You are on page 1of 24

www.couplescircle.

com Page 1
By Dhaezie

Introduction

1. ANG SAMPUNG HAKBANG NA GINAGAWA NG ISANG


MATAGUMPAY NA ENTREPRENEUR. 6

2. SAMPUNG BAGAY NA DAPAT TANDAAN


BILANG ISANG ENTREPRENEUR..10

3. MGA NEGOSYONG MAARING PASIMULAN...15

4. MGA HAKBANG SA PAGSISIMULA SA IYONG


NEGOSYO..17
Conclusion

Proverbs 10:4 - Siya'y nagiging dukha kapag ang gumagawa ay


kamay ng walang kasipagan: nguni't yumayaman ang kamay
ng masipag

www.couplescircle.com Page 2
INTRODUCTION
Naranasan mo na bang sumakay ng tren sa umaga mula Espanya hanggang
Bicutan? O ng MRT kaya? Yun bang nakikipag tulakan ka, nakikipag buno ba,
halos sumabit ka na makasakay lang, tapos biglang sa kalagitnaan eh ,
masisira? Aw ang saklap.. Ang aga mong gumising para habulin si tren tapos
ganun lang ang mang yayari. Hindi ka pa nakakarating sa opisina eh amoy
bilasang isda ka na?

Naiisip mo worth it nga ba ang lahat ng iyong ginagawa sa mga sakripisyong


ibinibigay mo para sa iyong trabaho?

Why not mag hanap ka ng Negosyong maaari mong pasimulan habang nag ta
trabaho ka pa?

Kung ikaw ay isang empleyado sa Pinas o kahit nasa ibang bansa ka bilang
isang OFW na gustong magtayo ng maliit na negosyo habang nagtatrabaho,
tamang tama ito para sayo! Sa totoo lang, maraming gustong magsimula ng
negosyo na maaring pandagdag kita o may perang lumalago kahit may
trabaho pa pero hindi naman alam kung paano ito gawin. Isa ka ba sa mga
iyon?
Pero ang isang nakakapagtaka dito na kahit marami ang may gusto o kahit
alam na nila, marami pa rin ang ipinagpaliban ang pagpaplano para dito. Sa
ebook na ito ay siguradong magkakaroon ka ng ideya kung anong klase ng
negosyo ang maari mong simulan na hindi na kailangan pang lumayo o
lumabas pa ng bahay. Dito din ay malalaman mo ang mga dapat gawin ng
isang matagumpay na negosyante.

www.couplescircle.com Page 3
Sabi nila, ang pinakamagandang timing para magtayo ng negosyo ay sampung
taon na daw ang nakaraaan. Hahahaha. Pero alam mo ba na may mas
maganda pang timing kaysa doon: ito ay ang NGAYON! Kaya Tara na!!

Kung iisipin ay hindi mo naman babasahin ang ebook na ito kung hindi mo
talagang gusto na maging isang entrepreneur diba?.

Isang magandang palatandaan yan na meron ka ng initiative kaya


Congratulations , naka hakbang ka na ng isang baitang sa hagdanan ng
iyong minimithing tagumpay bilang isang entrepreneur. Claps! Claps! claps!

Hindi mo maikakaila sa sarili mong determinado ka at ito ang tamang ORAS


para simulan mo na ang nag susumikhay na kagustuhang mong magnegosyo.
Malay natin, ikaw na pala ang susunod na Henry Sy o Lucio Tan o Bo Sanchez
ng Pinas! O bongga! Wag mo kong kakalimutan ha!

Ang entrepreneurship sa Pilipinas ay ang isa sa mga pinakapatok at


lumalagong career path sa ngayon; kailangan mo lang lagyan ng kaakibat na
aksyon ang pagsisimula ng sarili mong negosyo dahil kahit sa maliit na kapital
lang ay marami nang pagpipiliang negosyo!

Maski painting, digital arts, singing, at kung ano pang passion ay pwedeng
pwede mo itong pagkakitaan! Kailangan mo lang na matuto sa pagkakamali,
pagsubok, at paghihirap at sa kinalaunan ay magtatagumpay ka din!

www.couplescircle.com Page 4
Matapos ang lahat ng ito, mas lumilinaw na ang tagumpay mo. Pero siyempre,
bago ang lahat ng iyon ay kailangan mo munang mag plano kung papaano ang
mga ibat ibang paraan para maabot ang tagumpay. Sa ebook na ito ay pag
uusapan natin ang mga pinakamaiinam at magagandang business ideas sa
Pilipinas na talagang patok ngayon at sa mga darating na taon; nawa ay
makahanap ka ng talagang gusto mong negosyong pagsimulan.

