You are on page 1of 4

1.

Ang makasaysayang EDSA ang naging lunsaran ng pelikula upang matalakay at


mapag-ugnay ang ibat ibang usapin o isyung panlipunan at maging personal man.
At gaya ng anupamang anyong pangmidya o pampanitikan, lagit lagi naman layunin
nito ang pagtatawid ng mahalagang kaisipan sa inaasahang tagatanggap nito.
Anu-ano bang mga usapin ang natunghayan sa pinanood? Gaano kabisa ang
estilong ginamit sa pagbubuo ng banghay sa pagtatawid ng mga ito? Talakaying
mabuti.
2. Bagaman pelikula, gaya rin ng natalakay sa mga unang bahagi ng klase, masasabi
bang naging lagusan ang pelikula tungo sa mundo ng kasaysayan? Ipaliwanag
nang mabuti.
3. Ano kaya ang nais ipahiwatig ng mga talangka na lumitaw sa ilang bahagi ng
pelikula? Ipaliwanag ito nang may pagsasaalang-alang sa kung paano ring personal
na tinatanaw ang kabuuang layunin at kahulugan ng napanood na pelikula

1. The historic EDSA became the launching pad for the film to "discuss and connect" various
issues or social issues and personal matter. And like any other literary form or form of
media, the purpose is always to convey "important" thought at the expected recipient. What
are the issues evident in the film? How effective is the style used in developing the plan to
convey this? Discuss.
2. Although the film, as discussed in the first part of the class, would it be said that this film is
a "tunnel" into the world of history? Explain carefully.
3. What are the implications of the "crabs" which appeared in some parts of the movie?
Explain it with regard to how to rig personally overlook the overall purpose and meaning of
watched movies
SANTIAGO, Shaina FIL 14 A October 24, 2016

Ang pelikulang EDSA ay nagpapahiwatig ng mga isyu sa kasalukuyan,


katulad ng mga taga probinsya na nagpunta sa Maynila para maghanap ng trabaho,
ang mga sumisingil ng pera sa mga bus, ang mga OFWs (at mga tao) na hindi
makahanap ng maayos na trabaho dahil hindi nakapag-aral, ang mga snatcher o
panghoholdap ng mga "riding-in tandem" sa Pilipinas, at ang walang katapusan na
trapik sa EDSA. Ang mga character sa pelikula ay mabuti niniting magkasama dahil
sa realistic na aspeto ng mga ugali, pagkatao, at pamumuhay ng mga ito. Tulad ng
Anton nung nalaman niya na si Ben, isang mahirap na bata sa lansangan na
tumulong sa kanya, ay ang anak ng kanyang driver na hindi niya maayos
kinakausap at tinuturing. Hindi ni Anton inakala na ang bata na para sakanya na
"lower class" ng lipunan ay ang makakatulong sa isang mayaman katulad niya, si
Ben din ang naging dahilan kung bakit umiba ang pananaw ni Anton sa mga
mahihirap, at lumambot ang kanyang puso niya dahil kay Ben. Bukod doon, kahit na
maraming characters sa pelikula, nagawa pa rin ni Alvin Yapan magka koneksyon
ang mga ito sa isa't-isa, at kahit ibang iba ang kanilang pinanggalingan, masama o
mabuti man ang kanilang reputasyon, binigay halaga ang mga maliliit na detalye
nang pag tulong nila kahit hindi nila kilala, at tayo, bilang mga Pilipino, kailangan
pagaalagan ng bawat isa
Ang pelikula ay nasasabi na lagusan sa kasaysayan dahil, pinakita sa pelikula
na halos araw-araw dumadaan mga tao at kotse sa EDSA, at madalas din nasa
trapik ng EDSA. Ang hindi napapansin ng mga milenyal na Pilipino na ang kalsada
na ito dati ay punong-puno ng tao nung People Power Revolution nung 1986.
Katulad nang kwento ng ama ni Ben, o ang driber ni Anton kay Carla, na dati siya ay
natutulog pa sa kalsada at lahat sila na magkasama sa kalsada na iyon ay
nagtutulungan at magkakasama tungo sa isang layunin. Nakahanay rin dito ang
kwento ni Edna sa kanyang anak, ang mga bagong itsura ng Maynila at ang paulit
ulit niyang sinasabi na "Nung panahon ko dati, wala pang ganyan eh", at ang kwento
niya kay Emong sa kanyang K-12 na conference, na kailangan turuan sa mga
milenyal ang mga pangyayari nung EDSA Revolution. Gayunpaman, sa
kasalukuyan, ang mga tao ay hindi nagtutulungan at sa halip wala nang dahilan ang
mga tao bagay bilang pagganyak upang labanan, kung ganon paano na maaasahan
kayang baguhin ang Pilipinas?
Ang pelikula din ay nagpapakita ang pagkakaiba ng social class sa Pilipinas,
at ang iba-ibang pananaw nila sa pamumuhay. Binigyang diin ni Alvin Yapan ang
mga talangka na nakikita sa pelikula at sinabi din sa pelikula ito ay ang mga
malalaking alimango. Ang nagsisimbolo ng mga ito ay ang crab mentality na
nakikita sa Pilipinas, at sa katotohanan, kung kailan ang mga tao sa gobyerno na
may kapangyarihan at mataas na posisyon sa bansa, sila pa ang mga tao na
madalas humihila ang bawat isa pababa, dinadaya ang kanilang sarili at gustong
sirain ang kanilang reputasyon. Ang mensahe nakarating saakin ng pelikula ay ang
bawat Pilipino ay kailangan magtulungan at umasa sa isa't isa ng suporta at gabay,
huwag tayo umasa sa gobyerno o ang mga may kapangyarihan dahil hindi nila tayo
binibigyan ng halaga, at sila mismo ay may maraming problema na nagpapa gulo sa
sistema ng Pilipinas. Higit pa doon, dahil tayo ay kapwa Pilipino, hindi dapat natin
inaatupag na siraan ang bawat isa dahil tayo lang ang makakatulong sa atin. Katulad
sa pelikula, hindi ni Carla kilala si Jun, ngunit nung nagka aksidente ito, hindi siya
nagdalawang isip tumulong, at sa huli nais niya pa rin tulungan.

You might also like