You are on page 1of 5

1

KABANATA 1

ANG SULIRANIN

Panimula

Sa panahon ngayon, hindi maitatangging tunay na laganap na ang

paninigarilyo sa Pilipinas. Kung inyong mapapansin, tila bawat sulok ng ating bansa ay

pinupugaran ng mga nagbebenta at gumagamit ng sigarilyo. Mapaartista man o

propesyunal, drayber o kahit ang mismong mga doktor at nars sa mga ospital ay

kabilang sa populasyong ito. Kahit na ang mga mahihirap o tambay na ginagapang na

lamang ang kanilang pang-araw-araw na kakainin ay maaaring malakas ding

manigarilyo. Dahil dito, hindi na nakapagtataka pa kung tutularan ng kabataan ang

ganitong gawain.

Ang paninigarilyo ng kabataan ay maituturing na isa sa mga nangungunang

isyung patuloy na pinagtatalunan at sinusubukang maibsan. Patuloy ang pagtaas ng

bilang ng mga kabataang nalululong sa bisyong ito. Dagdag pa rito ang kaalamang

dumarami at tila pabata pa nang pabata ang mga sumusubok manigarilyo. Patuloy ang

ganitong paglaganap kahit na marami ng mga solusyon at batas ang isinasagawa at

isinasakatuparan upang labanan o di kaya naman ay mabawasan ang paglaganap ng

gawaing ito.

Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Ayon

sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun- taon,

ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa
2

puso, baga, kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na

sanhi ng pag- atake ng hika.

Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad na

pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15

taong gulang. Isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun-taon, ang

namamatay dahil sa paninigarilyo.

Naobserbahang napakarami na talagang nalululong sa paninigarilyo at tila

nahihirapang tumigil sa bisyong ito. Katulad na lang sa syudad ng Legazpi na bagamat

ipinagbabawal na ang paninigarilyo ay hindi maipagkakaila na marami pa ring mga

pasaway at matitigas ang ulo na binabalewala ang batas na ito. Marami ka pa ring

makikitang mga tambay, estudyante at mga driver na naninigarilyo. Nakakabahala din

ang pagkahumaling ng mga kabataan ng Brgy. Orosite Lungsod ng Legazpi sa bisyong

ito.

Sa gayon, nilalayon ng pag-aaral na ito na malaman ang mga epekto at dulot ng

paninigarilyo sa mga kabataan sa Brgy. Orosite Lungsod ng Legazpi upang maimulat

ang mga pag-iisip ng mga kabataang naninigarilyo sa masamang epekto nito at para

makatulong at magbigay alam sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila

subukan ang masamang bisyo na ito.

Paglalahad ng Suliranin

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na pag- aralan at alamin ang mga

epekto at dulot ng paninigarilyo sa mga kabataan sa Brgy. Orosite, Lungsod ng

Legazpi. Nais makamit ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na layunin: paglalahad
3

ng mga impormasyon tungkol sa kalagayan ng mga kabataang Pilipino kaugnay sa

paninigarilyo; pagtatala ng mga karaniwang dahilan at salik na nakaaapekto sa

desisyon ng kabataan na manigarilyo at mga karaniwang epekto ng paninigarilyo lalo

na kung bata pa lamang ay nasimulan na ang ganitong bisyo; at pagbibigay ng ilang

mga mungkahi at solusyon upang makatulong sa mga nais tumigil sa paninigarilyo.

Sasagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano-ano ang mga posibleng dahilan ng paninigarilyo ng mga kabataan sa Brgy.

Orosite, lungsod ng Legazpi?

2. Ano-ano ang mga sintomas at epektong dulot ng paninigarilyo sa mga kabataan

sa Brgy. Orosite, lungsod ng Legazpi?

3. Ano ang gawaing maimumungkahi upang maiwasan ang paninigarilyo ng mga

kabataan sa Orosite?

Saklaw at Delimitasyon

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na pag-aralan at alamin ang mga

epekto at dulot ng paninigarilyo sa mga kabataan sa Brgy. Orosite Lungsod ng Legazpi

upang maimulat ang mga pag-iisip ng mga naninigarilyong kabataan sa masamang

epekto nito at para makatulong at magbigay alam sa mga hindi nanninigarilyo upang

huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito. Bilang mananaliksik, napili ang

paksang ito sapagkat napansin nito na ang mga piling kabataan ng Brgy. Orosite
4

lungsod ng Legazpi ay laganap ang paggamit ng sigarilyo lalong lalo na sa paligid ng

mga tindahang nagbebenta ng sigarilyo sa lugar.

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga kabataang nasa edad 13-17

taong gulang na mula sa Brgy. Orosite lungsod ng Legazpi. Bubuohin ng 30 na mga

kabataan ang mga respondent na maaring nag-aaral pa o hindi na nag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ng mga

kabataang nasa murang edad pa lamang ay nalululong na sa bisyo ng paninigarilyo.

Hindi lamang sa kabataan makakatulong ito kung hindi na rin sa mga taong hindi na

mapigilan ang paninigarilyo. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang

huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito.

Ayon sa mga mananaliksik, ang higit na kahalagahan ng pag-aaral ay ang

makakapaghahatid ng balita sa mga mambabasa tungkol sa paninigarilyo at mapag

bigay alam sa publiko ang kanilang maitutulong upang mabawasan ang paninigarilyo ng

kabataan.
5

TALA

Joey D. Bichayda. Pananaliksik tungkol sa epekto ng paninigarilyo Di-Limbag

naTesis, Partido State University, Paaralang Gradwado, Camarines Sur. 2012

Eunice Grace C. Esparagoza. Epekto ng paninigarilyo sa mga piling mag-aaral ng

pamantasan ng silangan Di-Limbag na Tesis, Pamantasan ng Silangan, Paaralang

Gradwado, Caloocan. 2015

Bea Rose A. Reyes. Pananaliksik ukol sa Epekto ng aninigarilyo Di-Limbag na

Tesis, Flos Carmell Institution, Paaralang Gradwado, Quezon City. 2014

Roel D. Calma. Masamang Bisyo ng Kabataan, Paano Mapipigilan? Di-Limbag na

Tesis, Batangas State University, Paaralang Gradwado, Batangas. 2013

You might also like