Bago pa humaba ana ating pag uusapan, nais ko


munang mag pakilala sa inyo. Ako nga pala si Dhaezie
Bullos. Ako ay isang maybahay at isang ina ng dalawang
magigiting naming mga anak na lalaki, na mas
matangkad pa sa akin. Hehehe! Ako ay kasalukuyang
nag tatrabaho sa isang pribadong opisina at isang
entrepreneur din at the same time.
Isinulat ko ang librong ito upang magbigay ng inspirasyon sa mga kapwa
nating pinoy na maaari palang mag negosyo kahit ikaw ay kasalukuyan pang
may trabaho.

www.couplescircle.com Page 5
So, Gusto mong magtagumpay sa iyong negosyo? ....Aba Natural! Oo naman!
Syempre! Yan ang isasagot mo di ba? Sino ba naman ang papasok sa isang
negosyo para malugi o di magtagumpay, di ba?

Pero kapag papasok ka sa pagnenegosyo, may mga hakbang na dapat


mong sundin upang maging matagumpay ka.

ANG SAMPUNG HAKBANG NA GINAGAWA NG ISANG MATAGUMPAY


NA ENTREPRENEUR
1. MAY MALINAW NA GOAL
Ikaw, bilang isang negosyante o entrepreneur, ay talagang desidido sa
gusto mong mangyari. Alam mo ang mga consequences ng mga
ginagawa. Dahil dito, hindi ka dapat basta-bastang nagpapaapekto sa
sasabihin ng sinuman; go ka lang ng go!

Halimbawa, sa paglalaro ng basketball ang pinaka goal ninyo bilang


isang team ay ang manalo, di ba? Malinaw sa inyo at sayo ito. Kaya
kahit anong pagod mo sa paglalaro takbo dito, takbo doon, minsan
nadadapa, nasisiko, naiinis nararanasan at mararanasan mo ang lahat
ng iyan habang nag lalaro ka. Pero hindi ka dapat na sumuko o umayaw
sa gitna ng laro dahil ang goal ninyo ay manalo. Hindi ka magpapa-
apekto sa anumang isinisigaw ng kalaban o mga fans nila; bagkus,
pinanghuhugutan mo ng lakas para magtagumpay. Ika nga, minsan
nanalo ka, minsan natatalo ka, pero go pa rin, kahit anong mangyari,
kailangan makamit ang goal na maging champion.

www.couplescircle.com Page 6
2. MAHINAHON SA SARILI
Ika nga, take it slowly pero surely. Kaya kung gusto mo na
matagumpay sa iyong negosyo dapat ay nangunguna ang iyong
patience at determination.

3. MAY FOCUS
May disiplina ka dapat bilang isang entrepreneur: pag hindi dapat,
di talaga dapat. Ikaw dapat ay may mataas na paninindigan sa
sarili, sa iyong nalalaman, at sa iyong morals at values. Kumbaga,
lagi mong dapat na dala ang iyong winning attitude talagang
palaban!

4. MAY TIWALA SA SARILI


Trust your instincts dapat ay lagi kang nag a analyze bilang isang
entrepreneur; para sa lahat ng mga desisyon na iyong gagawin,
hinding hindi mo ito pagsisisihan. Dapat maitatak sa iyong isipan
ang mga pag kakataon na maaari mong subukan at simulan; di ka
dapat matakot magkamali. Sa halip, dapat ang bawat pagkakamali
mo ay lesson na iyong pagpupulutan ng aral; wala nang panahon pa
para pagsisihan ito.

www.couplescircle.com Page 7
5. HINDI SUMUSUKO
Ang motto ng karamihan sa mga entrepreneur ay you lose only
when you stop. Kaya kahit ilang beses ka pang madapa, dapat kang
bumangon kahit ilang ulit na mangyari ito. Hindi mo dapat
binibilang ang iyong pagkakamali; sa halip, binibilang mo dapat ang
iyong mga nagawang tama, at paramihin mo ito. Wala kang
opportunities na dapat sayangin dahil naniniwala kang
makakarating ka rin sa iyong nais na maabot.

