma, galing siya sa kanilang
pwesto sa palengke kasama ang kanyang mga kapatid. Dahil may saket ang kanyang
amat ina kaya sila ang naatasan magtinda muna sa palengke. Pagkauwi nito nagtataka
siya na kung bakit maraming tao sa kanilang bahay at kung bakit may mga nagiimbestiga
sa kanilanng bahay. Pagpasok nila Paloma sa kailang bahay unti-unti ng tumulo ang
kanyang mga luha dahil nakita niyang nakabulagta ang kanyang amat ina.
Napagkamalan daw silang mga tulak ng droga sa kanilang lugar.

Naging miserable ang buhay ni paloma dahil sa masalimuot na pangyayaring


nangyari sa kanilang buhay. Natuto na din siyang gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ang kanyang mga kapatid ay ipinadala sa isang ampunan. Si Paloma nalang ang
nag-iisang naghahanap buhay para sa kanyang sarili. Hndi na rin siya nagsisimba at
sinisi niya ang panginoon kung bakit ganyan ang nangyari sa kanilang buhay.

Dahil sa insidenteng ito naging suwail na si Paloma. Sumali siya sa isang gang na
kilala sa kanilang lugar dahil sa kanilang mga maling gawain tulad ng pagbebenta ng
ipinagbabawal na gamot at panghoholdup. Ilang beses nadin siyang nasasangkot sa mga
gangwar dahil dito lalong lumiit ang kanyang mundo dahil marami sa kanyang mga naka
away ang gustong gumanti sa kanya.

Ika-17 ng Hunyo 2017 nahuli si Paloma na may hawak na droga. Dahil menor de
edad pa ito dinala siya sa DSWD upang doon na mabago ang buhay niya. Nakilala niya
si pastor Emilio Dejesus isang matandang mayaman na gustong mag ampon ng bata. Nag
bago na ang buhay ni Paloma at nanumbalik ang paniniwala niya sa panginoon. Dahil
doon napansin ni Emilio ang pagbabagong nangyari sa buhay ni Paloma kaya nagpasya
siyang ampunin nalang ito.

Naging masagana ang buhay ni Paloma sa matanda. Nakapag-aral nadin ito. At


nagpasya siyang kunin ang kanyang mga kapatid at manirahan kasama niya.

You might also like