You are on page 1of 1

Pangako, salitang binitawan ko nung nagsimula ang tayo.

Mga pangako't salita na tayo hanggang dulo at


walang magbabago. Walang mangiiwan at patuloy na magiibigan.

Sa pagdating moy labis mo itong pinuno ng pagmamahal, pagmamahal na pinagdasal kong sanay
magtagal. Hiniling ko ito sa ating maykapal at sa lahat ng balon sa gubat, Hiniling ko ito sa mga diwata at
lahat ng santo ay aking binuhat, Nagtirik ako ng kandila sa simbahan o maging sa mga patay, kasi
naniniwala ako sa kapangyarihan nitong taglay, Pero sablay, nga pala ako kaya hindi ako ang pinili mo.

Hindi ko kailanman malilimutan . Noong gabing ikay nagpasya na akoy iwan sa ilalim ng bilog na
buwan.Pero di kita masisisi o masumbatan. Kasi lahat ng ito ay aking kasalanan. Sinubukan kitang pigilan
pero ikay nag pumiglas, nasugatan ako sa sarili kong armas. Akoy naging makasarili at kasiyahan koy una
kong pinili. Pero ang masaktan ba ay isa sa aking karapatan?

Siguro hindi, kasi ako ang may kagagawan.

Sinta patawad kung akoy sumablay. Gagawin ko lahat. Kahit akoy maghintay o buhay man i aalay. Pero
sablay, nga pala ako kaya hindi ako ang pinili mo. Kaya akoy nalilito kung laban pa ba to.Kung mas pipiliin
mo pa bang manatili sa mundo nating payak o kung ipagpapatuloy mo na ang ating pagkawasak. Kung
may pag asa pa bang maghilom ang sugat na sinlalim na ng dagat. Napakabigat, dahil pinaramdam ko
sayong hindi ka sapat. Kaya't yan ka na. Ikaw na dati kong mundo, Nakahanap ng ibang bathala. At
sobrang tanga ko sinta, kasi hinayaan kong mundo koy hawakan ng iba. Batid ko sinta, pagkakamali koy di
maipinta, Masyado akong nasanay sa iyong yakap at hawak, kaya noong ikay lumisan, puso koy nawasak.
Napakasarap tumalon sa tulay kasi Mundo koy nawalan na ng saysay, Pero sablay, nga pala ako kaya hindi
ako ang pinili mo. Matatagalan pa bago ang puso koy uling mabuo,

, napakasakit isipin na ang dating "tayo", Ay mauuwi sa "kayo". Napaka init sa pakiramdam, di mo alam.
Di ko yata masikmura ang ideya na may "kayo" kailanman. Kung sa bisaya ang apoy ay "kayo", sa tagalog,
ang "apoy" ang nararamdaman ng puso ko sa tuwing maririnig ang salitang "kayo". Nag aapoy ang puso
ko't Ramdam ko ang init at sakit sa iyong pagpilipit sa kanyang mga kamay, Sa paglagay mo sa iyong ulo
sa kanyang dibdib para humimlay. Sablay, nga pala ako kaya hindi ako ang pinili mo. Kaya eto nalang ako
magbibilang nang mga damo habang inaalala lahat ng alaala na iniwan mo. Tanda mo pa ba, Dahil laman
nitong puso koy ikaw pa. Alaala natin sana matandaan mo pa. Na minsan ikaw ang mundo ko at ako ang
mundo mo. Pero kung hindi mo matandaan, ako mismo ang magpapa-alala sayo. Na sa bawat pagpatak
ng ulan na ating naririnig pakiramdam koy pagmamahal natin ay nadidilig. At bawat salitat pantig galing
sa iyong bibig, mas lalong humihigpit ang aking kapit .Mahal. Ako mismo ang magpapa alala sayo na sa
bawat kanta na maihahantulad sayo sinta, mas lalo mong pinapalalim ang aking pag inda. nawasak ang
puso kot nagkalat ang alaala na para bang mga paninda, na para bang dinurog na paminta, Sinta. Ako
mismo ang magpapa alala na sa bawat araw na gusto kitang yakapin at halikan ay dahan-dahan mong
sinasabing di mo na ko babalikan. Laban. Lalaban at ipaglalaban kita mahal kahit tadhana man ang
makalaban. Wala akong pake kung pagsakluban man, ng bundok at karagatan, Lupa at kalangitan,
Daigdig man o kalawakan. Akoy lalaban sa kahit anong paraan, makuha ka lang. At di hahayaan na pag
asa koy mabali o mahawi, kasi mahal kailangan kitang mabawi. Gusto kong maging saksi ang mga ulap at
bulalakaw, kung paano ko lalabanan ang ginaw kahit ang init ng iyong ilaw mo naman talaga ang aking
tanaw. Akoy susugal sa hari o patay, dala ang puso kong nalulumbay. Dahil ikaw lang ang dahilan na ako
pa ay nabubuhay pero sablay, sumablay at sasablay nga pala ako kaya kailanman hindi na ako ang pipiliin
mo.

You might also like