6. MARUNONG MAGPASALAMAT
Gratitude o pasasalamat ang dapat na nangingibabaw sayo para
makuntento sa buhay sa kabila ng di mabilang na pagkakamali.
Pagsubok na iyong kinakaharap. Hindi ka rin dapat na nakakalimot
sa kung saan kang nagsimula; kahit ang mismong mga pagkakamali
mo sa nakaraan ay dapat mong pasalamatan dahil ito din ang
nagiging dahilan kung bakit ka naging metatag sa iyong mga
paninindigan at desisyon.

7. INILALABAN MO IYONG PANGARAP


Hindi ka dapat titigil hanggat di mo ang mga nagawa mo kahapon.
You should seek for the better version of yourself everyday para mas
tumindi ang competence mo. Dahil dito ay hindi maikakailang
talagang darating ang punto na magtatagumpay ka dahil ito ang
minimithi mo

www.couplescircle.com Page 8
8. MARUNONG MANALANGIN
Ito ang iyong matibay na sandata sa panahon na nanghihina ka
dahil hindi nagiging maganda ang resulta ng iyong negosyo.
Tandaan mo, may mga ups and downs talaga, pero manalangin ka
sa Diyos at ibuhos mo ang buong pag titiwala sa Kanya. Kasing lapit
lang sya ng panalangin mo.

9. MAPAGKAKATIWALAAN
Para pagkatiwalaan ka ng ibang tao, dapat tama at totoo ang iyong
hangarin at mithiin. Sa iyong kalooban ay andun ang iyong
katapatan. Be completely HONEST. Do not compromise.

10. MAY PANININDIGAN


Huwag na huwag papadala sa mga inaalok sayo na maaring
makasira naman sa paninindigan mo. Tandaan ingatan ang iyong
pangalan.

www.couplescircle.com Page 9
Alam na this?
Kaya pa ba? Kung hindi na , eh itigil mo na ang pag babasa nito, dahil
bukod sa nasasayang lang ang oras mo , dahil mag uumpisa ka tapos di
mo rin pala kayang tapusin, sayang lahat ng pagod mo, ang pera mo
tapos susuko ka rin pala..

Pero, kung kaya pa, eh di next level na. Game ka na ba??

SAMPUNG BAGAY NA DAPAT TANDAAN NG ISANG ENTREPRENEUR


Malabo ba? Ang alin? madalas relasyon, mas madalas negosyo. Ito ang
hugot na hindi maitatanggi ng karamihan sa ating mga negosyante; para
ka kasing paakyat papuntang Baguio sa buwan ng Disyembre, itapat mo
pa na maulan ulan at tiyak napakakapal ng hamog ang sasalubong sayo
katakot, hindi ba? Kahit ako ay hindi ko malaman kung bakit ko pa
pinasok ang ganitong career! Kidding aside; siyempre, habang patagal ng
patagal ang experience ko bilang isang entrepreneur, mas nagiging klaro
ang mga bagay bagay. Mahirap pero masarap, lalo na kapag alam mo na
dahil sa ginagawa mo ay nakakatulong ka sa kapwa mo.

www.couplescircle.com Page 10
Dumarating talaga ang panahon na kung saan ay may mga pinagsisihan
ako dahil sa mga maling desisyon at tinanong ko sa aking sarili, bakit ko
nga ba ginawa yun? Bakit hindi ko sinubukan?
Kaya naman sa libro na ito ay magbibigay ako ng sampung mga tips sa
pagsisimula sa negosyo na sana ay may nagturo din sa akin noong akoy
nagsisimula pa lamang bilang isang entrepreneur.

