You are on page 1of 1

Lakbayan 2017 Statement

Muling binibigay ng UP Student Catholic Action ang kanyang buong pagsuporta sa mga
Moro at katutubong Pilipino na kalahok sa Lakbayan 2017 at nakikiisa kami sa kanilang
maalab na panawagan: lupa, kabuhayan, karapatan at sariling pagpapasya para sa
lahat ng pambansang minorya.

Wakasan nawa ang Batas Militar at digmaan sa Mindanao na siyang sanhi ng


pagkawasak ng mga komunidad ng mga Lumad at Moro. Baliktarin natin ang
sistematikong pagyurak ng mga karapatang pantao sa buong bansa. Itigil na ang
pagkamkam ng mga lupang ninuno at pandarambong sa kanayunan. Baguhin natin ang
kultura ng diskriminasyon at pagsasantabi ng mga pambansang minorya.

Ang panawagan namin sa bawat Pilipino, lalong-lalo na sa mga kapwa naming Katolikong
mag-aaral: tumugon sa hamon ng pananampalataya, kilalanin ang ating mga kapatid
na Moro at katutubo, maglingkod sa kanila at sa lahat ng inaapi at makibaka para sa
kapayapaan at kalayaang nakatatag sa panlipunang katarungan.

You might also like