1. MAGTIWALA SA SARILI
Karaniwan sa mga research tungkol sa pagsisimulang magnegosyo
ay sasabihin na halos lahat ng mga businesses ay di
nagtatagumpay sa samut saring mga dahilan. Pero sapat na rason
ba iyon para hindi magpatuloy? Wag mong ibabatay sa kung ano
mang haka haka o popular opinion ang desisiyon mo sa
pagsisimula. Ito kasi ang nagiging excuse ng mga nawawalan ng
pagtitiwala sa kanilang mga ginagawa, na ayos lang, marami naman
kasing di talaga nagtatagumpay sa pagnenegosyo; sinasabi nito
sayo na walang mali sa pagsuko. Ngunit tandaan, kahit anong
mangyari o nangyayari ay mapapakinabangan mo pa rin ito sa
kabila ng pagkabigo.

www.couplescircle.com Page 11
2. GAWIN MO DAHIL GUSTO MO
Kaya sa simula pa lang, take responsibility. Wag mong antayin na
pagsisihan mo, sa halip ay gawin mo ng tama at ayon sa ikasasaya
mo. Ipanalangin ang lahat ng magiging desisyon mo. Maari ka ring
kumunsulta bago gumawa ng malaking hakbang.

3. TAPUSIN ANG NASIMULAN


Mas madaling magsimula kaysa tumapos kadalasang problema
ito ng karamihan sa mga entrepreneur; kahit ako ay aminado rin.
Kung ano man ang kalalabasan ng nasimulan mo na, dapat ay
tapusin mo ito at wag ialintana ang kalalabasan nariyan ka na,
hindi ba? Might as well na tapusin mo na kaysa takasan.

4. PILIIN ANG TAMANG MAG GUIDE SAYO


Ang coach mo, dapat strategic: hindi dahil lang komportable kang
kausap siya. Maaaring maging isang rason ito, pero hindi ito lang
ang tanging rason. Baka sa kinalaunan ay ikasama pa ng negosyo
mo ito, kaya dahan dahan lang sa pagpili ng coach. Tingnan moa ng
naging resulta niya sa kanyang negosyo.

www.couplescircle.com Page 12
5. MAG FOCUS SA MAS MALAKING OPPORTUNITY
Dapat ay mas bigyang pansin mo ang kung ano ang mas magbibigay
sayo ng mas magandang outcome. Ika nga, mas malaki ang
ipapanalo kung mas malaki ang iyong itataya; more chances of
winning! Sa tulong ng dahang dahang pagsusuri at pagpaplano,
mas malaki ang chance mo na mababawi mo ang iyong itinaya. Mas
maigi nang kumita ng kaunti kaysa ubusin ang oras kakahanap ng
iba pang mapagkakakitaan.

6. HUWAG MAGSAYANG NG ORAS


Every second matters, kaya sulitin ang oras habang may
pagkakataon. Sa isang iglap, baka dumating ang pagkakataong
pinaka aantay ng iyong negosyo. Kaya dapat ay may focus at
disiplina para hindi mo malagpasan ang mga oportunidad na
pagsisisihan mo sa oras na hindi mo ito nahagilap.

7. GAMITIN ANG SOSYAL MEDIA PARA SA IYONG NEGOSYO


Iwasan na maging habit ang paglalaro ng Candy Crush Saga or
Everwing sa mga bakante mong oras. Nasasayang ang gamit ng
iyong smartphone sa kakalibang o paglalaro na sa halip ay iginugol
mo na lamang sa pagnenegosyo. Kaya dapat ay alamin mo kung
papaano mo ito mapapakinabangan. Goodbye muna sa mga
koreanobela, ouch!

www.couplescircle.com Page 13
8. MAGBASA NG MAGBASA NG MAGBASA
Blogs man o libro, or Valuable Social Media post, talagang ang
pagbabasa ang nagpapahasa ng nalalaman mo sa loob man o sa
labas ng iyong business venture. Kaya kung may libreng oras,
maghanap ng paraan upang makapagbasa. Mag research ika nga.

9. MAGFOCUS KUNG ANO MISMO ANG IYONG NEGOSYO


Kagaya ng Apple ni Steve Jobs, dapat ay ang mga tao ang
maghahanap sa iyong negosyo at hindi ang negosyo mo ang
maghahanap sa mga gagamit o bibili nito. Kaya mahalaga na ang
nagpapasaya sayo ang nangingibabaw sa iyong business, dahil tiyak
na tatangkilikin at sasaya ang iyong mga customers.

10. FAMILY FIRST


Sigurado akong may dahilan ang pagsisimula mo bilang isang
entrepreneur, at isa na rito ang iyong pamilya. Maraming relasyon
at samahan, kagaya ng pamilya at mga kaibigan, ang nasisira dahil
sa sobrang focus sa pagtatrabaho. Ayaw mo na dumating ang araw
na ito, kayat dapat ay bigyang balanse ang personal na buhay at
ang pagiging isang entrepreneur.

www.couplescircle.com Page 14
MGA NEGOSYONG MAARING PASIMULAN
Mayroon akong mga halimbawa ng mga business o negosyo na maaari
mong umpisahan at pagkakitaan kahit ikaw ay nag tatrabaho ka pa.
Ilan ito sa mga patok na patok na business ngayon.
1. NETWORK MARKETING BUSINESS Maaari kang mag karoon ng
passive income sa pamamagitan nito, subalit, piliin mong mabuti
ang iyong sasalihan na networking. I research kung naka register
ang networking at may mga produkto na ibinebenta ng hindi ka ma
scam.

2. CELFON LOADING BUSINESS Maaari kang magkaroon ng celfon


loading system na maari mong ialok sa iyong mga ka opisina, o mga
kaibigan. Dahil halos lahat ngayon ay gumagamit ng celfon. Maaari
ka ring mag paskil sa iyong bahay ng poster na mayroon kayong
eloading business.

3. ACCESSORIES Maaari kang bumili ng mga murang gamit sa


Divisoria ng bulk orders at I repackage ito. Or kung may
makukuhaan kang mga gold jewelries gaya ng mga nasa Middle
East, maaari mo rin itong gawing negosyo, tumataas pa ang value
nito.

4. FINANCIAL ADVISOR Kung ikaw ay mahilig mag turo or magaling


kang maka convince, maari kang maging financial advisor. May mga
courses at seminar na maaari mong salihan at pag aralan.

www.couplescircle.com Page 15
5. INVESTING IN STOCK MARKET Kung gusto mong matuto sa stock
market, maaari mo itong pag aralan, dito makaka gain ka sa stock
market at mag kaka roon ka ng dividends sa mga nabili mong
stocks.

6. AFFILIATE MARKETING Ito ang pag promote ng produkto ng iba


through online. Mag kakaroon ka ng passive income sa bawat sale
na nagawa mong ibenta. Bibigyan ka ng unique link, na kung saan
ma trace na sa iyo nang galling ang natapos na sale.

7. SELLING YOUR EXPERTISE ONLINE Dahil nga sa lumalagong


online business ngayon, marami ang nangangailangan ng mga
marunong sa web designer, web developer, digital pictures, or
kung marunong kang mag sulat, marami ang nag hire sa fiverr, 199
jobs , sa upwork at sa mga katulad nito.

At Marami pang iba.


Dahil na rin sa technology, ang dating imposible noon ay possible
na ngayon. Gamitin ang pag kakataon na ito para mapakinabangan
ang teknolohiyang ito.
Sa mga negosyong nabanggit ko, ito ay maari mong pasimulan kahit
mayroon ka pang trabaho sa kasalukuyan, maaari ka lamang mag
laan ng isa or 2 oras kada araw para palaguin ang iyong negosyo.

www.couplescircle.com Page 16
Ito ay depende na rin sa iyo kung ano ang pinaka hilig mo, ano ang talent
na meron ka at kung ano ng strength mo. Kahit umpisahan mo sa maliit
lang na puhunan ay maari na itong lumaki kung decided ka talaga na
matutunan ito. Walang pwedeng dahilan, dahil kung gusto mo talaga ay
maraming paraan at kung ayaw mo naman ay maraming dahilan, ika nga.

Kung ano man ang napili mong negosyo, ang pinaka mainam mong gawin
ngayon ay ang MAG UMPISA KA NA..

MGA HAKBANG SA PAGSISIMULA SA IYONG NEGOSYO


1. PASSION
Alamin mo kung ano ang passion mo at gustong gusto mong gawin.
Evaluate mo ang iyong sarili, magaling ka bang magsalita?
magsulat? Marunong ka web designing? Or isa ka bang IT? Mahilig
ka bang kumuha ng mga pictures? Or makisalamuha sa mga tao.
Evaluate yourself and enhance your skills.

2. RESOURCEFULNESS
Dahil sa napaka advance ng technology ngayon, isang click na lang,
na andyan na ang lahat ng kailangan mo. Mag research ka
patungkol sa negosyo mong nais pasimulan. Maari ka ring manood
sa youtube, sumunod sa mga fb groups or sa mga blogs.

www.couplescircle.com Page 17
3. HAVE SOMEONE COACH YOU
Mas mainam pa rin na mayroong mag coach sayo. Pero piliin at
suriin mong mabuti kung sino ang gugustuhin mo na mag turo sayo.
Dahil kapag mayroon kang coach, mas mapapadali ang iyong pag
tatagumpay dahil ang mga pag kakamali nila ay maiiwasan mo na.

4. CHECK YOUR BUDGET


Tingnan mo kung ano negosyo ang pasok sa budget mo. Maaari
kang mag simula sa maliit lamang na puhunan at unti unti mo na
lang na palaguin ito.

5. PRAY FOR IT
Ipanalangin ang negosyo na nais mong pasimulan. Pakinggan ang
sinasabi ng Diyos patungkol dito at tiyak ang iyong tagumpay. Sabi
nga, unahin mo Sya at mag pakaligaya ka sa Kanya at ibibigay nya
ang desire ng iyong puso. Kung nais mong mag tagumpay, wag
mong kalilimutang panalangin.

6. TAKE ACTION
Mababale wala lahat kung ipagpapaliban mo lang ang lahat at di ka
gagawa ng aksyon ngayon.

www.couplescircle.com Page 18
May nabasa akong isang totoong pangyayari na nais kong ibahagi sayo.
Kilala mo ba si Solomon? Siya ang pinaka matalinong tao na nabuhay sa
mundo natin. Please read this passage:

Solomon loved the LORD, walking in the statutes of David his father, only he
sacrificed and made offerings at the high places. 4 And the king went to Gibeon
to sacrifice there, for that was the great high place. Solomon used to offer
a thousand burnt offerings on that altar. 5 At Gibeon the LORD appeared
to Solomon in a dream by night, and God said, Ask what I shall give
you. 6 And Solomon said, You have shown great and steadfast love to your
servant David my father, because he walked before you in faithfulness, in
righteousness, and in uprightness of heart toward you. And you have kept for
him this great and steadfast love and have given him a son to sit on his throne
this day. 7 And now, O LORD my God, you have made your servant king in place
of David my father, although I am but a little child. I do not know how to go
out or come in. 8 And your servant is in the midst of your people whom you
have chosen, a great people, too many to be numbered or counted for
multitude. 9 Give your servant therefore an understanding mind to govern
your people, that I may discern between good and evil, for who is able
to govern this your great people?

It pleased the Lord that Solomon had asked this. 11 And God said to him,
10

Because you have asked this, and have not asked for yourself long life
or riches or the life of your enemies, but have asked for yourself
understanding to discern what is right, 12 behold, I now do according to
your word. Behold, I give you a wise and discerning mind, so that none like
you has been before you and none like you shall arise after you. 13 I give you
also what you have not asked, both riches and honor, so that no other
king shall compare with you, all your days. 14 And if you will walk in my
ways, keeping my statutes and my commandments, as your father
David walked, then I will lengthen your days.

www.couplescircle.com Page 19
Sa kahilingang ito ni Solomon, hindi nya inuna ang kanyang sarili kundi
ang hiniling nya ay kung paano nya pamahalaan ang bayan ng Diyos.
Kung paano nya matutulungan ang ibang tao sa pamamagitan ng
kanyang karunungan. Dahil doon, kahit ang hindi nya hiniling ay ibinigay
din ito ng Diyos sa kanya gaya ng riches and honor.

Yun pala ang sikreto: Unahin ang kapakanan ng iba bago ang sarili

Ganun din tayo, kung ang pangunahin para sa atin ay ang matulungan
ang iba sa pamamagitan ng lahat ng ating mga natutunan, sa mga
biyayang ibinigay sa atin, tiyak ang tagumpay ay makakamit natin.
Napakasarap mabasa at mapakinggan na may mga tao na nag
papasalamat sa iyo dahil natulungan mo sila.

It will just follow, Manalig ka lang at huwag mo Siyang kalimutan na


pasalamatan dahil sa Kanya nag mumula ang lahat. Siya ang nakaka alam
ng nilalaman ng ating mga puso.

www.couplescircle.com Page 20
CONCLUSION

Sabi nga sa commercial ng Milo Great Start from Small Beginnings


Kung uumpisahan mo ito ngayon, mayroong mangyayari sa kinabukasan.
Nasa iyong mga kamay ang desisyon at pag kakataon.

Si Henry Sy na may ari ng SM Businesses ngayon ay nag simula sa kanyang


shoe business.

Henry did not have an overnight success: he had to enroll himself to school,
change legal names, give up on school, plus many other downs that
happened in his life. But did he give up? No, because maybe he knew that
something big, which is what he has now is about to come.

After a series of failures in his business, Henry Sy stood back up and


persevered to attain his goal. Now with over 40 plus malls, he surely became
very successful in his feat. He is the most recognizable tycoon, with owned
malls dominating the whole country. Sy had to put up with the successes and
trials in his business, and now hes enjoying the fruits of his labor.

With his inspiring story, one can learn about the ideals of success. Henry
Sys story tells us not to give up on our dreams, no matter how far-fetched it
seems. Who knows, maybe yours is the next success story to tell!

Excerpts from : Phil. Primer Expats Guide /Dec. 27, 2015 edition

www.couplescircle.com Page 21
Hindi lang si Henry Sy ang naging matagumpay, sina Lucio Tan, Bo
Sanchez, Si Chinkee Tan at napakarami pang iba..
Mayroon ding nagtagumpay na Janitor noon pero ngayon ay may sarili
ng Janitorial Agency.
O ang isa naman ay nag umpisa lang sa pag ice candy, ngayon ay bongga
na. At marami pang iba
Hindi isang chance lang nabasa mo ito kundi ito ang itinakda ng Diyos
sayo para magkaroon ka ng pagkakataon na magsimula sa iyong maliit at
lumalagong negosyo.

Gawin mong inspirasyon ang iyong mga magulang, asawa, mga anak, o
mga kapatid mo at lahat ng mga mahal mo sa buhay upang ano man ang
ginagawa mo ito ay para sa kanila at sa iyo din, at para sa inyong
kinabukasan.
Beh, yung anak mo inaantay ka lagi sa bahay-kailan ka makikipaglaro sa
kanya, kailan ka mag kaka oras sa kanya?

Kung nais mong may magbago sa takbo ng iyong finances ngayon,


kailangan mong humakbang at gumawa ng panibagong routine sa buhay
mo. Dahil kung hindi, ay magiging paulit ulit lang yan na mangyayari sayo.
Go out from your comfort zone, diba pagod ka na sa panahon na kaka
sweldo mo lang, ay eto na naman , mag aantay ka ulit at nag tatanong
kailan ba ulit ang sweldo?.

www.couplescircle.com Page 22
O di kaya, san kaya ako hahanap ng mahihiraman ko? Nakaka lungkot
isipin pero karamihan sa mga pinoy ay ganyan ang nararanasan.

Ako, ay nag tatrabaho din at karamihan sa mga ka opisina ko ay ganyan


din ang nararanasan.

Ako ay naging biktima din ng ganyan. Pero salamat dahil unti unti ay
nabuksan at namulat ako sa pagiging entrepreneur at may mga biyaya
na akong nararanasan at nag tatabi na ko para sa aming kinabukasan.

Ikaw, nag simula ka na ba o nais mo bang magsimula?


Kung hindi NGAYON? Kailan PA?

Let me hear your story. I have a listening ear and a helping hand to reach
you out. I am just an email away.
You can reach me through this email at : support@couplescircle.com
Maraming maraming salamat sa iyo kaibigan at hangad ko ang iyong
tagumpay.
TO GOD BE THE GLORY

www.couplescircle.com Page 23
Copyright 2017
By Dhaezie

All rights reserved 2017. No part of this book may be reproduced in any form without
permission in writing from the author. Reviewers may quote brief passages in reviews.

Disclaimer
No part of this publication may be reproduced or transmitted in any form or by any
means, mechanical or electronic, including photocopying or recording, or by any
information storage and retrieval systems, or transmitted by email without permission
from the publisher.

While all attempts have been made to verify the information provided in this publication,
neither the author nor the publisher assumes any responsibility for errors, omissions, or
contrary interpretation of the subject matter herein.

The reader is responsible for his or her own actions, as well as his or her own
interpretation of the material found within this publication. Neither the author nor the
publisher assumes any responsibility or liability whatsoever on behalf of the consumer
or reader of this material. Any perceived slight of any individual or organization is purely
unintentional

www.couplescircle.com Page 24